Chapter 13

117 9 0
                                    

I am staring at my reflection on the full-length mirror. Nakasuot ako ng isang royal blue long gown. Expose 'yong likod ko at medyo kita 'yong cleavage. Actually, binili ko ito gamit 'yong perang naipon ko. Gusto ko kasi na maging memorable 'tong last na pagsali ko sa JS Prom. I'll graduate soon, so I have to enjoy.

Doon na lang kami magkikita ni Jansen sa school dahil hindi niya ako masusundo sapagkat may mga bodyguards ako. May isang oras pa ako para mag-ayos. 8 p.m. kasi 'yong start ng party at 7 p.m. pa lang ngayon. Pwede naman akong umalis kasi kanina pa ako handa kaya lang ay maghihintay pa ako ng ilang minuto.

After 30 minutes of waiting ay naisipan ko nang lumabas ng aking silid. Tanging ako at ang maid lamang ang nasa loob ng bahay. May party din kasi na dinaluhan 'yong pamilya ko.

Mabilis kaming nakarating sa school at agad naman akong bumaba ng kotse. Nakaabang na sa parking lot si Jansen dahil 'yon 'yong sinabi niya kanina. Tumawag kasi siya sa'kin habang nag-aayos ako.

"Pumasok na tayo sa loob," sabi ko nang nakalapit ako sa kaniya.

Nakatingin lang siya sa'kin habang nakasandal sa pintuan ng kotse niya. Ang lakas ng dating niya ngayon.

"Naninibago ako sa itsura mo ngayon," mahinang sabi niya.

Teka, may mali ba sa itsura ko? Hindi ba maganda 'yong pagkakalagay ko ng make-up?

"Pangit ba?" Kinakabahan kong tanong.

"Hindi. Ang totoo nga niyan ay sobrang ganda mo."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti na lang at nagandahan siya sa'kin. Ikinawit ko 'yong kamay ko sa braso niya at inaya siyang pumasok sa loob ng school.

Nasa gate pa lang kami ng school ay dinig na dinig na namin ang malakas na ugong ng sound system. Maraming students din ang nagkalat sa daan. Sa school gym 'yong venue pero hindi pa naman nagsisimula kaya maraming tao ang nasa labas. Ang daan papuntang gym ay may mga lights na kulay blue at gold. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mamangha dahil napakaganda ng pagkakaayos nila sa lugar. Tanging mga maliliit na lights lang ang nagsisilbing ilaw sa daan kaya nagmistulang mahiwaga ang lugar.

Nang marating namin 'yong entrance ng gym ay mas marami pa kaming nakitang mga estudyante. Nakasuot sila ng mga magagarang damit at makikita mo talagang pinaghandaan nila ang gabing ito. May mga photographers din na nagkalat sa paligid.

"Magform na kayo ng line, class. We'll start in 2 minutes," nagmamadaling sabi ni Miss Adele. Nakasuot siya ng gold fitted dress. Royal blue at gold kasi ang theme ng party.

Pumunta kami ni Jansen sa pwesto namin at mayamaya pa ay nagsimula na ang party. Patuloy lang ang emcee sa pagtawag ng mga pangalan, at no'ng kami na ang tinawag ay dahan-dahan kaming naglakad sa gitna ng royal blue carpet. Huminto rin kami para magpakuha ng litrato.

Nang marating na namin 'yong lamesa para sa'min ay agad niya akong pinaghila ng upuan. Pinanood namin 'yong paglalakad ng mga classmates at schoolmates namin sa gitna. Makikita mo talagang masaya sila. Panay ngiti at pose habang nakaharap sa camera.

"Ladies ang gentlemen, let us all welcome Mr. Clyde Arsenal, our SSG President for his welcome message."

Napuno ng masigabong palakpakan ang buong Gym. Nakangiting pumunta sa stage si Clyde at tinanggap ang microphone galing sa emcee.

"Good evening! I would like to welcome you all in this fabulous event. I'm very happy that we are able to attend this unforgettable moment of our life. A special thanks to all the people who contributed to let this happen. I hope we'll enjoy this wonderful night. Thank you!"

Tulad kanina ay napuno ng hiyawan at palakpakan ang loob ng gym. Tumahimik din sila nang magsalita ulit ang emcee.

"Thank you for your heart-warming message, Mr. Arsenal. Tonight, we have 5 special guests. Though they came from the college department of this university, we cannot change the fact that they are well-known. Let's all welcome the hunks of College of Business and Management, Mr. Carlo Vargaz, Mr. Grayson Balbuena, Mr. Kristofer Sy, Mr. Miguel Mendoza, and Mr. Jared Montaño."

Halos mabingi ako sa tili ng aking mga kasama. Hindi ko magawang lumingon sa mga lalaking naglalakad sa royal blue carpet. Bakit nandito si Kuya? Akala ko ba ay may party siyang dinaluhan? At bakit nandito 'yong Vargaz na 'yon?

Pilit kong kinalma ang aking sarili dahil kinakabahan na naman ako. Hindi ko hahayaang masira ang gabing 'to. Kailangan kong magsaya dahil huling sali ko na 'to. Tumingin ako sa unahan at nakita kong pumunta sila sa mesang para sa kanila.

"Thank you for coming, Misters. To look back and reminisce the past, let us all welcome Ms. Christine Gonzales for the unveiling of the class history."

Hindi ko nagawang pumalakpak dahil nanginginig 'yong mga kamay ko. Naramdaman ko na lang na hinawakan 'yon ni Jansen. Tiningnan ko siya at bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Nginitian ko na lang siya at itinuon ang atensiyon ko sa stage.

Tawa ng tawa 'yong mga kaklase ko. Classmate ko kasi 'yong nagspeech para sa class history. Pinaalala niya sa'min 'yong mga panahong Grade 7 pa lang kami. May projector kasi at kitang-kita 'yong pictures namin. Ang liliit pa namin noon. May mga video rin no'ng sumali kami sa cheerdance competition. Pinaalala niya rin sa'min 'yong mga panahong hindi nagkakasundo 'yong buong klase. Nabansagan pa nga 'yong klase namin na 'worst section'.

Habang nakatingin ako sa mga litrato na pinapalabas ay nalulungkot ako. 'Yong mga taong nakasama ko sa loob ng pitong taon ko sa high school ay minsan ko na lang makikita sa susunod na taon. Hindi naman kasi lahat ng tao ay mananatili sa tabi mo. Darating din ang panahon na aalis sila. Minsan hindi mo alam kung kailan, pero sa posisyon ko, alam kong pagkagraduate namin ay tatahakin na namin 'yong magkakaibang landas. Hindi pa 'to graduation, pero parang naiiyak na ako. Paano na lang kaya sa pagtatapos namin?

Natapos 'yong speech niya at ang karamihan ay umiiyak habang tumatawa. Sana bumagal 'yong takbo ng oras para masulit ko ang pagkakataong ito na kasama ko pa sila.

"At this juncture, let us all fill the atmosphere with love, and witness the gracious movements of the cotillion dancers. Let's give them a round of applause."

Saktong pagtayo ko ay nagtama ang mga mata namin ni Kuya. Iniwas ko sa kaniya ang aking tingin at sinimulang abutin ang nakalahad na kamay ni Jansen. 

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now