Chapter 32

79 6 0
                                    

Habang tinititigan ko ang aking mukha sa salamin na nasa loob ng sasakyan ay naiinis ako. Sobrang daming pasa. Ang gilid ng aking labi ay nagdurugo at ang aking kanang pisngi ay may hiwa ng kutsilyo. Napatay ko ang target, ngunit ito ang mga natamo ko. Sobrang sakit ng aking katawan dulot ng pakikipagpatayan.

Mabilis kong pinaandar ang kotse at tinahak ang tahimik na daan. Mag-uumaga na ngunit ang mga ilaw sa bawat nadadaanan kong mga gusali ay nakabukas pa rin, na para bang magsisimula pa lamang ang gabi.

Habang nagmamaneho ay naramdaman ko na parang may masamang mangyayari. Sinulyapan ko ang side mirror sa pag-aakalang may sumusunod sa akin, ngunit wala naman. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan kaya agad din akong nakarating sa mansiyon.

Marahas kong binuksan ang pintuan ng aking kotse at agad din namang napadaing dahil sa sakit ng katawan. Napatingin ako sa aking braso at nakita kong patuloy itong nagdurugo. Napailing na lamang ako at agad na bumaba ng sasakyan.

Hindi pa man ako umaabot sa loob ng bahay ay nakita ko ang mga tauhan ni Papa na nakahandusay sa sahig malapit sa gate. Kaagad kong kinuha ang aking baril at naging alerto ako sa paligid. Nagkalat ang mga basag na piraso ng mga vases. May mga bala rin na nagkalat sa sahig. Halos lahat ng mga bintana ay basag.

Nang makapasok na ako sa loob ng mansiyon ay mas dumami ang mga bangkay na nagkalat. Mabilis akong tumakbo papunta sa sofa nang makita ko si Don Gibran. Nakaupo siya at nakapikit ang kaniyang mga mata.

Unti-unti ko namang naramdaman ang galit at sakit nang makita ko ang kaniyang kalagayan. May tama siya sa kaniyang kaliwang dibdib at ang kulay puti niyang polo shirt ay nababalot ng dugo.

"Don Gibran...gumising ka." Paulit-ulit kong tinapik ang kaniyang mukha, ngunit walang epekto. Hindi pa rin siya gumigising.

"Pa...P-Papa...hindi ka puwedeng mawala. Hindi mo ako puwedeng iwan."

Nilabanan ko ang aking takot, ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nanginginig at walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking mukha. Hindi siya puwedeng mamatay.

"Papa... Huwag naman ngayon. Lumaban ka muna."

Kahit ilang beses ko siyang gisingin ay alam kong habambuhay na siyang matutulog. Masakit ito para sa akin, pero alam kong mas masakit ito kay Dixel.

Shit! Si Dixel.

Kaagad kong nilibot ang buong buhay at natagpuan ko siya sa kusina. Nakasandal siya sa sementong dingding at nakita kong may tama siya sa bandang tiyan.

"Dixel...kailangan nating umalis dito. Kailangan kitang dalhin sa ospital."

Pinagmasdan ko siya at nakita kong patuloy na tumataas baba ang kaniyang dibdib. Isang senyales na buhay pa siya. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang aking kamay kaya napatingin ako rito.

"Dixel, aalis tayo kaya huwag kang susuko," mahinang sambit ko.

Nakita ko naman siyang umiling kaya bigla akong napahagulgol. Ayaw niya ba? Iiwan niya rin ba ako?

"Kailangan mong lumaban. Nagpromise ka sa'kin diba? Aalis pa tayo kaya hindi ka puwedeng mawala."

Tinulungan ko siyang tumayo kahit hirap na hirap na ako. Sobrang sakit na ng kanang braso ko at pakiramdam ko'y unti-unti na itong namamanhid. Nang marating namin ang sasakyan ay kaagad ko siyang ipinasok at pinaharurot ito papunta sa pinakamalapit na ospital.

Nang marating namin ang ospital ay kaagad akong lumabas at humingi ng tulong. Hinang-hina na ako at umiikot na rin ang aking paningin, pero kailangan kong magpakatatag.

"Miss, kailangan nating gamutin 'yang sugat mo."

Napatingin ako sa Nurse na lumapit sa akin at bakas ang pag-aalala at takot sa kaniyang mukha.

Hindi ko siya pinansin at itinuon ko ang aking atensiyon kay Dixel na ipinasok sa loob ng emergency room. Ang mga nurses at doctors ay masyadong abala sa pag-aasikaso sa kaniya kaya napaupo na lamang ako sa malamig na sahig.

"Miss, gagamutin natin 'yang sugat mo dahil baka maubusan ka ng dugo," nag-aalalang sabi ng Nurse.

Hindi na ako nagsalita pa at agad na lumipat sa bakal na upuan. Lumapit naman siya sa akin at agad na nilinis ang aking sugat. Napayuko na lamang ako at tahimik na umiyak.

Gusto kong sumigaw at magwala rito ngunit ramdam ko na nanghihina na ako. Ramdam ko na ilang oras na lang ay bibigay na ang katawan ko sa pagod.

Napatingin ako sa dumaang doktor na nanggaling sa emergency room kaya kaagad akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Doc, k-kumusta na po siya?"

"Natanggal na namin ang bala sa kaniyang katawan, ngunit kasalukuyan pa naming inoobserbahan ang kaniyang kalagayan dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya."

Tumango na lamang ako at agad na bumalik sa kinauupuan ko kanina. Pinagpatuloy ng nurse ang panggagamot sa akin hanggang sa matapos ito.

"Miss, kailangan mo munang magpahinga dahil namumutla ka na."

"No. Okay na ako."

"Pero Miss ---"

"Puwede bang iwan mo na ako?! Okay lang ako kaya umalis ka na!"

Napatingin ang mga tao sa akin nang sumigaw ako. Ayoko sa lahat ay 'yong pinipilit ako. Okay lang ako. Dito lang ako dahil kailangan ako ni Dixel. Napatingin ako sa aking relo, at napahilamos na lamang ako sa aking mukha nang makitang mag-aalas tres na pala ng umaga.

Ipinikit ko ang aking mga mata at kasabay noon ay ang pagbuhos ng aking mga luha. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito. Kung hindi sana ako umalis ay baka buhay pa ngayon si Don Gibran at hindi nag-aagaw buhay si Dixel.

Patuloy akong naghintay sa labas, umaasang may magandang balita tungkol sa kalagayan ni Dixel kahit na kasasabi lamang ng doctor na inoobserbahan pa nila ito. Ilang sandali pa ay nakatulog ako dulot ng pagod at sakit.

---

Nagising ako sa ingay ng mga tao. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita kong nagkakagulo ang mga nurse at doctors. Karamihan sa kanila ay patungo sa loob ng emergency room.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at agad na pumunta sa pinto ng emergency room. Kitang-kita ko sa bintana na abala sila kay Dixel. Napatingin ako sa electrocardiogram at nakitang malapit na magflat 'yong linya na nagsisilbing heartbeat niya.

Hindi ito maaari. Hindi niya ako puwedeng iwan. Sinubukan kong pumasok sa loob ngunit hinarangan ako ng nurse.

"Papasukin n'yo ako! Kailangan niya ako," pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Hindi po puwede, Miss. Pasensiya na."

Lumapit ulit ako sa bintana at halos magwala ako nang makitang nagflat na talaga 'yong linya sa electrocardiogram. Paulit-ulit siyang ni-revive ngunit hindi na talaga bumabalik ang kaniyang pulso.

"Buhayin n'yo siya! Hindi siya puwedeng mamatay!"

Umalingawngaw ang aking boses sa loob ng ospital. Ayokong mawala siya. Siya na nga lang 'yong natitirang malapit sa akin tapos mawawala pa? Ayoko.

Patuloy lang ako sa pag-iyak at naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa galit. Magbabayad ang lahat ng mga taong sangkot sa kaguluhang ito. Sisiguraduhin kong luluhod silang lahat sa harapan ko.

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now