Chapter 29

91 7 0
                                    

Pagpasok ko pa lang ng bar ay bumungad na agad sa akin ang nakakabinging hiyawan ng mga tao. May mga sumasayaw sa gitna at sinasabayan ang malakas na tugtog ng musika. Amoy na amoy sa paligid ang pinaghalong alak at usok ng sigarilyo.

Napatingin ako sa VIP table na nasa sulok at tulad nga ng aming napagplanuhan ay nakaupo na roon si Black. Nakasuot din siya ng mask at tumango lamang siya sa'kin. Kaagad akong dumiretso sa counter ng bar at nag-order ng alak. Sanay na akong uminom kaya medyo nawawala na ang allergy ko.

"Can I join you?""

Ibinaba ko ang shot glass na naglalaman ng tequila at nilingon ang lalaking lumapit sa akin.

"Sure," nakangiti kong sagot.

"So, why are you wearing a mask?"

"To hide my ugly face," nababagot kong sagot.

Nagulat na lamang ako nang hinawakan niya ang aking mask. Tatanggalin na niya sana ito ngunit pinigilan ko ang kaniyang kamay. Tiningnan ko siya ng masama at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kaniya.

"Don't you dare remove my mask. You won't like it when I'm mad."

Nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata kaya pabagsak kong binitiwan ang kaniyang kamay. Aalis na sana ako ngunit may dumating na babae na kilalang-kilala ko.

"Babe, who is she? Nilalandi ka ba niya?"

Automatic na napataas ang aking kilay sa sinabi niya. Hiyang-hiya naman ako sa salitang 'nilalandi'.

"Excuse me," sabi ko bago sila tinalikuran.

Habang naglalakad ako paalis ay may humawak sa aking braso.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap! Bakit hindi ka maghanap ng lalaki mo?!"

"For your information, siya ang unang lumapit sa'kin. At teka lang, girlfriend ka niya? Wala siyang taste kung gano'n," pang-iinsulto ko sa kaniya.

"Sinasabi mo bang pangit ako?"

"Depende sa pagkakaintindi mo," kibit-balikat kong sagot.

"Why don't you remove your mask para makita natin kung sino ang mas maganda?"

Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Alam kong marami na ang nanonood sa pagtatalo namin. Ang boyfriend niya naman ay nakangisi lang.

"Kapag tinanggal ko 'to, baka mapahiya ka," sabi ko habang hinahawakan ang aking mask.

"Hindi mo ba ako kilala?!"

"Hindi... Hindi naman kasi ako interesado sa'yo."

"Well, let me introduce myself. I'm Maurine Montaño, and I can do whatever I want. So, be careful dahil kayang-kaya kitang ipapatay," nakangisi niyang sagot.

Mahina lamang ang kaniyang pagkakasabi ngunit may diin ang bawat pagbigkas.

"Really? Ikaw na lang kaya ang pumatay?"

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya at sasampalin niya na sana ako ngunit napigilan ko ang kaniyang kamay.

"Ang bagal mo namang kumilos. Ipapapatay mo ako diba? Now, watch me," sabi ko bago siya tinalikuran.

Sinenyasan ko si Black at tumayo naman siya. Hinugot ko ang aking dalawang baril at sabay naming nilapitan ang table ng target. Natigil ang malakas na tugtog ng sound system, at napalitan ito ng sigaw ng mga tao. Maririnig din ang mga putok ng baril hanggang sa maubos namin ang mga kasama ni Christopher Chen.

"Pasensiya na at napag-utusan lang," sabi ko bago pinaulanan ng mga bala ang main target.

Nilingon ko naman ang hayop kong kapatid na si Maurine at nakita kong takot na takot siya. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa pinatay ko. Manuod ka Maurine dahil gagawin ko rin ito sa inyo!

Nilapitan ko ang target at kinuha sa aking sapatos ang foldable pocket knife at mabilis itong itinarak sa kaniyang puso. Nakita kong nagulat din si Black sa aking ginawa kaya mabilis akong lumayo sa target. Lumapit ako kay Maurine at nakita kong napaatras siya.

"Magkikita rin tayong muli at kapag dumating ang araw na 'yon ay kayo na ang isusunod ko."

Iniwan ko siyang takot na takot at nagugulahan. Kaagad akong sumakay sa aking motor at paalis na sana ngunit naabutan ako ni Black.

"Uuwi ka na?"

"Hindi pa. May pupuntahan ako," sagot ko habang binabalanse ang aking sarili sa motor.

"Puwede ba akong sumama?"

Tumango lamang ako bilang sagot. Mabilis naman siyang sumakay sa sarili niyang motor at sabay naming tinahak ang daan papunta sa paborito kong lugar.

Nang marating namin ang lugar ay kaagad akong bumaba sa aking motor at umupo sa damuhan. Sumunod naman siya sa'kin at umupo rin sa aking tabi. Medyo maginaw dahil mataas ang lugar na 'to. Makikita rin namin sa ilalim ang mga makukulay na city lights.

"Mahalaga siguro ang lugar na 'to para sa'yo," pagsasalita ni Dixel.

"Sobra."

"Ate mo 'yong babae kanina diba?"

"Oo. Ate ko 'yon...noon."

"Bakit mo ginawa 'yon?"

Tinutukoy niya siguro 'yong pagsaksak ko ng kutsilyo sa target.

"Gusto kong ipakita kay Maurine na kayang-kaya ko siyang patayin... Gusto kong matakot siya," galit kong sagot.

"Ngunit hindi ka niya nakikilala."

"Kahit na... Gusto kong maramdaman niya rin ang takot na naramdaman ko no'n."

Naging tahimik ang paligid hanggang sa narinig namin na may paparating na sasakyan. Nilingon ko kung sino ang dumating at napatigil ako nang makilala ko kung kaninong sasakyan 'yon.

"Jansen," mahinang sambit ko.

Gulat na napalingon sa akin si Dixel at tiningnan ko naman siya.

"N-Nandiyan siya," bulong ko sa kaniya.

Nakita kong lumabas si Jansen sa kaniyang sasakyan at napatingin siya sa puwesto namin. Bakas sa kaniyang mukha ang gulat. Hindi niya siguro inaasahan na may mga taong pupunta rito.

Tatayo na sana ako para umalis sa lugar na ito, ngunit pinigilan ako ni Dixel. Hinawakan niya ang aking kamay at nilingon si Jansen.

"Puwede ba na manatili muna kami rito?" Tanong ni Dixel kay Jansen.

"Sure, hindi ko naman pag-aari ang lugar na ito," kalmado niyang sagot.

Pinagmasdan ko na lamang siya mula sa kinauupuan ko. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin ngunit hindi puwede. Masisira ang mga plano ko kapag ginawa ko 'yon.

"May problema ka ba?"

Hindi ko alam kung bakit kinakausap ni Dixel si Jansen. Kung makatanong siya ay parang magkaibigan sila.

"Wala," seryosong sambit ni Jansen.

"Kung gano'n, bakit ka nandito?"

"This is my favorite place, and this reminds me of someone."

Napayuko ako sa sinabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa naramdaman ko ang pagdaloy ng mga luha sa aking mukha. Sobrang sakit. Gusto ko siyang kausapin at sabihin sa kaniya na nandito ako, ngunit alam kong ako'y mahihirapan lamang.

Bigla akong tumayo at kaagad na sumakay sa aking motor. Mabilis ko naman itong pinaharurot paalis dahil hindi ko na kayang makinig pa sa mga sasabihin ni Jansen. Parang pinipiga ang aking puso sa tuwing naririnig ko ang kalungkutan sa kaniyang boses. 

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now