Chapter 20

120 8 0
                                    

Ramdam na ramdam ko ang tensiyon. Sobrang bilis nang pagpapatakbo ni Jansen sa sasakyan. Pinagpapawisan siya at lalong-lalo na ako. Palinga-linga rin ako sa paligid. Tinatanaw kung may tao ba ngunit wala. Walang makikitang bahay sa lugar na 'to.

Halos masubsob ako sa dash board ng biglang tapakan ni Jansen ang preno. Nagulat na lamang ako ng nasa unahan na namin ang sasakyan ni Kuya at nakaharang pa ito sa daan.

Nagkatinginan kami ni Jansen at parehong nanlaki ang aming mga mata. Nakita ko naman si Kuya na lumabas sa kaniyang sasakyan at pumunta sa harapan.

"Kahit anong mangyari ay huwag kang lalabas," seryosong sabi ni Jansen.

"P-Pero ayokong madamay ka."

"Basta huwag kang lalabas."

Lumabas siya ng sasakyan at ako naman ay patuloy na pinapahid ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha. Makikita ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Mga nakamamatay na tingin at mga nakakuyom na kamao.

Napalabas ako ng sasakyan nang makita kong may hawak na baril si Kuya. Nabaling ang tingin ko kay Jansen at sinesenyasan niya akong pumasok sa loob ngunit umiling lamang ako. Patawad.

"Kuya, tama na!"

"Pumasok ka sa loob ng sasakyan ko ngayon din!"

"Kuya, a-ayoko. Parang awa mo na, paalisin mo na kami," umiiyak na pakiusap ko.

"Anong tingin mo sa'kin? Bobo?! Akala mo ba makakawala ka?!"

"Mga hayop kayo!"

"Manahimik ka!"

Bigla niyang itinutok sa akin ang baril. Hindi ako gumalaw. Tiningnan ko lamang siya ng masama. Hindi ako nakakaramdam ng takot para sa sarili ko. Mas takot pa ako para sa kalagayan ni Jansen.

"Sige! Patayin mo ako! Basta ito ang tatandaan mo, isasama ko kayo sa impyerno!"

Nakarinig ako ng putok. Ipinikit ang aking mga mata at hinintay ang pagtama ng bala sa aking katawan, ngunit nagulat na lamang ako ng sumigaw si Jansen. Napamulat ako at nakita ko siyang hinahawakan ang kaniyang kanang balikat.

"Alam niyo para kayong mga tanga! Bakit mo pa iniligtas ang babaeng 'yan? Dahil ba mahal mo siya? Alam mo pare, hindi na 'yan virgin. Nagamit na namin 'yan," nakangising sambit ni Kuya kay Jansen.

Bigla na namang nanikip ang dibdib ko nang makitang nasasaktan si Jansen. Ang kaniyang kulay gray na t-shirt ay may mga bakas na ng dugo.

"Hayop ka! Wala kayong karapatan para bastusin si Ysabelle! Kapatid mo 'yan, tapos sasaktan mo? Magbabayad kayong lahat!"

"Ang tanong, kaya mo ba?"

"Hayop ka talaga!"

"Ysabelle, pumasok ka na sa loob ng sasakyan ko kung ayaw mong patayin ko ang lalaking 'yan," utos ni Kuya habang nakaturo kay Jansen.

"Ang sama-sama mo talaga! Sana hindi na lang ako napunta sa inyo! Mas gugustuhin ko pang mapunta sa mahirap pero mabuting pamilya kaysa sa inyo na mga demonyo!"

"Pumasok ka na!" Itinutok niya ulit ang baril kay Jansen.

"Ysabelle, huwag kang sasama sa kaniya," naluluhang sambit ni Jansen.

"S-Sorry ngunit kailangan kung gawin 'to."

Unti-unti akong naglakad papalayo sa kaniya. Tinawag niya pa ako ng ilang beses, ngunit hindi ko na siya magawang tingnan pa. Masakit sa'kin, pero alam kong mas masasaktan siya. Patawad Jansen. Para 'to sa kaligtasan mo.

Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ni Kuya ay kaagad naman siyang sumunod sa'kin. Pinaharurot niya ito paalis at tahimik naming tinahak ang daan pabalik ng bahay.

Alam kong nasa peligro ang buhay ko ngayon. Maaaring ulitin na naman nila ang ginawa nila sa'kin. May posibilidad din na papatayin nila ako. Alam kong magagawa nila 'yon, at kung umabot man kami sa puntong 'yon ay isinusumpa ko na hinding-hindi sila makakatulog. Magsisisi silang binaboy nila ako.

Nang makarating kami sa bahay ay kaagad akong hinila ni Kuya papasok sa aking silid. Mahigpit siyang nakahawak sa aking braso at itinulak ako. Pagkatapos ay iniwan niya rin ako at sinarado ang pintuan.

Napahagulgol na lamang ako nang maalala ko si Jansen. May tama siya sa balikat. Baka napaano na siya. Gusto ko siyang tawagan, ngunit naiwan ko ang mga gamit ko sa kotse niya. Sana naman ay ayos lang siya.

Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong may nagkakagulo sa labas. Hindi ko masyadong maintindihan 'yong mga sinasabi nila, pero alam kong bumalik sila Mama at Papa.

"Ma! Pa! Tulungan niyo ako rito!"

Patuloy akong sumisigaw habang kinakalampag ang pintuan. Nang marinig kong may pumipihit sa pintuan ay napaatras ako.

"M-Ma," humihikbing sambit ko.

"Ano?!"

"M-Ma, ginahasa nila ako."

"Oh?! Tapos?!"

"T-Tulungan mo ako, Ma. Ilayo mo ako rito. Ilayo mo ako sa kanila," pagmamakaawa ko habang nakaluhod sa harapan niya.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?!"

"M-Ma, anak mo ako."

"Nakalimutan mo na bang ampon ka lang?"

Tumatawa siya habang binibigyan ako ng mga nakakainsultong tingin. Nagkamali ako. Akala ko tutulungan nila ako, ngunit pare-pareho lang pala silang lahat. Nagsisisi akong itinuring ko pa silang pamilya sa kabila ng mga pang-aabuso nila sa'kin.

"Alam mo Ma? Pinagsisisihan ko 'yong mga kabutihang ginawa ko sa inyo. Kung sana'y hindi niyo na lang ako inampon ay baka maayos pa 'yong buhay ko ngayon!"

Napahawak ako sa aking pisngi nang sampalin niya ako. Kailanma'y hindi ko pagsisisihan 'yong mga sinabi ko sa kaniya. Mas mabuting alam niya na kinamumuhian ko sila.

"Bakit? Kung hindi ba kita inampon ay mararanasan mo ang magkaroon ng ganito kagandang buhay?"

"Maganda na ba 'to para sa'yo, Ma? Maganda ba ang pinaparamdam n'yo sa'kin?! Maganda ba na palagi n'yo akong sinasaktan?! Maganda ba na hahayaan niyo akong magdusa sa mga kagaguhang pinanggagagawa nila Kuya?! Gusto kong sabihin sa'yo, Ma, na parang impyerno ang lugar na 'to para sa'kin at kailanma'y hindi ako naghangad ng kayamanan!"

Sinabunutan ako ni Mama at paulit-ulit na sinampal. Hindi ko ramdam ang sakit sa pisikal kong katawan. Para akong manhid na kahit anong pananakit ang ginagawa niya sa'kin ay hindi ko maramdaman.

"Sige Ma! Ipagpatuloy mo! Balang araw ay luluhod kayong lahat sa harapan ko, at kapag dumating ang araw na 'yon ay hinding-hindi ako magpapakita ng awa sa inyo!"

"Bago mo pa magawa 'yon ay isa ka ng malamig na bangkay!"

Pumasok sila Kuya at Papa sa loob ng silid ko at pinanood akong nakaluhod sa sahig.

"Jared, dalhin mo ang babaeng 'yan doon sa pribadong isla na pag-aari natin. Bahala na kayo kung anong gagawin niyo, pero mas mabuting patayin niyo na 'yan," seryosong sabi ni Papa.

"Tinanggi mo pa noong nakaraan na hindi kayo mamamatay-tao! Akala n'yo ba ay wala akong alam tungkol sa mga kasamaan ninyo? Alam kong kayo ang pumatay sa matanda roon sa harap ng mall!"

"Alam mo naman pala kaya kabahan ka na!"

"Bakit naman ako kakabahan?! Hindi ako takot mamatay dahil alam kong sa langit ang punta ko. Hindi tulad n'yo na mabubulok sa impyerno!"

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now