Chapter 16

115 6 0
                                    

Naiwan ako sa bahay kasama ang aking dalawang kapatid, kasambahay at mga bodyguards. Umalis kasi sila ni Mama at Papa kahapon patungong America. Hindi man lang sila nagdalawang-isip. Hindi na rin nila ako pinayagang pumasok ng school at mas hinigpitan pa 'yong pagpapabantay sa akin. Bigla ko namang naalala ang pag-uusap namin kahapon.

Binigyan ako ni Mama ng nababagot na tingin matapos akong magtanong sa kaniya.

"Aalis kami. May kailangan kaming ayusin sa America para sa negosyo," sagot ni Mama.

"Pero Ma, malapit na po 'yong Graduation Day ko."

"Wala akong pakialam sa graduation mo! Huwag ka na lang dumalo. Ako nang bahala sa excuse mo," inis niyang sabi.

"Dito ka na lang sa bahay at huwag mong subukang tumakas!" May diin ang bawat salitang binitiwan ni Papa. Makikita rin ang babala sa kaniyang mga mata.

Tinalikuran nila ako at bumaba sila ng hagdan. Sinara ko naman ang pintuan at sumandal dito. Sa aking pagpikit ay may mga butil ng luha na dumaloy sa aking mukha. Sobrang sakit. Ang makagraduate ng high school ay isa sa mga pangarap ko. Ang pag-akyat sa entablado para tanggapin ang diplomang pinaghirapan ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko ito makakamit. Graduate nga pero hindi man lang makakadalo.


Kasalukuyan akong nasa sala. Nanonood ako ng TV pero hindi ko maintindihan 'yong palabas. Iba kasi 'yong pumapasok sa isipan ko. Sobrang dami ko ng problema at dumagdag pa 'yong hindi pagpayag ni Mama na dumalo ako sa graduation. Isa rin si Jansen sa pinoproblema ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin ako tinatawagan o tinitext. Galit ba siya sa'kin dahil do'n sa ginawa ko? Pero para naman 'yon sa ikabubuti naming dalawa.

Napagpasyahan kong patayin na lang ang TV dahil lutang na naman ang isip ko. Tinungo ko ang labas ng bahay para magpahangin. Bubuksan ko na sana ang gate, ngunit hinarang ako ng dalawang bodyguards.

"Pupunta lang po ako sa park," nakangiting sabi ko.

"Bawal po Ma'am. Ibinilin kasi sa amin ni Sir Gabriel na huwag kang palabasin ng bahay."

"Puwede naman po kayong sumama."

"Pasensiya na Ma'am, pero bawal po talaga."

"Ano ang nangyayari rito?" Tanong ni ate habang nakataas ang kilay at nakahawak sa kaniyang baywang.

"Aalis po kasi siya Ma'am," pagsusumbong ng bodyguard.

"Nakalimutan mo na ba 'yong sinabi ni Daddy? Bawal kang lumabas! O baka gusto mo lang na ulit-ulitin ko 'yong sinabi niya?!" Inis na sigaw niya.

Hindi na lang ako nagsalita para wala ng gulo.

"Umayos ka Ysabelle! Pumasok ka sa loob at maglinis. Pupunta rito si Kuya at ang mga kaibigan niya mamaya."

Nanatili akong nakatayo sa harap niya hanggang sa sigawan niya ako ulit.

"Ano pang hinihintay mo?!"

Napakalakas ng boses niya at kitang-kita ko 'yong mga ugat sa leeg niya.

"Buwisit ka talaga!"

Umalis siya sa aking harapan at nagtungo sa garahe. Aalis siguro siya kasama ang mga kaibigan niya. Bumalik ako sa loob ng bahay dahil wala na rin naman akong magagawa. Sa tingin ko ay mga sampu na ang nagbabantay sa akin.

Pumasok ako sa loob ng silid ko at doon nahiga. Ala una na ng hapon, ngunit hindi pa rin ako nakakain ng pananghalian. Hindi ko rin naman ramdam ang gutom kaya ayos lang.

Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong lang sa ibabaw ng kama at binuksan ito. Nagbabakasakaling may missed calls o text man lang, ngunit wala pa rin. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya ito sinasagot. Sigurado akong walang klase kaya bakit hindi niya magawang sagutin 'yong tawag ko?

---
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Kinapa ko 'yong cellphone ko at tiningnan ang oras. 9 p.m. na pala. Inilagay ko muna ang cellphone sa drawer ng bedside table ko saka ako naglakad palabas ng silid.
Nasa hagdan pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang kanilang malalakas na tawanan. Boses ng mga lalaki. Teka, nandito na ba sila Kuya?

Habang pababa ako ay palakas ng palakas ang kanilang tawanan. Mabuti naman at hindi nila ako nakita kaya mabilis akong nagtungo sa kusina.

Kumakalam na 'yong sikmura ko kaya agad akong naghanap ng makakain sa refrigerator. Kinuha ko ang tupperware ng chicken curry at pinainit ito sa microwave oven. Habang naghihintay ay biglang dumating si Kuya Jared.

Namumula ang kaniyang mga mata at pagewang-gewang na naglakad papunta sa harap ng refrigerator.

"Kanina ka pa hinahanap ni Carlo," sabi niya. Halata sa boses niya na lasing siya.

Pinanood ko lang siya habang nagsasalin sa baso ng malamig na tubig. Muntikan pa siyang matumba kaya nilapitan ko siya.

"Ano ba?! Lumayo ka nga sa'kin. Kaya ko ang sarili ko!"

Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa lumabas siya ng kusina. Nang mainit na 'yong ulam ay kaagad akong kumain. Paalis na sana ako nang madatnan ako ni Kuya Grayson, 'yong cotillion trainer namin.

"Hi Ysabelle!"

"Hello po," magalang na sagot ko. Hindi maririnig ang kasiyahan sa aking boses. Pinansin ko lang siya dahil natatakot ako sa kaniya.

Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita. Kaagad akong umalis dahil kinakabahan ako kapag may kausap akong lasing. Aakyat na sana ako ng hagdan nang marinig ko na naman ang kanilang malalakas na tawanan. Tiningnan ko sila at natuon ang atensiyon ko sa puting powder na nasa maliit na lamesa. Teka, drugs ba 'yon?

Unti-unting gumapang ang takot sa aking buong pagkatao. Kaya ba namumula ang mga mata ni Kuya? Dahil ba 'yon sa drugs na ginagamit nila?

Nanatili akong nakatayo sa puwesto ko. Ang kanang paa ay nasa unang baitang ng hagdan, habang ang kaliwang paa ko naman ay nasa sahig. Labis akong nagulat ng napatingin silang lahat sa'kin.

"Ang ganda talaga ng mapapangasawa mo, Carlo," nakangising sambit ni Miguel habang tiningnan ako mula hanggang paa.

Nagtawanan naman silang lahat. Napatingin ako kay Kuya dahil hindi ko inaakala na makikipagsabayan siya sa mga kaibigan niya. Hindi niya ba naiintindihan? Kapatid niya ako at binabastos na ako ng mga kaibigan niya.

"Pare, pwede bang mag-advance honeymoon?"

Kaagad akong napatakbo papunta sa aking silid ng sabihin 'yon ni Carlo. Parang silang mga demonyo na tumatawa. Wala na sila sa tamang pag-iisip. Natatakot ako sa maaaring gawin nila sa'kin.

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now