Chapter 12

108 8 0
                                    

I was a bit hesitant kung pupunta ba ako sa harapan o hindi. Pero noong tinawag ulit ni Kuya Grayson 'yong pangalan ko ay lumapit na ako sa kaniya.

"Bakit po Kuya?" Naguguluhang tanong ko. May nagawa ba akong mali? Mali ba 'yong steppings ko?

Sa halip na sagutin ay tinawag niya ang buong atensiyon ng mga estudyanteng kasali sa cotillion.

"Hindi naman mahirap 'yong steps. Ang kailangan n'yo lang ay makinig sa beat ng music at isabay ang paggalaw ng katawan n'yo," sabi ng trainer namin.

"Panuorin n'yo kami ni Ysabelle dahil ipapakita namin kung paano 'yong tamang pagsayaw nito."

Bakit ako pa 'yong pinili niya? Meron namang magagaling sumayaw sa unahan. At bakit alam niya 'yong pangalan ko?

Hinawakan niya 'yong kamay ko at pumunta kami sa gitna. 'Yong mga kasama ko naman ay nakaupo sa sahig at pinapalibutan kami. Pinaandar niya 'yong music at inilagay ang aking kaliwang kamay sa kaniyang kanang balikat. Ang kanan ko namang kamay ay hawak-hawak niya. Hindi ko alam kung bakit kinuha ko ang aking kamay sa kaniyang pagkakahawak. Hindi ako sanay sa ganito. 'Yong tipong sobrang lapit ng katawan ko sa ibang tao.

"K-Kuya, hindi kasi ako sanay sa ganito. Pwede bang iba na lang 'yong kunin mo?" sabi ko sa kaniya.

"Sasayaw lang naman tayo."

"Iba na lang po. Masakit din po kasi 'yong paa ko."

Hindi ko na siya pinagsalita pa at kaagad akong tumalikod at lumapit kay Jansen.

Lahat ng mga kasamahan ko ay natulala sa ginawa ko. Hindi sila makapaniwalang hindi ako nakipagsayaw sa trainer namin. Iba kasi 'yong pakiramdam ko habang hawak niya 'yong kamay ko kanina.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jansen. Mahina lang 'yong boses niya kaya hindi 'yon narinig ng iba.

"Ayokong makipagsayaw sa kaniya."

"Base sa mga kilos at tingin niya sa'yo, sa tingin ko'y gusto ka ng lalaking 'yon."

"At bakit mo naman nasabi?"

"Hindi ka ba nagtataka? Sa sobrang dami ng babae sa loob ng gym na 'to ay ikaw 'yong pinili niya."

"Nagtataka rin naman."

Natapos ang pagsasayaw ng trainer namin kasama ang isang Grade 11 student. Maganda ang kinalabasan ng kanilang sayaw dahil pareho silang magaling. Nagpatuloy kami sa pag-eensayo at palagi kong nakikita sa peripheral vision ko na nakatitig sa'kin si Kuya Grayson. Hindi ko na lang ito pinansin at mas tumutok ako sa pagsasayaw.

Saktong 12 p.m. nang payagan kaming maglunch break. Naisipan muna naming pumunta ni Jansen sa classroom kasi kailangan naming kunin 'yong mga bag namin. Nang makuha na namin ang mga ito ay nagpasama ako sa kaniya papuntang locker room.

"Ano ba ang gagawin mo do'n?"

"May kukunin lang ako."

Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa mga lockers. Kinuha ko 'yong mga pocketbooks ko at inilagay sa bag. Mahilig kasi akong magbasa kaya dadalhin ko ito sa bahay.

"Magbihis ka na lang din kaya ng P.E uniform?" Suhestiyon niya.

"Bakit naman?"

"Basta."

Napanguso na lang ako at kinuha ang aking P.E uniform. Nang maisara ko na 'yong pintuan ng locker ko ay hinarap ko siya.

"Mauna ka na lang. Magbibihis pa ako."

"Huwag na. Sasamahan na lang kita."

Hindi na ako nakipagtalo pa, at gaya nga ng sabi niya ay sinamahan niya ako hanggang sa labas ng CR.

"Samahan mo ako sa loob," natatawang sabi ko sa kaniya.

"Huwag ka nang mang-asar pa."

Tinulak niya ako sa loob at nagmadali naman akong pumasok sa bakanteng cubicle.

Habang nagbibihis ako ay may narinig akong pumasok sa loob ng CR.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Jansen Vergara."

"Oo nga. Sino kaya 'yong hinihintay niya sa labas?"

Nagulat na lamang sila nang lumabas ako ng cubicle. 'Yong mga mukha nila ay parang naiilang. Nginitian ko na lang sila at kaagad na pinuntahan si Jansen sa labas.

"Tara na," pag-aaya ko sa kaniya.

Nasa labas pa lang kami ng cafeteria ay naririnig na namin ang ingay. Ang daming estudyante.

"Sa likod na lang tayo ng school kumain."

"Sige, hintayin mo na lang ako riyan."

Tulad ng palagi niyang ginagawa ay nilibre niya na naman ako. Nakakahiya na nga pero ayaw niya kasing tanggapin 'yong pera ko. Nakakainsulto raw 'yon para sa kaniya, kaya ang ginagawa ko ay tinatanggap ko na lang.

"May susuotin ka na para sa Prom?" Tanong ko sa kaniya. Kararating lang namin sa tambayan dito sa likod ng school.

"Wala pa. Baka sa susunod na araw pa ako maghahanap."

"Pwede rin. Marami ka namang pera."

Binuksan ko 'yong mga tubs ng pagkain at nilagay sa harapan naming dalawa. Napakarami ng binili niya at alam kong hindi namin ito mauubos.

"Gutom na gutom ka ba talaga at ganito karami 'yong binili mo?"

"Para 'yan sayo. Ang payat mo na kasi."

Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. Hindi naman ako patay-gutom para ubusin 'tong mga pagkain. Kung pumapayat man ako, dahil siguro sa stress. Minsan na lang kasi ako kumain dahil nawawalan ako ng gana.

"Baliw ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Pinapanood niya lang kasi akong kumakain.

"Oo. Baliw sa'yo."

Dahil sa sinabi niya, halos maibuga ko 'yong nginunguya ko sa harapan niya. Buti na lang at natakpan ko 'yong bibig ko. Kinuha ko 'yong tumbler ko at uminom ng tubig.

"HAHAHAHAHA umayos ka nga! Bakit hindi ka pa kumakain? Mabubusog ka ba kapag pinanood mo lang ako?" Natatawang tanong ko.

"Oo," seryosong sabi niya.

"Isang banat mo pa at tatama talaga sa'yo 'tong food container na hawak ko."

Hindi na siya nagsalita pa at kumain na lang. Minsan nakakagulat din 'tong lalaking 'to. Pinagmasdan ko na lang siya habang kumakain at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang tibok ng puso ko. Nahuhulog na ba ako sa kaniya? Kung oo, mali ito. Kaibigan ko siya at mananatili kaming gano'n.

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now