Chapter 14

106 7 0
                                    

Nagsimula ang pagtugtog ng musika at nakatitig lang ako kay Jansen. Ipinaparamdam niya sa'kin na iniingatan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking kamay at baywang.

Take my hand, take a breath,

Pull me close and take one step.

Keep your eyes locked on mine,

And let the music be your guide.

"Nandito 'yong fiancé mo," bulong niya sa'kin.

"Alam ko. Huwag mo na lang pansinin. Ayokong masira ang espesyal na gabing ito."

Won't you promise me?

(Now won't you promise me?)

(That you'll never forget)

We'll keep dancing

(To keep dancing)

Wherever we go next.

Saktong pag-ikot ko ay nakita kong nakatitig sa'kin si Carlo Vargaz. Nakangisi pa ang walang hiya. Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.

It's like catching lightening, the chances of finding

Someone like you.

It's one in a million, the chances of feeling

The way we do.

"You look stunning tonight," nakangiti niyang sabi.

"Salamat. Ang guwapo mo rin ngayon."

Pareho kaming natawa sa pinagsasabi namin dahil minsan lang kami magbigay ng compliments sa isa't-isa.

And with every step together,

We just keep on getting better.

So, can I have this dance?

(Can I have this dance?)

Can I have this dance?

Nang matapos kaming sumayaw ay kaagad kaming bumalik sa aming mga upuan.

"What an amazing performance! Thank you, Mr. Grayson Balbuena, for your efforts while training them. For the meantime, let's take our dinner."

Pagkatapos ng prayer ay agad kaming hinatiran ng mga waiter ng pagkain.

"While we are enjoying our meal, we will be entertained with some musical rendition by Yesha Galvez."

Nagsimula akong kumain habang nakikinig sa kinakanta ng Grade 11 student. Nakikipag-usap din ako sa mga kasama ko sa table.

"Ysabelle, ipakilala mo naman ako sa kuya mo mamaya. Matagal ko na kasing crush 'yon."

Napatingin ako sa kaharap kong si Crystyn sa sinabi niyang 'yon.

"Sige," tipid na sagot ko.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain at mayamaya pa'y nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Jansen, pupunta muna ako sa CR dahil naiihi na ako," pagpapaalam ko.

"Samahan na kita."

"Huwag na. Malapit lang naman."

Hindi na siya nagpumilit pa kaya nagsimula na akong maglakad. May CR naman dito sa loob ng gym kaya okay lang kahit wala akong kasama.

Mag-isa lang ako sa loob dahil bukas ang lahat ng mga cubicles. Pumasok ako sa dulong cubicle at doon umihi. Nagretouch din ako sa harap ng salamin at lumabas pagkatapos. Nagulat na lamang ako ng may humarang sa aking dinadaanan.

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now