Chapter 17

133 6 0
                                    

Trigger Warning: Sexual Abuse

Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng aking silid. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng ingay kaya idinikit ko ang aking tainga sa may pintuan. Hindi ko na ito binuksan pa dahil delikado.

"Ang sexy pala ni Ysabelle."

Nagsimula nang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung kaninong boses 'yon.

"Gago! Akin 'yon, pero pwede ring share tayo."

Napuno ng tawanan ang buong bahay. Halos paulit-ulit kong naririnig 'yong sinabi nila. Nanunubig na rin ang aking mga mata dahil sa nerbiyos.

Napaatras na lamang ako ng may kumatok pintuan. Nanginginig ang aking mga kamay. Hindi alam ang gagawin sa posibleng mangyari ngayong gabi.

"Ysabelle," rinig kong tawag ni Kuya.

Natatakot na rin ako sa kaniya. Wala sila sa katinuan. Lasing pa at nakahithit ng droga.

"Ysabelle, buksan mo ang pinto!"

Napaiyak na lang ako sa takot. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay. Nakatingin lamang ako sa pintuan. Ipinagdarasal na sana ay huwag itong mabuksan.

"Kung hindi mo ito bubuksan ay sisirain ko 'tong pinto!"

Mas lalo akong humagulgol sa sinabi niya. Ano bang kailangan nila sa'kin? Ilang sandali pa ang lumipas ay naging tahimik sa labas. Umalis na siguro sila.

Umakyat ako sa aking kama at inayos ang mga unan. Hihiga na sana ako ng biglang may bumukas sa pintuan.

"Pare, ikaw na ang bahala riyan."

Hindi ako makapaniwalang nagawang sabihin 'yon ni Kuya. Sinarado niya 'yong pintuan at naiwan ako sa loob kasama si Carlo.

"Hi, future wife!"

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagnanasa. Lumapit ako sa pintuan at sinubukan itong buksan, ngunit ayaw.

"Kuya, palabasin mo ako rito! Parang awa mo na!"

Patuloy lang ako sa paghampas ng pintuan hanggang sa unti-unti nang sumasakit ang aking mga kamay. Hinarap ko si Carlo at pinandilatan ng mga mata. Kahit kinakabahan ako ay sinisikap ko pa ring maging matapang. Kailangan kong makalabas dito.

"Ano ba?! Pwede bang tigilan mo na ako?!"

"Why would I do that?"

"Dahil hindi kita gusto! Ayokong maikasal sa'yo kaya umalis ka na!"

Mabilis siyang lumapit sa'kin at sinakal ako sa leeg. Pilit ko namang inaalis ang kaniyang kamay, pero napakahigpit nito.

"B-Bitiwan m-mo ako!"

Nahihirapan na akong huminga. Ang boses ko mismo ay mahina na.

Sa halip na ako'y pakinggan ay malakas niya akong tinulak sa kama na naging dahilan ng pagkakahiga ko. Kaagad siyang pumatong sa ibabaw ko at sinimulang halikan ang aking leeg.

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kaniya.

Patuloy lang siya sa paghalik. Hindi ko naman siya magawang itulak dahil hinahawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay. Sinusubukan ko itong alisin sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya lamang itong hinihigpitan.

"Kuya, tulungan mo ako!"

Hinintay kong bumukas ang pintuan. Umaasang may sasagip sa akin sa siwasyong ito, ngunit wala. Mga hayop sila!

Patuloy akong nagpumiglas hanggang sa masipa ko ang pribadong parte ng kaniyang katawan. Napasigaw siya sa sakit at tumakbo naman ako sa pintuan. Bumukas ito at kaagad ko naman silang tinulak para makaalis.

Tatakbo na sana ako pababa ng hagdan ngunit sa kasamaang palad ay nahila ni Kuya ang aking buhok.

"Kuya, bitiwan mo ako! Parang awa mo na! Kapatid mo ako, pero bakit nagagawa mo sa akin ang mga bagay na 'to?"

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Ang ilang hibla ng aking mga buhok ay dumidikit na sa aking mukha. Nanginginig din ang aking mga labi sa takot at kaba.

"Hindi kita kapatid! At kahit kailan ay hindi ko gugustuhing maging kapatid ka!"

"Mas lalong-lalo na ako! Hindi ko rin gugustuhing magkaroon ng kapatid na demonyo! Mga hayop kayo!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha. Pakiramdam ko'y mamamaga ito sa sobrang sakit.

"Bakit?! Ano bang nagawa ko sa'yo para ganituhin mo ako? Ipapagahasa mo pa ako sa kaibigan mo?! Sobrang laki ba ng galit mo sa'kin para humantong tayo sa ganito?!"

"Bakit ka ba nagagalit? Magugustuhan mo rin naman ang gagawin sa'yo."

Tumawa silang magkakaibigan at lumabas naman si Carlo na nakatingin ng masama sa'kin. Hinila nila ako papasok sa loob ng aking silid at pinahiga sa kama. Wala na akong lakas para magpumiglas. Apat silang nakahawak sa'kin. Si Kuya at Miguel ang nakahawak sa magkabila kong kamay. Samantalang si Kristofer at Grayson naman sa aking mga paa. Mas malakas sila sa'kin kaya masasaktan lang ako.

Walang tigil sa pagdaloy ang aking mga luha. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Mas gugustuhin ko pang patayin na lang nila ako kaysa sa babuyin pa nila ang pagkatao ko.

"Natahimik ka yata?!" Natatawang tanong ni Kuya.

"Kuya, parang awa mo na," humihikbing pagsusumamo ko.

Tumawa lamang siya at kaagad na sinenyasan si Carlo. Nagsimula namang maghubad si Carlo ng damit kaya mas lalo akong umiyak.

"Sa oras na makaalis ako rito, sisiguraduhin kong magbabayad kayo!"

Sinuntok ni Carlo ang aking sikmura na naging dahilan ng mas lalo kong panghihina.

"Sa tingin mo ba ay hahayaan ka namin? Tandaan mo, kayang-kaya naming baliktarin ang mga sasabihin mo," tumatawang sabi ni Kuya.

Hinalikan ulit ako ni Carlo sa aking leeg at pababa sa aking dibdib. Diring-diri ako sa mga pinanggagagawa niya sa aking katawan. Hindi ko aakalaing mararanasan ko ang ganitong kahayupan.

Sinimulan niyang hubarin ang aking shorts at pinadausdos niya ang kaniyang kamay sa aking hita.

"Parang awa niyo na," mahinang sabi ko.

"Pare, narinig mo ba 'yang kapatid mo?!" Tumatawang tanong ni Miguel kay Kuya Jared. "Gusto mo bang ipasok niya kaagad?"

Napuno ng tawanan ang buong silid. Sinubukan kong magpumiglas ulit, ngunit ramdam kong lupaypay na ang aking katawan.

"Mga hayop kayo! M-Magbabayad kayong lahat."

Nakatitig lang ako sa kisame habang hinahalikan ni Carlo ang ibang parte ng katawan ko. Nanlalabo na ang aking mga mata ng dahil sa mga luhang patuloy na umaagos. Sinubukan kong tanawin ang pintuan at nakita kong medyo bukas ito. Mayamaya pa ay nakita ko si Ate na nakamasid sa'min. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Para naman akong unti-unting nabuhayan ng pag-asa dahil nandiyan siya.

"A-Ate, t-tulungan mo ako."

Vengeance Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon