Chapter 35

132 4 2
                                    

"Thank you so much, Ms. Alcala," nakangiting sabi ni Mr. Park habang nakalahad ang kaniyang kanang kamay.

"You're welcome," tugon ko bago inabot ang kaniyang kamay. "So, mauna na po ako dahil may mga meetings pa akong dadaluhan," nakangiting pagpapaalam ko sa kanila.

Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at agad akong tumalikod. Alam kong sinusundan ako ng tingin ni Jared kaya napangisi na lamang ako. Natutuwa ako sa mga reaksiyon niya kanina dahil gulat na gulat talaga siya. Hindi rin siya masyadong nakapagfocus sa meeting kaya mas lalo akong natuwa.

Habang naglalakad ako patungo sa aking sasakyan ay naramdaman kong may mga sumusunod sa akin. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon at diretso kong tiningnan ang aking sasakyan.

"Ibigay mo lahat ng pera mo kung ayaw mong masaktan," bulong ng isang lalaki sa aking tainga.

Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nakatalikod ako, pero ramdam ko ang panganib dahil may nakatutok na kutsilyo sa aking tagiliran.

"Bitiwan n'yo siya," utos ni Jared.

Dinig na dinig ko ang awtoridad sa kaniyang boses.

Napangisi na lamang ako dahil umaayon ang lahat sa aking plano. Alam kong sinusundan niya ako kanina pa. Marahil ay nagtataka siya kung sino nga ba talaga ako.

"Huwag kang makialam dito kung ayaw mo ring masaktan," galit na sabi ng isang lalaki.

Ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa paligid kaya minabuti kong tumabi at nagpanggap akong takot na takot. Sige lang Jared, protektahan mo 'yong little sister mo. Diba ito naman ang pinangako mo noong mga bata pa tayo?

Napayuko na lamang ako at gumuhit ang ngisi sa aking mga labi. Nang tumahimik na ang paligid ay nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakamasid sa akin si Jared. Wala na rin ang dalawang lalaki kanina.

"Okay ka lang ba?"

Tumango na lamang ako sa kaniya, pero ipinagpatuloy ko ang aking pagpapanggap na ako'y takot na takot. Pinagmasdan ko ang kaniyang anyo at nakita kong nalukot ang kaniyang coat at may dugo rin ang kaniyang pisngi. Mahina.

"S-Salamat," utal kong sambit.

Dahan-dahan akong lumapit sa aking sasakyan at bubuksan na sana ito, ngunit hinawakan niya ang aking braso. Gustong-gusto ko siyang sampalin dahil nandidiri ako sa kaniya, ngunit sa ngayon ay hindi pa maaari.

Tiningnan ko ang kaniyang kamay na nasa braso ko at bigla niya rin naman itong inalis. Hinarap ko naman siya at bakas ang kaguluhan sa kaniyang mukha.

"Do I know you?"

"Bakit? Pinakilala naman ako kanina ni Mr. Park sa'yo diba?"

"What I mean is, kilala na ba kita bago pa ang meeting na naganap kanina?"

"Sorry, but I just met you a while ago," sagot ko.

Gustong-gusto ko nang palakpakan ang aking sarili dahil sa galing ko sa pag-arte. At ito namang nasa harapan ko ay parang walang ideya na siya ay pinaglalaruan na.

"Sige na, mauna na ako. Salamat talaga," pagpapaalam ko.

Hindi na siya nagsalita pa kaya pumasok na ako sa aking sasakyan. Hahayaan kong bangungutin ka ng nakaraan, Jared. Konting hintay na lang at magtutuos din tayong muli.

Pinaandar ko ang aking kotse paalis doon at nang nasa malayo na ako ay itinabi ko muna ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada. Kailangan ko ulit magbihis dahil babalik ako ng organisasyon.

Nang matapos ako sa pagpapalit ng damit ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan patungo sa building ng organisasyon. Kaagad naman akong sinalubong ni Black at sa tingin ko ay may ibabalita siya. Sinenyasan ko naman siyang pumunta sa aking opisina kaya agad naman siyang sumunod sa akin.

"May misyon ang mga tauhan ni Storm mamaya," seryoso niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin ito. Nakasaad sa batas ng organisasyong ito na walang pakialaman sa misyon ng bawat isa.

"Papatayin nila ang pamilya Montaño."

Nahampas ko ang aking lamesa at mabilis kong tinawagan ang mga assistant ng mga may matataas na puwesto.

"Pumunta kayong lahat sa meeting hall," kalmado kong sabi.

Hindi nila puwedeng patayin ang pamilyang iyon. Hindi pa ako nagsisimula sa aking mga plano kaya walang dapat na mamatay kahit na isa sa kanila.

Kaagad akong lumabas ng aking opisina at mabilis na naglakad papuntang meeting hall. Nang marating ko ang nasabing silid ay nakita kong lahat sila ay naroon. Naglakad ako patungo sa harapan at umupo sa aking puwesto. Sumunod naman sa akin si Black at umupo rin siya sa aking tabi.

"Kung sino man sa inyo ang may misyon na may kaugnayan sa pamilya Montaño ay binabalaan ko na kayo. Huwag n'yo silang gagalawin. Naiintindihan n'yo ba? Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga kliyente n'yo. Tandaan n'yo na sa oras na kinalaban n'yo ako o sinuway ang alinman sa mg utos ko ay hindi lamang kayo ang mamamatay. Uubusin ko rin ang pamilya n'yo," pagbabanta ko sa kanila.

Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang mga bulungan at agad akong lumabas ng hall. Ayokong malaman ang kanilang mga hinaing dahil ako rin naman ang masusunod.

Bumalik ulit ako sa aking opisina at agad na umupo sa aking swivel chair. Hinilot ko ang aking sentido dahil sumasakit na talaga 'yong ulo ko sa mga nangyayari. Ang kalat pa ng opisina ko kaya siguro mas lalong umiinit 'yong ulo ko.

"Inom tayo," aya ni Black sa akin.

Inangat ko naman ang aking tingin at agad na napangiti. Kailangan ko muna sigurong magsaya dahil ilang linggo at araw na lang ay magsisimula na ang madugong labanan.

"Sige," nakangisi kong tugon.

Sabay naman kaming lumabas ng opisina at agad na nagtungo sa malapit na bar. Isang sasakyan lamang ang aming ginamit dahil tinatamad akong magmaneho. Nang marating namin ang bar ay kaagad umorder ng alak si Black. Umupo naman ako roon sa may VIP area at agad din namang bumalik si Black at lumapit sa kinauupuan ko.

"Nagkita kami kanina," pagsisimula ko sa usapan.

"Nino?"

"Jared Montaño," kibit-balikat kong sagot.

"Nakilala ka ba niya?"

"Siguro. Gulat na gulat kasi siya."

"Paano na 'yong mga plano mo?"

"Tuloy pa rin naman lahat ng 'yon. Ang kailangan ko munang gawin ngayon ay magpanggap na hindi ko sila kilala," nakangisi kong sagot.

Hindi na kami nag-usap pa at tanging malakas na ugong ng musika na lamang ang maririnig sa paligid. Napangisi na lamang ako nang maisip ko ang mga nangyari kanina.

Konting tiis na lang at malapit ko nang makamit ang hustisya para sa sarili ko. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now