Chapter 25

100 13 1
                                    

Nang naisara ko na ang pinto ay kaagad kong hinarap ang lalaking sumigaw. Matatalim ang kaniyang mga titig sa akin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Ang mga tinutukoy niya sigurong Marco at Rence ay 'yong mga kasamahan namin na pinatay ko roon sa isang mansiyon.

"Don, nararapat lang na maparusahan si Ysabelle dahil pinatay niya 'yong mga kasamahan natin!" Nanggagalaiting sigaw niya.

"Nararapat lang sa kanila 'yon," kalmado kong sambit.

Hindi na ako nagulat pa nang itutok niya sa akin ang hawak niyang baril.

"Papatayin mo ako? Bakit natatakot ka bang isiwalat ko ang katotohanan?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo! Ikaw! Ikaw ang taksil dito kaya kailangan mong mamatay!"

Kinasa niya ang kaniyang baril at itinutok ulit ito sa akin. Kinuha ko naman ang baril na nakatago sa aking likuran at itinutok din ito sa kaniya. Kinuha ko ito kanina sa lamesa na nadaanan namin ni Dixel.

"Oh?! Gulat na gulat yata kayo? Akala n'yo ba ay hindi ako lalaban?"

Nakahawak din kasi ang ibang mga tauhan ng baril at lahat ng ito ay nakatutok sa akin. Si Dixel at Don Gibran ay tahimik lamang na nanonood.

"Nag-iisa ka lang! Anong laban mo?"

"Anong pakialam mo kung nag-iisa lang ako? Gustong-gusto mo ba talaga akong umalis o mamatay dito dahil natatakot kang sabihin ko kung ano ang totoo?"

"Huwag mong ibahin ang usapan! Ikaw ang pumatay kay Rence at Marco!"

"Ako nga! Hindi ko naman itatanggi 'yon dahil hindi naman ako kagaya mo! Nararapat lamang 'yon sa kanila. Sa totoo nga ay hindi sapat ang buhay nilang dalawa. Hindi hamak na mas marami ang namatay dahil sa katarantaduhan nila!"

Biglang tumahimik ang paligid. Naibaba ng mga tauhan ang kanilang mga baril. Lahat sila ay naguguluhan. Tanging kaharap ko na lamang ang may hawak na baril at nakatutok pa rin ito sa akin.

"Hayop ka talaga!"

"Mas hayop ka! Alam kong kasabwat ka rin nila! Alam kong kayo ang nagsumbong kung saan kami nagtatago kapalit ng malaking halaga ng pera kaya kung may dapat mang mamatay dito, ikaw 'yon!"

Bago ko pa maiputok ang aking baril ay nakahandusay na sa sahig ang lalaki. Kaagad ko namang tiningnan kung sino ang bumaril at nagulat akong si Don Gibran ito.

"Linisin niyo 'yan," utos niya sa kaniyang mga tauhan.

Kaagad namang kumilos ang mga ito at dinala ang bangkay papalabas ng silid kaya naiwan kaming tatlo ni Dixel.

"Pasensiya na po sa inasal ko kanina," nakayuko kong sabi kay Don Gibran.

Tumango lamang siya at naglakad patungo sa mahabang lamesa na puno ng mga armas. Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa nilingon niya kami ni Dixel.

"Dixel, iwan mo muna kami rito."

Tiningnan ko naman si Dixel hanggang sa lumabas siya ng pintuan.

"Sa tingin ko ay nasasanay ka na sa paghawak ng mga baril at punyal. Kumusta na pala ang kalagayan mo?"

"Maayos naman po. Hindi ko nga lang masyadong naigagalaw ang kaliwang braso ko," sagot ko habang nilalapitan ang dingding na kung saan may mga nakasabit na espada.

Marami ang mga ito ngunit isa lamang ang umagaw ng atensiyon ko. Ang espadang nasa gitna. Kulay itim at pinaghalong ginto ang hawakan nito at may mga nakaukit na salita. Kinuha ko ito at pinagmasdan. PERILOUS. 'Yan ang salitang nakaukit. Pangalan ba ito ng nagmamay-ari ng espada? O inukit lamang ito dahil panganib naman talaga ang hatid ng bagay?

"That was my daughter's sword."

Kaagad kong ibinalik ang espada sa kinalalagyan nito at humarap kay Don Gibran. Makikita sa kaniyang mga mata ang lungkot at pangungulila.

"Her name is Perilous, but she's the opposite of her name. Instead of being a dangerous daughter, she made me feel safe. Napakahinhin niya. Gusto ko sana siyang turuan ng self-defence man lang, ngunit ayaw niya. Mas gusto niyang mag-aral, magtravel at magbasa ng mga libro. Just like you, she has a lot of dreams. Actually, she's 2 years older than you," nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa boses nito.

"Two years ago, I was in California for some business trip when she got kidnapped. I did everything that I can, but unfortunately it was too late. Before she died, she was...raped. Gang-raped. She was stabbed by a dagger for so many times, and she was thrown in the river. Sobrang sakit na makita ang anak mo na halos hindi mo na makilala... Noong panahong 'yon ay nangako akong maghihiganti. Gumawa ako ng organisasyon para matulungang sugpuin ang mga talamak na krimen dito sa ating bansa. Gumawa ako ng organisasyon para pagbayarin ang mga taong pumatay sa anak ko," dugtong pa niya.

Hindi ko inaasahan na gano'n ang mga sasabihin niya. Masakit sa pakiramdam na malaman ang mga totoong nangyari. Pareho kami ng dinanas ng anak niya. Masuwerte nga lang ako dahil hanggang ngayon ako'y buhay pa.

"Pinagbayad mo na po ba ang mga taong umabuso sa kaniya?"

"Oo."

Naging tahimik ulit ang paligid at pinagmasdan ko na lamang ang mga espada.

"Gusto mo ba ang espadang iyan?"

Hindi ko inaasahan ang tanong na 'yon galing sa kaniya. Marahil ay pinagmamasdan niya ako. Sa halip na sagutin siya ay tumahimik na lamang ako.

"Puwede mo namang gamitin 'yan. Kung gusto mo ay sa'yo na lang. Alam kong matutuwa ang aking anak kapag sa isang tulad mo napunta ang sandatang iyan," sabi niya habang naglalakad papalapit sa puwesto ko.

"Hindi ko po matatanggap ang bagay na iyan. Alam ko pong mahalaga 'yan sa inyo kaya itago n'yo na lang po. Kapag nakatanggap na ako ng mga misyon ay saka na ako magpapagawa ng sarili kong espada," nakangiti kong tugon.

"Hindi nga ako nagkamali na tinulungan kita Ysabelle."

"Puwede po ba akong humingi ng pabor sa inyo?"

"Ano naman iyon?"

"Gusto ko po sanang palitan n'yo ang pangalan ko."

"Huwag kang mag-alala. Alam kong kinamumuhian mo ang apelyido mo. Ang apelyido ng mga taong sumira sa pagkatao mo... Severine Alcala. Simula ngayon, 'yan na ang magiging pangalan mo."

"Hindi po ito ang gusto ko. Baka iba po ang isipin ng mga tao rito. Kakakilala n'yo lang po sa akin at hindi n'yo puwedeng ipagamit ang apelyido na 'yan."

"Hindi mo naman ako bibiguin diba? Papatunayan mo sa akin na nararapat ka. Magpakatatag ka. Tanggalin mo rin ang awa sa puso mo dahil hindi na ikaw si Ysabelle... Ikaw na si Severine. Ang babaeng matigas ang puso at walang kinatatakutan."

Vengeance Is MineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin