Chapter 24

94 7 1
                                    

Lahat ng nadadaanan kong mga kalaban ay binabaril ko. Minsan ay napapapikit o napapatalon ako kapag naririnig ko ang putok, pero tinatapangan ko na lamang ang aking sarili. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang patayin sila. Maaaring ako ang malalagutan ng hininga kapag hindi ko ginawa 'yon.

Nang marating ko ang sala ay nakahandusay na sa sahig ang mga katulong. Lahat sila ay naliligo sa kanilang sariling mga dugo. Lalapit na sana ako sa kanila para tingnan kong may pulso pa sila ngunit pinaputukan lamang ako ng kalaban. Shit!

Kaagad akong nagtago sa likod ng sofa at kinasa ang baril. Sinubukan kong barilin ang kalaban ngunit naiwasan lamang niya ang mga bala.

Babarilin ko na sana siya ulit ngunit wala na akong bala. Ako naman ang pinaputukan niya at lumapit siya sa pinagtataguan ko. Nakangisi pa ang hayop habang nakatutok sa akin ang kaniyang baril. Dahan-dahan naman akong tumayo at itinaas ang aking dalawang kamay.

"Any last words?!"

Maririnig sa kaniyang boses ang tagumpay. Para bang siguradong-sigurado na siya na mapapatay niya ako. Akala niya ba ay hahayaan kong mangyari 'yon? Mauna siya!

"Fuck you!"

Matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay bumagsak siya sa sahig. Napatingin naman ako kay Dixel na nasa likuran lamang ng lalaki at agad napatango sa kaniya. Alam ko namang babalik at babalik siya.

Agad naman siyang umalis at ako naman ay nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang mga drawers at tumambad sa akin ang napakaraming klase ng mga baril. Karamihan sa mga baril ay malalaki at sa tingin ko ay hindi ko kayang gamitin ang mga iyon kaya kinuha ko ang isang Colt 45 na baril.

Habang naglalakad ako papalabas ng kusina ay may biglang sumipa sa aking kamay at nabitawan ko ang baril. Kukunin na sana ng kalaban ito ngunit kaagad ko rin siyang sinipa. Wala siyang armas kaya siguro siya pumunta rito sa kusina ay para maghanap ng mga kutsilyo.

Nagpalitan kami ng mga suntok at pakiramdam ko ay mahihimatay na ako anumang oras. Hindi hamak na mas malakas siya sa akin. Lalaki siya at babae lang ako. Isa pa, sobrang sakit na ng katawan ko ng dahil sa training. Pilit ko lamang itong iniinda dahil kailangan kong lumaban.

Nakahiga na ako sa sahig. Susuntukin niya na sana ako ulit ngunit mabilis kong inabot ang dagger na nakatago sa loob ng boots ko at mabilis na isinaksak sa kaniya. Napasigaw naman siya sa sakit, ngunit hindi pa ako nakontento. Bumangon ako at paulit-ulit siyang sinaksak ng punyal hanggang sa mabalot na ng dugo ang aking kamay.

Bumalik ako ng kusina at nagtago roon ng ilang mga minuto. Kumuha ulit ako ng baril at mahigpit itong hinawakan. Nang naramdaman kong medyo okay na ako ay kaagad akong nagtungo sa likod ng bahay.

Naabutan ko si Dixel na nakikipagbarilan. Nakikita kong konti na lang kami at kapag hindi pa kami umalis dito ay baka maubos kami.

Bumalik ako sa loob ng bahay at nagulat akong nag-uusap ang dalawa kong mga kasama. Mga tauhan sila ni Don Gibran at sa pamamahay na ito ay itinuturing naming pamilya ang isa't-isa.

Kaagad akong nagtago sa likod ng dingding at nakinig sa kanilang pinag-uusapan. Mukhang nagtatalo pa silang dalawa.

"Umalis na tayo rito."

"Nandito pa 'yong mga kasamahan natin."

"Tanga ka ba? Tayo ang dahilan kung bakit nilulusob sila rito. Nakalimutan mo na bang ipinagkanulo natin sila sa mga kalaban kapalit ng pera?"

Natigilan ako sa aking narinig. Para bang paulit-ulit na tinatambol ang aking puso. Hindi ko nagustuhan ang aking nalaman. Naging mabait naman sa kanila si Don Gibran at saksi ako roon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagawa nila kaming pagtaksilan kapalit ng pera!

Dahan-dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan at hinarap sila. Kailangan nilang pagbayaran ang mga ginawa nila.

"Mga taksil! Dahil sa inyo, marami sa mga kasamahan natin ang namatay!"

Pinaulanan ko sila ng mga bala hanggang sa bumagsak sila sa malamig na sahig. Kailanman ay hindi nila mababayaran ang bawat buhay ng mga patay na kasamahan namin. Nararapat lang 'yan sa kanila. Nararapat lamang 'yan sa mga traydor sa pamilya o organisasyon.

"Kailangan na talaga nating umalis," seryosong sabi ni Dixel.

Hindi niya ako hinintay na sumagot. Kaagad niya akong hinila at sabay kaming tumakbo habang nakikipagbarilan sa mga kalaban. Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa naramdaman ko na lang na humahapdi ang aking kaliwang braso.

"Damn!"

Mas binilisan pa ni Dixel ang pagtakbo habang hila-hila ako. Tulad ko ay napatingin din siya sa aking braso. Sobrang sakit nito at unti-unti ng nanlalabo ang aking paningin.

"Dixel."

"Ysa---"

---

Nang buksan ko ang aking mga mata ay kaagad kong sinuri ang paligid. Nasa loob ako ng isang napakalaking silid. Hindi ko alam kung saang bahay ito. Kung anong lugar 'to. Isa lang ang nasisiguro ko, wala ako sa mansiyon ni Don Gibran.

Tiningnan ko ang aking sarili at nakitang may benda ang kaliwang braso ko. Sinubukan ko itong igalaw ngunit napapadaing lamang ako sa sakit.

Tinanggal ko ang mga nakakabit sa aking kamay at mahinang naglakad papalabas ng silid. Kailangan kong malaman kung nasaan ako. Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay nakasalubong ko si Dixel.

"Nasaan tayo?"

"Nasa isang mansion tayo ni Don Gibran," sabi niya habang pinapasadahan ako ng tingin.

Napatango na lamang ako at kaagad na inilibot ang tingin sa paligid. Lahat ng mga gamit na nakikita ko ay magagara at mukhang mamahalin. Natural lang naman siguro na maraming ari-arian si Don Gibran kasi mayaman siya.

"Nasaan ba ang silid ni Don Gibran?"

"Nasa itaas ngunit wala siya roon. Nandoon siya sa training room at nanonood ng pagsasanay."

"Samahan mo ako papunta roon," utos ko sa kaniya.

Pumunta siya sa unahan ko at nagsimulang maglakad at ako naman ay sumusunod sa kaniyang likuran. Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang isipin kung papaano kami nakatakas do'n. May tumulong ba sa amin? Dumating ba sila ni Don Gibran? O baka siya lang ang gumawa ng paraan para makatakas kami sa lugar na 'yon?

"Ysabelle, nandito na tayo."

Napatingin ako kay Dixel ng dahil sa sinabi niya. Masyado yata akong tinangay at inanod ng mga iniisip ko kaya hindi ko napansin na nasa harapan na pala kami ng training room. Kaagad akong napayuko at pinihit ang door knob para makapasok. Ngunit sa aking pagdating ay malakas na sigaw ang aking narinig.

"Don, pinatay ni Ysabelle sina Marco at Rence!"

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now