Chapter 34

78 6 0
                                    

Dalawang minuto na kaming naglalaban. Pareho na kaming may mga sugat ni Orion ngunit mas marami 'yong natamo niya kaysa sa akin. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito. Kailangan ko siyang patayin dahil kailangan niyang pagbayaran lahat ng mga kasalanan niya sa akin.

"Pasensiya na, Orion, ngunit hindi na ako lumalaban ng patas," nakangisi kong sambit bago kinuha ang baril sa aking likuran at ipinutok ng diretso sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib.

Unti-unti siyang napaluhod sa sahig habang hawak-hawak niya ang parteng tinamaan ng bala. Hindi ko na pinatagal pa ang kaniyang paghihirap kaya binaril ko siya ulit.

Nang makita kong bumagsak na siya ay kaagad akong pumunta sa harapan. Sa puwesto kung saan nakalagay ang limang malalaking upuan na para lamang sa mga matataas na posisyon.

Kitang-kita ko ang takot sa kanilang mga mata kaya napangisi na lamang ako. Umupo ako sa aking upuan at hinarap ang mga tao. Ang kanilang mga tingin ay pabalik-balik sa katawan ni Orion at sa akin.

"Ngayong wala na si Orion ay gusto kong si Black ang papalit bilang pangalawa sa may mataas na posisyon sa organisasyong ito. Kung sino man ang mga hindi sang-ayon sa desisyon ko ay magsalita na," seryoso kong sambit.

Napatingin ako sa isang lalaki nang itaas nito ang kaniyang kanang kamay. Kung hindi ako nagkakamali ay tauhan ito ni Storm, ang ikatlo sa may mataas na posisyon.

"Bigyan mo ako ng rason kung bakit tutol ka sa desisyon ko," utos ko sa lalaki.

"D-Dapat si Storm ang ilagay mo sa pangalawang puwesto," matapang niyang sagot, ngunit bakas pa rin ang takot sa kaniyang mukha.

Mabilis kong ipinutok ang aking baril sa direksiyon ng lalaki at kitang-kita ko kung paano siya namilipit sa sakit. Kung tutuusin ay puwede ko siyang patayin, ngunit pasalamat na lamang siya at sa binti ko lang siya binaril.

"Walang kuwentang rason. Sino pa ang tututol?"

Inilibot ko ang aking tingin sa malawak na silid. Inaalam kung may maglalakas loob na namang sasalungat sa aking desisyon, ngunit lahat sila ay nakayuko.

"Simula sa araw na ito ay si Black na ang papalapit sa yumaong si Orion. Kung sino man sa inyo ang kakalaban sa mga desisyon at utos ko ay walang ibang patutunguhan kung hindi ang impyerno."

Hindi ko na tiningnan pa ang kanilang mga reaksiyon at kaagad na lamang akong umalis na nakataas ang noo. Naramdaman ko namang sinundan ako ni Black kaya dumiretso ako sa aking opisina.

Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang makalat na mesa at may mga papel pang nagkalat sa sahig. Kaagad naman akong dumiretso sa aking lamesa at binuksan ang isang drawer. Mabilis kung hinanap ang isang folder at agad itong binuklat.

Narinig ko namang isinara ni Black ang pintuan at agad siyang umupo sa itim na sofa. Pinabayaan ko na lamang siya at mas nagfocus ako sa folder na nasa aking harapan.

"Ano 'yang binabasa mo?"

Napatingin ako kay Black ng bigla niya akong tanungin. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay at ipinagpatuloy na lamang ang pagbabasa. Marahil ay hindi niya naaalala ang mga nilalaman ng folder na ito na ipinaproseso ko pa sa kaniya tatlong taon na ang nakalilipas.

"Ikaw na muna ang bahala rito. May mga aayusin lang ako," seryosong utos ko kay Black.

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa at agad na dinala ang folder palabas ng aking opisina. Sumakay ako ng elevator at mabilis na tinungo ang parking lot.

Nang makarating ako roon ay mabilis kong hinanap ang gagamitin kong sasakyan dahil ayaw kong magmotor. Kaagad ko naman itong pinaharurot papunta sa pinakamalapit na mall dahil kailangan kong magpalit ng damit para sa lunch meeting ko mamaya.

Nang nakapagpark na ako ng kotse ay agad akong dumiretso sa isang sikat na boutique sa loob ng mall. Walang customers pagpasok ko kaya kaagad akong nilapitan ng saleslady. Iginiya niya ako papunta sa bagong labas na mga dresses kaya kaagad akong pumili.

"Can you please choose a dress for me?" Nakangiting tanong ko sa saleslady.

Tumango naman siya kaya nilibot ko na lang ng tingin ang buong store. Lumapit ako sa isang mannequin na nakasuot ng kulay itim na ball gown at pinagmasdan ito.

"Ma'am, try this po," nakangiting wika niya habang inaabot sa akin ang dress.

Kinuha ko ang napili niyang dress at napangiti na lamang ng makitang maganda ito. Isang simpleng kulay beige na dress. Nagpasalamat ako sa saleslady at naglakad patungo sa counter para magbayad.

Matapos bayaran ang damit ay mabilis naman akong bumalik sa aking sasakyan at nag-ayos. Isinuot ko ang dress at naglagay din ako ng konting make-up. Kinuha ko ang kulay beige kong stilletos sa backseat ng aking kotse at isinuot ito. Saktong 12:15 p.m. ay tapos na ako sa pag-aayos kaya pinaandar ko ang aking sasakyan papunta sa isang mamahaling restaurant.

Nang makarating ako ay taas noo akong lumabas ng aking sasakyan at mahinang naglakad patungo sa loob. Tiningnan ko ang table na sinabi ng isa sa mga taong nangangailangan ng tulong ko at agad namang napangisi nang makitang naroon na sila. Acting time.

"Sorry if I'm late," nahihiya kong sabi nang makarating ako sa harapan nila.

"It's okay Ms. Alcala," nakangiting tugon ni Mr. Park ngunit hindi niya ako malilinlang sapagkat ramdam ko ang inis sa kaniyang boses.

Napatingin ako sa lalaking katabi niya at napagtantong ito ang kaniyang secretary. Ngumiti na lamang ako at tumawag ng waiter. Nang masabi ko na ang aking mga order ay kaagad ko silang hinarap.

"So, can we start the meeting?"

Pagkatapos kong tanungin si Mr. Park ay kaagad din namang dumating ang taong pinakahihintay ko. Mabuti naman at dumating siya. Ayoko sa lahat ay 'yong pinaghihintay ako sa wala.

"Mr. Montaño, this is Ms. Severine Alcala. She is the CEO of Alcala's Group of Companies," pagpapakilala sa akin ni Mr. Park.

Nakangiti ko namang inilahad ang aking kamay, ngunit hindi niya ito inabot. Gustong-gusto ko nang tumawa ng malakas dahil sa kaniyang reaksiyon, ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili.

"Pasensiya na, Ms. Alcala. Siguro ay natulala lamang siya sa iyong taglay na ganda," sinserong sabi ni Mr. Park.

Ngumiti na lamang ako at tiningnan ang lalaking kanina pa nakatayo. Gulat na gulat ang kaniyang mukha. Natauhan na lamang siya nang pinaupo siya ni Mr. Park.

"By the way, he is Jared Montaño."

Tumango na lamang ako kay Mr. Park at agad na ngumiti sa pinakamamahal kong Kuya noon. Aren't you happy my dearest Kuya? Your little sister is finally back.

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now