Chapter 33

81 5 0
                                    

7 years later

I was standing in the middle of the field. Dinadama ang marahang hampas ng preskong hangin. Tahimik ang paligid sapagkat mag-aalas sais pa lamang ng umaga. Ibinaba ko ang aking tingin at pinagmasdan ang nakaukit na pangalan sa lapida. Gibran Alcala.

It's been seven years, but the pain is still here. Walang araw na hindi ko inisip ang taong tumulong sa akin noong panahong inabuso ako.

Umupo ako sa damuhan at hinaplos ang lapida. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na may paparating. Hindi ako lumingon sa likuran at pinagmasdan na lamang ang kandilang unti-unting nauubos.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo mamaya?"

Napatingin ako sa lalaki na nasa aking likuran nang tanungin niya ako. Seryoso ang kaniyang mukha kaya ngumiti na lamang ako.

Seven years ago, I thought he will also leave me, but I was wrong. Pagkatapos ng ilang ulit na pagrevive sa kaniya ay nabuhay siya. Hindi niya ako iniwan at nagpapasalamat naman ako dahil do'n. Ayokong mawalan ulit ng mahal sa buhay. Kahit na hindi kami magkadugo ay pamilya ang turing ko sa kaniya.

Tumayo ako at agad naglakad papalabas ng sementeryo. Sumunod naman sa akin si Dixel. Tahimik lamang siya, ramdam niya siguro na ayaw kong makipag-usap.

"Kailangan kong pumunta sa headquarters. May tatapusin lang ako," seryoso kong sabi.

"Samahan na kita."

Tumango na lamang ako at agad na sumakay sa sarili kong motor. Mabilis ko itong pinaharurot hanggang sa marating ko ang headquarters ng organisasyon.

Kung titingnan sa labas ay isa lamang itong abandonadong gusali na mayroong tatlong palapag, ngunit kapag ikaw ay papasok sa loob ay makikita mo kung gaano ito kalaki. May tatlong palapag pa sa ilalim ng lupa at nagsisilbi itong mga opisina ng may mga matataas na posisyon.

"E-Empress Morrigan," bati sa akin ng isa sa mga tauhan ni Orion.

Tiningnan ko naman siya sa kaniyang mga mata at nakita kong takot na takot siya. Humakbang ako papalapit sa kaniya at napangisi na lamang nang makitang umaatras siya.

"Morrigan."

Napahinto ako sa paglapit sa tauhan ni Orion nang marinig ko ang boses ni Black. Sa halip na lingunin ay kaagad akong dumiretso papuntang elevator.

Nang marating ko ang pinakahuling palapag sa ilalim ng lupa ay kaagad akong pumunta sa pinakadulong room which is ang meeting hall. Napahinto ang mga tao sa pag-uusap nang buksan ko ang pintuan.

Naglakad ako patungo sa harapan at lahat ng nadadaanan ko ay yumuyuko. Nang nasa harapan na ako ng mga taong may matataas na posisyon ay kaagad kong tiningnan si Orion.

"Bumaba ka sa puwesto mo," seryosong sabi ko habang tinititigan siya.

"Alam mo naman na hindi mo puwedeng gawin 'yan," nakangiting sambit niya ngunit mababakas ang inis sa kaniyang boses.

"Bababa ka o bababa ka? You have no choice, Orion. Bababa ka sa posisyon na 'yan."

Narinig kong nagsinghapan ang mga tao sa loob kaya napangisi ako. Kailangan nilang sundin ang utos ko kung ayaw nilang dumanak ang dugo rito.

"Hindi ako bababa."

"Alam mo ba kung anong petsa ngayon?"

Nakita ko ang pamumutla ng kaniyang mukha kaya tumawa ako ng malakas. Tumalikod ako sa kaniya at hinarap ang mga tauhan.

"Ngayon ang ikasampung taon ng organisasyon. Tulad ng nakasulat sa kasunduan ng mga may matataas na posisyon sa organisasyong ito, ngayon ang araw na gagawa ng panibagong patakaran o batas ang kung sino man na may pinakamataas na posisyon," nakangisi kong sabi.

"Hindi mo puwedeng gawin ito!"

Umalingawngaw ang sigaw ni Orion sa apat na sulok ng meeting hall kaya hinarap ko ulit siya.

"Nakalimutan mo na ba na ako ang may pinakamataas na posisyon dito?"

Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha kaya mas lalo akong nasabik na insultuhin siya.

"Walang saysay ang pag-uusap na ito"

Aalis na sana siya ngunit itinutok ko sa kaniya ang aking baril.

"Subukan mong umalis at pasasabugin ko 'yang utak mo."

Narinig ko namang bumunot ng kaniya-kaniyang mga baril ang kaniyang mga tauhan at lahat ng ito ay nakatutok sa akin.

"Ganiyan ba dapat tratuhin ang Empress ng organisasyong ito?"

Napangisi na lamang ako ng ibaba nilang lahat ang kanilang mga baril. Hindi nila ako puwedeng kalabanin dahil hindi nila magugustuhan ang aking mga gagawin.

"Umalis ka na lang sa puwesto mo, Orion, kung ayaw mong magkagulo rito," seryoso kong sabi.

"Magkamatayan na pero hindi ako bababa sa posisyong ito. Isa pa ay wala kang sapat na dahilan para paalisin ako rito!"

Narinig ko ang bulungan ng mga tao at lahat sila ay sumasang-ayon kay Orion. Tingnan na lang natin kung sasang-ayon pa kayo sa kaniya kung isisiwalat ko ang kaniyang mga sikreto.

"Hindi mo alam ang dahilan? O nagmamaang-maangan ka lamang?"

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo," kalmado niyang sagot.

"Talaga lang ha?! Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nagpapatay kay Don Gibran?"

"Wala akong kinalaman diyan kaya huwag mo akong pagbibintangan!"

"Huwag mo na akong lokohin dahil alam ko na 'yong totoo kaya umalis ka na kung ayaw mong mapatay kita," galit kong sabi.

"Alam kong hindi mo magagawa 'yan," nakangisi niyang sagot.

"Kayang-kaya ko kaya huwag mong ubusin lahat ng pasensiya ko."

"Hindi ako bababa, Morrigan. Baka gusto mong ikaw ang ipapatay ko?"

"Are you threatening me? Ako na may pinakamataas na posisyon sa organisasyong ito? Matapang ka lang naman dahil may mga tauhan ka diba? Nagtataka nga ako kung bakit napunta ka sa posisyong 'yan, eh hindi ka naman kagalingan."

Mas lalong lumawak ang aking ngisi nang makitang halos sasabog na siya sa galit. Sige lang Orion, ipakita mo kung hanggang saan ang kaya mo.

"Huwag ka nang mag-abala pa Morrigan dahil kahit anong gawin mo ay hindi ako aalis," sagot niya.

"Talagang inuubos mo ang pasensiya ko. Sige, dahil mabait ako ay bibigyan kita ng chance. Makipaglaban ka sa'kin at patunayan mo na karapat-dapat ka sa puwesto... Kapag napatay mo ako ay ikaw ang papalit bilang Emperor, pero kapag napatay kita ay may ipapalit ako sa posisyon mo. Matatapos ang laban na ito na may mamamatay, Orion," nakangisi kong sabi.

"Morrigan," nag-aalalang tawag sa akin ni Black.

Hindi ko pinansin si Black at sinenyasan na lamang ang mga tao na tumabi. Nakangisi namang lumapit naman si Orion sa akin.

"Bigyan n'yo ako ng dalawang maliit na kutsilyo," utos ko sa kanila.

Mabilis naman nila itong ibinigay sa akin kaya napangiti ako. Sisiguraduhin kong mamamatay ka Orion. Hindi ka na makakalabas ng buhay sa impyernong ito.

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now