Chapter 9

135 10 1
                                    

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa'kin pagpasok ko ng bahay. Nalasahan ko kaagad ang dugo na nagmumula sa gilid ng aking labi.

"Walang hiya ka! Naisip mo pa talagang tumakas?!" Galit na sigaw ni Papa.

Napakalakas ng boses niya na sa tingin ko'y umaabot pa ng kabilang bahay.

"Bakit Pa, kung magpapaalam ba ako sa inyo ay papayagan niyo ako?" Tanong ko.

"Wala ka talagang respeto!"

Sinampal niya ulit ako at hinila ang aking buhok na naging dahilan ng pagkakaangat ng ulo ko. Ramdam ko 'yong sakit pero sa oras na to ay hindi ako umiiyak.

"Kung respeto lang ang pag-uusapan, sobra-sobra nga 'yong ibinibigay ko sa inyo. At saka isa pa, nandito na ako. Ano pa po ba ang gusto niyo?"

Ubos na talaga 'yong pasensiya ko. Kahit na ampon lang nila ako ay wala silang karapatang saktan ako.

"Ang lakas ng loob mong sumagot sa'kin! Tandaan mo na kami ang bumuhay sa'yo!" Sigaw niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahila sa aking buhok.

"Alam ko po 'yon," maikling tugon ko.

"Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Saan ka nanggaling? At bakit amoy beer ka? Tinakasan mo pa talaga 'yong mga bodyguards mo?!"

"Lahat na lang ba ay kailangan n'yong malaman? Hindi ba ako pwedeng maging malaya kahit minsan lang? Buhay ko 'yong sinisira niyo, Pa! Buhay ko! Buti sana kung kayo 'yong ikakasal, Pa. Buti sana kung kayo 'yong nasa pwesto ko."

Sinampal niya ulit ako ng malakas at sa pagkakataong ito ay natumba na ako.

"Bakit hindi niyo na lang ako patayin?"

"Hindi kami mga mamamatay-tao!"

"Hindi nga ba?"

Napapikit ako sa sakit nang tadyakan niya ako sa may bandang tiyan ko. Patuloy niya itong ginawa hanggang sa napahiga na ako sa sahig.

"Hindi lang ganiyan ang aabutin mo kapag tumakas ka pa ulit."

Umalis sila at naiwan ako sa sahig na namimilipit sa sakit. Nahihirapan akong tumayo kaya nanatili ako sa sahig ng ilang minuto. Nang medyo nabawasan na 'yong sakit ay sinubukan kong tumayo at iika-ika akong naglakad patungo sa aking silid.

Umupo ako sa kama at tiningnan ang mga natamaang parte ng aking katawan. Namumula ang mga ito at masakit kapag nagagalaw. Pumunta ako ng banyo at naglinis ng aking katawan. Nilagyan ko rin ng ointment ang sugat sa gilid ng aking labi.

Nang makabihis na ako ng pantulog ay tiningnan ko ang aking cellphone. May 2 missed calls galing kay Nanay Fe. Nasa banyo ako nang tumawag siya kay hindi ko ito narinig. Nang tumawag siya ulit ay kaagad ko itong sinagot.

"Hello Nay," panimulang bati ko sa kaniya.

"Anak, kumusta ka na riyan?"

"Ayos lang po ako, Nay. Ikaw?"

Gusto kong sabihin na hindi ako okay, pero ayokong mag-alala siya.

"Ayos lang din naman. Nagtitinda ako rito sa bahay namin," masayang tugon niya.

"Mabuti 'yan Nay, para naman may pagkukunan kayo ng gastos niyo para sa araw-araw."

"Oo nga 'nak. Ayos ka lang ba talaga riyan? Hindi ka na ba nila sinasaktan?"

"Huwag kang mag-alala sa'kin, Nay. Okay lang po talaga ako rito."

"Sige 'nak. Tatawag na lang ako sa'yo sa susunod na araw. Magpahinga ka na riyan. Mag-iingat ka palagi."

"Kayo rin po."

Agad akong napabuntong-hininga ng maibaba ni Nanay ang tawag. Pinatay ko ang ilaw at nahiga ako sa kama. Mayamaya pa ay narinig ko ang message ringtone ng aking cellphone. Kinuha ko ito sa gilid ng aking kama at tiningnan. Text ito galing kay Jansen. Tinatanong niya kung okay lang ako. Hindi ako nagreply sa kaniya kaya ibinalik ko na lang ang aking cellphone sa kinalalagyan nito kanina.

"Jansen, pakibilisan."

Hindi ako mapalagay sa aking kinauupuan. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo?"

"Kailangan ko nang umuwi."

Palinga-linga ako sa labas ng bintana. Tinatanaw kung nasa'n na ba kami. Mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa labas ng village.

"Sa may park mo na lang ako ihatid. Ayokong makita ka nila Papa. Baka kasi madamay ka pa sa gulo namin."

Nang makarating kami sa park ay agad akong bumaba ng kaniyang sasakyan. Tinawag niya ako, ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang bahay.

Tiyak akong nag-aalala na ang isang 'yon. Ilang sandali pa ay kinuha ko ulit ang aking cellphone at siya'y tinawagan.

"Vergara, bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kaniya.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Bakit gising ka pa? Sinaktan ka ba nila?"

"Hindi. Pinagalitan lang ako," pagsisinungaling ko. "Sorry pala dahil hindi na ako nakapagpaalam sa'yo kanina."

"Okay lang. Naiintindihan naman kita."

"Jansen, pwede bang kantahan mo ako?" Pakiusap ko sa kaniya.

Sana naman ay pumayag siya.

"Anong kanta?"

"Kahit ano."

Naging tahimik sa kabilang linya at maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagstrum ng gitara.

Lift your head

Baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way

You'll get by, with a smile

You can't win at everything, but you can try.

Napaganda talaga ng boses ng lalaking 'to. Sa tuwing malungkot ako ay palagi niya akong kinakantahan.

Baby you don't have to worry

'Coz there ain't no need to hurry

No one ever said

That there's an easy way

When they're closing all their doors

And they don't want you anymore

This sounds funny

But I'll say it anyway.

Palagi siyang nasa tabi ko para tulungan ako. Hindi ko siya kailanman narinig na nagreklamo.

Girl, I'll stay through the bad times

Even if I have to fetch you everyday

We'll get by, with a smile

You can never be too happy in this life.

Nang matapos ang kanta ay napangiti ako sa aking kinahihigaan.

"Ang ganda talaga ng boses mo. Thank you for everything. Sobrang swerte ko na ikaw 'yong kaibigan ko. I love you."

Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kong nasabi ko ang mga salitang 'I love you' sa kaniya. Sa anim na taon naming pagkakaibigan, hindi kami naging sweet sa isa't isa. Mas marami pa 'yong asaran moments namin.

"I love you too."

Natapos ang tawag at hindi ako mapakali. Magkaibigan kami at normal lang naman siguro na magsabi kami ng 'I love you' sa isa't isa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit iba ang dating sa'kin no'ng pagkakasabi niya.



Song used: With a Smile by Eraserheads

Vengeance Is MineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant