MAY TEA TEA AKO
AlexaMagandaUgh2x: Wassup!
CynthiaVilliar: We're back!
Martina: Buti bumalik pa kayo, kala ko mangg-ghost kayo eh.
Jencherifer: Oof. You okay, Mar?
CynthiaVilliar: Parang may pinaghuhugutan eh 'no?
AlexaMagandaUgh2x: Nako, mukhang kilala ko yon.
AlexaMagandaUgh2x: Chos! Ewan ko HAHAHA
Martina: Luh? Wala akong pinaparinggan, nagsasabi lang.
Jencherifer: Sige kunwari naniniwala ako.
AlexaMagandaUgh2x: ^^
CynthiaVilliar: ^^^
Martina: Lolz. Teka nga—
Martina: Bat napunta sa akin ang usapan? Di'ba may tea ka pang is-sher, lex? Wer na?
AlexaMagandaUgh2x: Lakas mag-iba ng topic eh.
CynthiaVilliar: ^^
Jencherifer: ^^^
Martina: Haha, so ano na nga? Asan na ang tea na sinasabi mo?
AlexaMagandaUgh2x: Eto 🍵
CynthiaVilliar: Gaga, Alexa! HAHAHAHAHA
Jencherifer: YAWA!
Martina: Buang HAHAHAHA
AlexaMagandaUgh2x: Eto na nga, baka mainis pa kayo then magparinig ulet 'yung isa diyan.
AlexaMagandaUgh2x: Hindi ko sinasabing si Martina pero parang ganun na nga.
AlexaMagandaUgh2x: HSHSHSHS
Martina: Alexa, magsasalita ka o magsasalita ka?
CynthiaVilliar: Nagpapili ka pa eh pareho lang naman 'yung choices.
Jencherifer: Siya nga! HAHAHAHHA
Jencherifer: Pero ano ba kasi 'yang tea mo, lex?
AlexaMagandaUgh2x: So ayon nga,
AlexaMagandaUgh2x: nalaman ko kahapon na yung kapitbahay namen tinira 'yung aso sa bodega.
CynthiaVilliar: Ano!?
Martina: Jisoos.
Jencherifer: Seryoso ka bhie!?
AlexaMagandaUgh2x: Huh?
AlexaMagandaUgh2x: Ay pota typo, itinira* kase 'yon hindi tinira.
AlexaMagandaUgh2x: Ano 'yon tinira nung tao 'yung hayop? HAHAHHAHAAHA
Jencherifer: Ah akala ko naman.
Martina: Gulat ako eh! Tae HAHAHAHA
CynthiaVilliar: Myghad akala ko totoo na.
AlexaMagandaUgh2x: Sorry na, typo lang.
AlexaMagandaUgh2x: Ayon nga, itinira nung kapitbahay namen 'yung aso nila sa bodega. Madilim at nakakulong lang 'yung chuchu don :(
CynthiaVilliar: HALAAAA! KAWAWA 'YUNG ASO!
Martina: True, bakit kailangan ikulong sa bodega?
AlexaMagandaUgh2x: Ewan ko nga ih.
AlexaMagandaUgh2x: Tapos kinabukasan nakita ko na lang 'yung aso wala na, dead na siya.
Jencherifer: Grabe naman 'yung amo na 'yon!
Jencherifer: As a puppy lover, masakit para sa akin ang ginawa nila!
Martina: Same :'(
CynthiaVilliar: Bakit ang bilis naman mamatay nung aso?
AlexaMagandaUgh2x: Hindi ko rin alam. Basta nakita ko na lang 'yung dog sa labas wala na.
AlexaMagandaUgh2x: Siguro tino-torture nila 'yung aso.
AlexaMagandaUgh2x: Nakakaawa lang. Buti kung mga manloloko at babaero ang ginaganun, matutuwa pa 'ko. Kaso aso eh, 'yung asong wala namang ginagawang masama pshh.
CynthiaVilliar: Ay grabe sis, may pinaghuhugutan ka rin eh.
Jencherifer: Kaya nga, pareho lang kayo ni Martina ksksks.
Martina: Bat ako nadamay dyan?
AlexaMagandaUgh2x: Parehas daw tayo...
AlexaMagandaUgh2x: na maganda.
Martina: Ay bet! HAHAHAHA
Jencherifer: Hay ewan ko sa inyo.
CynthiaVilliar: ^^
AlexaMagandaUgh2x: Sarreh.
AlexaMagandaUgh2x: HAHAHAHAHA
VOUS LISEZ
Malaya Ka Na [TMAU Series #1]
Roman pour AdolescentsCOMPLETED. Si Alexandra Guivarra o mas kilala bilang Alexa ay isa sa mga babaeng naging sawi sa pag-ibig. Mula noon ay ipinangako niya na sa kanyang sarili na hindi na siya muli pang magmamahal at magse-seryoso ng lalaki. Ngunit anong mangyayari k...