74

45 8 2
                                    

"Harold." Agad siyang napatingin sa akin, hindi lang pala siya, si Paolo rin pero agad ding ibinaling ang atensyon sa iba.

Ngumiti si Harold, "so, saan mo gustong mag-usap tayo?"

"Ewan ko sayo, saan ba gusto mo? Pwede rin naman dito sa simbahan kung iyon ang iyong nais." Pamimilosopo ko pa.

Akmang sasagot naman sana si Harold nang may marinig kaming sigaw, napatingin kami doon at nakita ang mga kaibigan ko na hindi ko na namalayang hindi na pala nakasunod sa akin mula kanina pa.

"Alexandra Guivarra, mag-uusap tayo ngayon din!" Kapag ganiyan na si Jennifer, ibig sabihin lang nun ay may nagawa akong hindi niya nagustuhan... at mukhang alam ko na kung ano iyon.

"Walanjo, Alexa! Ba't 'di mo man lang sinabing kay ex—sa dalawang ex mo pala ikaw pupunta?" Sambit naman ni Cynthia.

At si Martina? Ayon, tahimik lang na nakasunod at nakikinig sa amin. Bumuntong hininga ako at magsasalita na sana pero inunahan ako agad ni Harold.

"Ako ang nagpapunta kay Alexa dito—"

"At bakit naman!? Hoy! Baka akala mo hindi ko nakakalimutan ang ginawa mong pag-iwan at pangungutya sa kaibigan namin! Alam mo bang kawawa si Alexa nun? At dahil lang naman iyon sa'yo!" Pagputol ni Jennifer at agad na inatake si Harold. Napa-face palm na lamang ako.

Pero natigil at natahimik ang lahat ng sawayin kami ng isa sa mga tao dito sa simbahan. Kesho ang ingay daw namin, kung gusto daw namin ng drama mag-apply daw kami bilang artista. Kesho simbahan daw ito at hindi sabungan.

'Yung totoo? Mukha ba kaming mga manok? -.-

Dahil doon ay napalayas kami sa simbahan, bawal daw kasi ang tambay—lalo pa't nagkakagulo at nagsisigawan kami doon. Tuloy ay pumunta na lang kami sa may cover court, buti na lang at bilang lang ang mga taong nandodoon.

Bago kami magsimulang mag-usap ni Harold ay hinarap ko muna ang mga kaibigan ko. "Guys, chill lang. May gusto lang daw aminin si Harold sa akin at i-explain." Sambit ko at bumaling kay Harold. "So, saan tayo mag-uusap?"

Muli niya akong nginitian, "dito na lang. Gusto kong marinig din ng mga kaibigan mo ang lahat-lahat ng paliwanag ko."

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz