60

37 8 0
                                    

Jennifer Santiago

Alexa: Mamsh

Alexa: Mamsh naman, sabi ko di'ba umuwi na kayo? Pero ba't sinundan niyo parin ako?

Alexa: Ayan tuloy, nakita niyo na 'ko.

Alexa: For sure, aasar-asarin niyo na naman ako about diyan kay Paolo. Hmp.

Jennifer Santiago went online.

Jennifer: Hi hehe

Jennifer: Sila Cynthia at Martina kasi ang kulit eh.

Jennifer: Gusto ka nilang sundan, pinigilan ko 'yung dalawa pero hinila lang nila ako then hinanap ka nila.

Jennifer: Namin pala hehe, then nakita ka namin sa may tindahan ng fishball-an.

Jennifer: Lalapit nga sana kami kaso nakita naming hindi ka lang pala nag-iisa.

Jennifer: Kaso mo pala ang ex mo.

Jennifer: So ngayon, pwedeng ikaw naman ang mag-explain?

Alexa: Ano namang ipapaliwanag ko?

Jennifer: Kung bakit kayo magkasama nung ex mo?

Jennifer: Lex, naguguluhan ako.

Jennifer: Sabi mo ayaw mo sa kaniya, na hindi kayo pwedeng maging magkaibigan at wala lang siya sa'yo pero ano 'yon?

Jennifer: Ba't kayo magkasama kagabi?

Alexa: Kung ano man ang sinabi ko sa inyo, totoo 'yon.

Alexa: Hindi kami pwedeng maging magkaibigan, ayoko sa kaniya at hindi ko siya kaibigan.

Alexa: Magkasama lang kami kagabi since 'yon ang kabayaran sa pagpapadala niya sa akin ng pagkain nung isang gabi na walang pagkain sa bahay namin.

Jennifer: Wait, pinadalahan ka ni Pao ng pagkain?

Jennifer: ANG SWEET!

Alexa: Mamsh naman :|

Jennifer: Sorna, totoo naman eh. Ang sweet, yieee

Jennifer: Alam mo lex, feeling ko may gusto na talaga sa'yo ang ex mo.

Jennifer: Kahit sabihin pa nating nung una, nung magkarelasyon kayo ay wala lang 'yon at trip trip niyo lang ay baka iba na ngayon!

Jennifer: Baka ngayon ay na-realize niya na gusto ka niya talaga! Emergheeeeed!

Jennifer: ALEXANDRA KINIKILIG AKO SA INYO!

Jennifer: SHEMAY HUHU

Alexa: Eh?

Alexa: Ewan ko sa inyo.

Alexa: Kung ano mang pinag-iisip niyo, mali kayo.

Alexa: Sadyang malakas lang ang trip ng lalaking 'yon kaya ayaw niya akong tigilan.

Alexa Guivarra went offline.

Jennifer: Hay ewan.

Jennifer: Basta ship ko kayo.

Jennifer: Paolex malakas, hindi lulubog 😤✊

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now