22

59 8 0
                                    

Renz Madrid

Renz Madrid went online.

Renz: Pre, nakita kita.

Renz: Namamaga 'yang pisnge mo. Hulaan ko, sinaktan ka ng dad mo 'no?

Paolo Angeles went online.

Paolo: Dad? 'Di ko siya ama.

Paolo: Isa pa, wala lang 'to. Okay lang ako.

Renz: Pero ano ba kasing nangyari?

Renz: Bakit naman kailangan may pa-death threats pa? Ayan tuloy humingi na ng tulong 'yung Alexa na 'yon at sa facebook pa!

Renz: Kumalat tuloy at ngayon ay marami na ang haters mo.

Renz: Magkwento ka nga, pre! Ano ba kasi talaga ang nangyari? Paanong dumating sa ganung punto?

Paolo: 'Yung lahat ng nabasa mong post ni Alexa, lahat ng iyon ay kasinungalingan lang.

Paolo: Hindi ko siya pinipilit na makipagbalikan, ang gusto ko lang ay makipag-kaibigan.

Paolo: Mas lalong hindi ko siya sinesend-an ng death threats, hindi ko 'yun magagawa sa kaniya.

Renz: What!? Edi gawa-gawa lang 'yon ni Alexa lahat!?

Paolo: Oo.

Renz: WHAT THE ACTUAL FVCK PRE!

Renz: ANG SAMA NAMAN NG BABAENG 'YON!

Paolo: Hindi ko naman siya masisisi, kasalanan ko rin naman kaya niya ginawa sa akin 'yun.

Paolo: Masyado ko siyang inasar, siguro nasaktan na siya kaya ito ang naging higanti niya sa akin.

Paolo: Deserve ko 'to, Renz. Nasaktan ko yata siya.

Renz: Erbag pre! Siniraan ka na sa maraming tao nung babaeng 'yon, tas sasabihin mo kasalanan mo kaya niya ginawa yun!?

Renz: MAHAL MO 'NO!?!?!

Renz: Kaya kahit ang laki na ng atraso niya sayo pinagtatanggol mo pa rin, pshhh.

Paolo: Hindi nga sabi diba?

Paolo: Sinasabi ko lang ang totoo, kasalanan ko kaya niya nagawa 'yon.

Paolo: Inis na inis na siya sa akin, nilait ko kasi siya.

Renz: Tch, eh bat mo naman kasi nilait?

Renz: Ay oo nga pala, nilalait mo pala siya para mapansin ka.

Renz: Anong nangyari? Napahamak ka pa, haist.

Renz: Anong plano mo ngayon? Paano mo lilinisin ang kasalanan mong hindi naman totoo?

Paolo: What do you mean?

Renz: Iyon, 'yung kaso mo pre. Paano na 'yun? Paano mo lilinisin ang pangalan mo?

Paolo: Hindi ko na problem 'yon.

Paolo: May mag-aayos para sa akin nun.

Paolo: Ang tatay-tatayan ko.

Renz: Huh?

Paolo: Kilala mo si dad, Renz, hindi niya hahayaang masira ang magandang apelyido niya.

Paolo: Kaya kahit 'di ko sabihin, siya ang magkukusang maglilinis ng kaso kong hindi naman talaga ako may gawa.

Renz: Sabagay. Eh how about Alexa?

Renz: Alam mo pre, kung ako nasa katayuan mo, lalayuan ko na ang Alexa na 'yon.

Renz: Halata namang hindi ka talaga nun gusto, bakit kailangan mo pang ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto?

Renz: Pre, madaming babae dyan. Wag na si Alexa, baka mapahamak ka ulit diyan.

Paolo: 👍

Renz: aBA'T NAMAN TALAGA OH!

Paolo Angeles went offline.

Renz: Ang tigas ng ulo, tsk.

Renz: Hindi daw mahal pero ganiyan kung makaasta, utot mo pre!

Renz: Halata namang hindi mo na siya gusto, mahal na siya!

Renz: MAHAL MO NA SIYA OKAY!?

Renz: Pero dahil hardheaded ka, ipagpipilitan mo pa rin na gusto mo lang siya at hindi mahal kahit ang totoo ay halatang-halata ka na.

Renz: Ewan ko sayo pare, para kang bata. Haist.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon