66

42 8 0
                                    

Harold Angeles

Harold Angeles went online.

Harold: Pauwi na 'ko diyan, Mark.

Harold: Nandiyan na ba si dad?

Paolo: Kuya?

Paolo: Uuwi ka na agad? Agad-agad?

Paolo: Luh, ba't hindi ka nagsabi?

Paolo: Nasaan ka na? Susunduin kita sa airport.

Harold: No need bro, nandito lang ako. Nung monday pa 'ko nakarating at nag-stay muna sa condo ko.

Harold: Dapat kagabi ako uuwi diyan kaso hindi natuloy.

Harold: Nakita ko kasi kayo ni Alexa na magkasama |

Paolo: Ganun ba? So nasaan ka na ngayon?

Paolo: Malapit ka na ba, kuya?

Harold: Yes hahaha, parating na 'ko.

Harold: Uhm Mark.

Paolo: Bakit kuya?

Harold: Salamat sa pagbabantay kay Alexa habang wala ako at nasa America.

Harold: Kumusta na siya?

Paolo: Okay lang naman siya, maayos ang buhay niya at wala akong nakikitang ibang lalaking nanliligaw sa kaniya.

Harold: Close na ba kayo?

Harold: Friend mo ba siya Mark?

Paolo: Ayokong magsinungaling sayo kuya.

Paolo: Aaminin ko, gusto ko siyang kaibiganin pero ayaw niya kaya hindi ko masabi kung friends na ba kami.

Paolo: Hindi ko rin masabi kung close na ba kami or what, masyado kasing masungit si Alexa eh. Ang hilig niya 'kong awayin.

Harold: Siguro dahil sa akin kaya nagbago si Alexandra.

Harold: Hindi masungit si lex. Sweet siya at caring na girlfriend nung kami pa.

Paolo: Ahh uhm...

Paolo: Kuya, may isa pa 'kong gustong aminin.

Harold: Ano 'yon?

Paolo: Naging kami ni Alexa,

Paolo: At gusto ko siya.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon