90

114 9 0
                                    

"Anong pag-uusapan natin?"

Napatingin ako sa kaniya ngunit nakatingin lang siya sa ibang direksyon. Kasalukuyan kami ngayong nasa isang lugar kung saan makakapag-usap kami ng maayos. Chinat ko na rin ang mga kaibigan ko na mag-uusap lang kami ni Paolo kaya hindi ako makakasabay sa pag-uwi.

Napabuntong hininga ako, ramdam ko ang kaba na bumabalot sa aking dibdib. Nanginginig din ako, shet. Muli akong bumuntong hininga. Kaya mo 'to Alexa, kapalan mo na ang mukha mo! Go!

Humarap ako sa kaniya, pinapakitang hindi ako kinakabahan habang siya ay tiningnan lang ako at hinihintay ang sasabihin ko. Sa pangatlong pagkakataon ay muli akong napabuntong hininga.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Paolo hoy! Bakit hindi ka na namamansin ha? Peymus ka boi? Kala mo naman ikinagwapo mo na ang pag-iwas sa a-akin." Paninimula ko. "Gusto ko lang linawin na hindi ka na talaga gwapo kaya 'wag mo na 'kong iwasan!"

Matapos kung sabihin iyon ay nakita ko kung paano umangat ang gilid ng labi niya, "ganyan mo na ba gustong sabihin ang katagang, "Paolo, 'wag mo 'kong iwasan kasi hindi ko kaya'? Hmm?"

Hindi ako nakasagot. Shet, paano niya alam 'yon? Mind reader ba siya? Hindi ko na alam ang sunod kong ginawa, basta bigla ko na lang siyang sinugod ng yakap. Hindi na 'ko nag-isip pa, ginawa ko na lang ang matagal ko nang gustong gawin.

Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya nang yakapin ko siya. Hindi ako nakuntento kaya isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit na parang batang nagso-sorry sa magulang dahil nakagawa ng kasalanan.

"Paolo..." mahina kong sambit, "'wag mo na 'kong iiwasan pa, please. 'Wag mo na ulit uulitin ang pags-snob mo, hindi ka naman famous at isa pa... hindi ko kaya..."

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya dahilan para ang paligid ay maging tahimik. Naririnig ko na rin ang malakas na tibok ng puso ko, maging ang tibok ng puso niya.

"Alexa..." pagsasalita niya. Humiwalay siya mula sa pagkakayakap ko sa kanya kaya hindi ko maiwasang hindi mapanguso dahil hindi man lang niya ginantihan ang yakap na iginawad ko sa kaniya.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at saka ako tinitigan ng diretso sa mata, nginitian niya ako—isang malungkot na ngiti. Matagal niya 'kong tinitigan, napapikit naman ako nang maramdaman ko ang labi niya sa aking noo.

Pagkamulat  ng mga mata ko ay likod niya na lang bumungad sa akin. Naglalakad siya ngayon palayo sa akin. Iniwan niya 'ko, mag-isa na lang ako ngayon. Hindi ko rin alam pero naramdaman ko na lang ang mainit na likidong pumatak sa aking mukha.

Anong ibig sabihin nito Paolo?

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now