Harold Angeles
Harold Angeles went online.
Harold: Oh? Hindi pala ako naka-block sayo?
Harold: Hindi mo 'ko blinock? Nice.
Harold: Hi, Alexandra. Kilala mo pa naman ako diba?
Harold: Nakita kita sa may simbahan, ibang-iba ka na.
Harold: Marunong ka na mag-ayos hindi tulad ng dati.
Alexa: WTF HAROLD!? |
Alexa: TANGINA |
Alexa: Nagparamdam ang gago |
Alexa: Gago anong sasabihin ko!? |
Alexa: Hello :)
Alexa: Kilala niyo po 'ko?
Alexa: Kasi kayo? Hindi ko kayo kilala.
Harold: Wow, parang walang pinagsamahan ah?
Harold: Hindi mo ba 'ko kilala o talagang nagkukunwari ka lang na hindi mo 'ko kilala?
Harold: Hindi ka pa rin ba nakakapag-move on sa akin?
Harold: 7 months naging tayo at 1 year na ang nakakalipas.
Alexa: 7 months naging tayo? Luh? Wrong person ka po ata.
Alexa: 1 day lang ang pinakamatagal kong relasyon at hindi 7 months.
Alexa: At saka anong hindi pa nakakapag-move on? Nakapag-move on na 'ko, kaya nga hindi na kita kilala eh.
Alexa: Kasi maging ikaw, kinalimutan ko na :)
Harold: Nice.
Alexa: NICE MO MUKHA MO PWE! |
Harold: Edi maganda kung ganun.
Harold: Nakita ko friend mo rin pala sa fb ang kapatid ko?
Harold: Nakita ko rin kayong dalawa sa simbahan, so ibig bang sabihin nito close kayo?
Alexa: Kapatid? Wala kang kapatid.
Harold: Meron, lex. May kapatid ako pero hindi ko lang sinabi sayo.
Harold: Si Mark Paolo Angeles na friend mo sa fb bilang Paolo Angeles.
Harold: Don't tell me hindi mo napansin ang pagkakaparehas namin ng surname?
Alexa: Pakialam ko? Maraming Angeles sa mundo at hindi lang ikaw.
Alexa: Pero teka nga, seryoso ka diyan? Kapatid mo ang lalaking iyon?
Harold: I'm dead serious, lex.
Alexa: Ah, kaya pala parehas kayong kupal |
Alexa: Share mo lang?
Alexa: Pakialam ko kung kapatid mo siya?
Alexa: At bakit ka pa nagbalik ha?
Alexa: Taena mo, matapos mong mang-iwan bigla ka na lang magpaparamdam? Ulol mo!
Alexa: Pinagsisisihan kong nakipagrelasyon ako sa hakdog na tulad mo!
Harold: Sa tingin mo bakit tayo naghiwalay?
Harold: Hindi ba dahil sa pagiging busy mo diyan sa pag-aaral mo? Nawawalan ka na ng oras sa akin kaya hiniwalayan kita. May pagkukulang ka sa akin, lex.
Alexa: TANGINA NETO |
Alexa: Limot ko na nga 'yon tas binalikan pa amp |
Alexa: Hoy, hindi ko naman kasalanan na hindi ka madaling makaintindi. Sinabi ko sayo diba? Kailangan ko mag-focus sa pag-aaral dahil final exam namin 'yon at pagkatapos nun pwede mo na 'kong harutin!
Alexa: Eh kaso anong ginawa mo? Ang kitid ng utak mo, 'di ka makaintindi tas may palait-lait ka pa diyan!
Alexa: Kesho ang pangit mo Alexandra, nakakahiya kang kasama, mukha kang manang kaya makikipaghiwalay na 'ko sayo, hindi ka bagay sa tulad ko.
Alexa: Tangina mo, Harold. Sagad.
Alexa: Pero past na 'yon kaya kalimutan na lang natin 'yon.
Alexa: High school palang tayo noon kaya siguro bata pa tayo para makipagrelasyon.
Alexa: So yeah, goodbye past. 'Wag ka ng babalik, utang na labas.
Alexa: Don't paramdam to me na. Isa kang multo!
Alexa Guivarra went offline.
Harold: Sorry
Harold: Pero hindi kita titigilan hangga't hindi kita muling nakukuha.
Harold Angeles went offline.
YOU ARE READING
Malaya Ka Na [TMAU Series #1]
Teen FictionCOMPLETED. Si Alexandra Guivarra o mas kilala bilang Alexa ay isa sa mga babaeng naging sawi sa pag-ibig. Mula noon ay ipinangako niya na sa kanyang sarili na hindi na siya muli pang magmamahal at magse-seryoso ng lalaki. Ngunit anong mangyayari k...