56

36 8 0
                                    

Paolo Angeles

Alexa Guivarra went online.

Alexa: Hoy

Alexa: Salamat nga pala kagabi, 'yung sa Jollibee.

Alexa: Sorry ngayon lang ako nagpasalamat, nakatulog na kasi ako kaagad eh.

Alexa: Salamat ulit :)

Paolo Angeles went online.

Paolo: Wow

Paolo: Bungad na bungad 'yung hoy mo ah?

Paolo: No problem, basta ikaw ;)

Alexa: Kikiligin na ba 'ko?

Paolo: Ha?

Alexa: Tae, bakit ko natype 'yon? |

Alexa: Ah ano, wala. Wrong send lang.

Alexa: Kunwari 'di mo na lang nakita.

Paolo: Tologo bo? Ayie.

Alexa: PAO

Paolo: Oo na po.

Paolo: Nga pala 'yung binigay kong Jollibee sa'yo.

Alexa: Oh anong meron sa Jollibee?

Paolo: Hindi 'yon libre 'no.

Paolo: May kapalit 'yon.

Alexa: Amp.

Alexa: Dapat sinabi mo agad para maibalik ko sa'yo, tsk.

Alexa: Eh ano ba 'yang kapalit?

Paolo: Pagkatapos ng misa mamaya, pupunta tayo sa may fishball-an ha?

Alexa: Tayong dalawa lang?

Paolo: Uh-huh.

Alexa: No thanks, isusuka ko na lang ang kinain kong Jollibee para hindi mo na 'ko singilin.

Alexa: Pumayag na nga akong sumabay ka sa amin magsimba 'tas gusto mo pa 'kong solohin after ng mass?

Alexa: Utot.

Paolo: Luh, sige na kasiiii.

Paolo: Ako naman ang manglilibre ng fishball eh.

Alexa: Talaga? Libre mo?

Paolo: Oo, ano payag ka na?

Alexa: Hmm, teka pag-isipan ko lang muna.

Alexa: Okay tapos na 'kong mag-isip.

Alexa: Basta libre, payag ako!

Paolo: Pumapayag ka na?

Alexa: 'Di mo ba nabasa? Oo na nga di'ba?

Paolo: Yes!

Paolo: Thank you Alexa!

Alexa: Whatever.

Paolo: Sweet talaga.

Alexa: Ikr :)

Paolo:  ;)

Alexa: Ang hilig niya talaga sa emoticon na 'yan, pisti |

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now