21

53 8 0
                                    

Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa loob ng malaking bahay. Ang lahat ng nakasaksi ay walang nagawa kundi ang manahimik at magkunwaring walang nakita.

"Anong kangahalan 'to Mark Paolo!?! Sumagot ka!" Sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman siyang sinampal ng lalaking nasa harapan niya ngayon.

Galit na galit ang lalaki habang mahigpit na nakahawak sa cellphone niya. Nakita niya na kasi ang kumakalat ngayong balita tungkol sa anak niya—kay Paolo.

Nakayuko lang ngayon si Paolo, walang anumang salita ang lumalabas sa kaniyang bibig. Nakayuko lamang siya ng tahimik.

Pinagmasdan siya ng kaniyang ama at napahilamos na lamang sa kaniyang mukha nang mapagtantong wala talagang balak magsalita ang kaniyang anak.

"Kahit kailan talaga magkaibang-magkaiba kayong dalawa ng kapatid mo. Iniwan niya ang babae niya para sundin ang gusto ko, samantalang ikaw ay pinahihiya ang apelyido ko nang dahil lang sa babae!? Tsk, ano bang aasahan ko sayo? Hindi naman ako tunay mong ama, anak ka lang ng nanay mo sa ibang lalaki!"

Matapos sabihin iyon ng kaniyang ama ay agad na itong umalis. Si Paolo naman ay nanatili lamang sa kaniyang pwesto, tahimik at nakayuko.

Kahit kailan hindi mo naman ako tinuring na anak, isip isip niya.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن