47

47 9 0
                                    

Just You

Alexa: Tae, ngayon ko lang nadiscover na may just you pala dito sa messenger?

Alexa: Gumawa gawa pa 'ko ng ibang account para lang doon mag-chat ng kung ano-anong chuchunes drama ko tas malalaman ko matagal na palang may just you pero wala man lang nagsasabi sa akin?

Alexa: HMP 😤😤😤

Alexa: Sabagay, hindi rin naman kasi ako nagtatanong.

Alexa: So hi self! Ganda talaga natin 'no?

Alexa: Gusto ko lang magkwento ng kung ano-ano dito.

Alexa: Gawin ko na 'tong diary ha?

Alexa: Wala eh, wala akong pambili ng diary.

Alexa: Joke meron talaga, tinatamad lang akong magsulat. Mas gusto ko mag-type, bakit?

Alexa: Kase type kita self, ayieee!

Alexa: Buang na ata ako HAHAHAHA.

Alexa: Ayon nga self.

Alexa: Mamaya, pangatlong misa na ng simbang gabi.

Alexa: And for sure, makikita ko na naman ang Paolo na 'yon!

Alexa: Hindi ko naman kasi alam sa lalaking 'yon kung bakit kahit anong taboy ko sa kaniya ay lagi niya pa rin akong nilalapitan 😡

Alexa: 'Yung totoo self? Hindi ba siya makaintindi?

Alexa: Ayoko nga sa kaniya di'ba? Pshh.

Alexa: Nakakainis din kasi si self eh, dapat nung una palang hindi na 'ko pumayag makipag-kaibigan sa kaniya hMP!

Alexa: Tingnan mo tuloy ang nangyari, hindi niya 'ko tinitigilan!

Alexa: Pero alam mo self?

Alexa: Ang gwapo niya pala sa malapitan ano?

Alexa: Sa personal.

Alexa: Sa online ko lang naman siya nakilala at ilang beses ko nang nakita ang pic niya pero hindi ko pa rin maiwasang humanga.

Alexa: Kaya ko nga siya jinowa eh, ang gwapo kasi.

Alexa: Pero sorry na lang siya, hindi ako ang tipo ng babaeng seryoso sa pag-ibig.

Alexa: Mas gugustuhin ko pang mamatay ng matandang dalaga.

Alexa: Kesa mamatay na ang andaming nanakit sa puso't damdamin ko.

Alexa: Ayoko na, tama na ang nangyari dati. Hindi na 'ko uulit pa.

Alexa: Masyadong masakit eh

Alexa: Baka iyon pa ang ikamatay ko HAHAHAHA

Alexa: Ayoko na talaga.

Alexa: Mas gusto ko pang manakit ng damdamin ng iba.

Alexa: Kesa ako ang saktan nila :)

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now