57

35 9 0
                                    

"Guys, una na 'ko. May kailangan pa kasi akong bilhin eh." Paalam ko sa mga kaibigan ko.

Ngayon ang pang-apat na simbang gabi namin at kakatapos lang ng simba kanina lamang. Wala si Pao kasi pinauna ko na siyang pumunta sa fishball-an para hindi mahalata ng mga kaibigan ko na maf-fishball pa kami ni Pao.

Alam ko kasing aasar-asarin na naman nila ako once na malaman nila ang about dito. Mga bruha kasi sila—well, kasama at aminado ako pero mas malala nga lang sila.

Napakunot ang noo ni Cynthia, "eh? Hindi ka sasabay sa amin?" Tanong niya.

"May bibilhin pa nga kasi ako." Sagot ko naman.

"Pwede ka naman naming hintayin na lang then sabay na tayong umuwi." Sambit ni Jennifer na ikinatango naman nung dalawa.

Napakamot ako sa aking ulo, mukhang may kuto na ata ako—joke. "'Wag na, matagal pa 'ko. Mauna na kayo, okay lang ako pramis."

Napansin ko ang makahulugang pagtitig nilang tatlo sa akin dahilan para mapakunot ang noo ko, "ikaw Alexa ha. May hindi ka sinasabi sa amin, may tinatago ka." Ani Martina.

"Napapansin ko rin."

"Me either."

Lihim akong napangiwi, kahit kailan talaga ang galing makiramdam at makahalata ng mga bruhang 'to.

Binigyan ko lang sila ng matamis na ngiti, "promise guys. May kailangan lang talaga akong bilhin at baka matagalan ako kaya pinapauna ko na kayo." Giit ko.

Bago pa sila makapagsalita ay pinatalikod at tinulak-tulak ko na sila papunta ng sakayan, saka ako kumaripas ng takbo palayo sa kanila.

Sana hindi nila malaman na kasama ko ang ex ko ngayon, taena pag nagkataon sari't-saring tukso ang matatamasa ko sa mga bruhang 'yon. Jisoos.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon