89

65 9 0
                                    

Nagmamadali akong pumasok ng simbahan. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay dinig na dinig ko na agad ang pagmimisa sa loob. Puno din ang simbahan dahilan para mapabuntong hininga ako.

Shemay, bakit kasi ako nagpalate-late pa? Grrr.

Dahil ayokong makipagsiksikan para pumasok sa loob ay nanatili na lamang ako sa labas, nakatayo ako sa may gilid. Wala eh, andaming taong nagsisimba ngayon dahil ngayon ang last night mass. Pero okay na rin kahit late, nakompleto ko naman ang night mass.

Habang nagmimisa at nakikinig sa pari ay napagdesisyunan kong ipikit ang mga mata ko. Ngayon ay may ihihiling na 'ko, alam ko na kung ano ang hihilingin ko.

Lord God, hindi ko po kinompleto ang simbang gabi para lang matupad ang wish ko gaya ng sabi ng iba. Kinompleto ko po ang simbang gabi ng buong puso at walang halong pilit o katamaran dahil gusto kong magsimba, magpasalamat at magsorry.

Una sa lahat, salamat po sa patuloy na paggabay sa akin kahit andami kong kasalanan. Gusto ko pong magsorry dahil andami ko na pong nagawang mali, hindi ko na po iisa-isahin iyon, basta alam niyo na po 'yon kaya sorry po.

Gusto ko po hilingin na sana... sana maging maayos na ang lahat, sana po maging maayos na kami ni Paolo, sana...

Hindi ko na namalayan ang oras, nakita ko na lang ang mga taong nagsisilabasan ng simbahan at ang iba ay nagsisi-alisan na. Tapos na ang misa kaya naman inabangan ko ang mga kaibigan kong nasa loob ngunit iba ang nakita ko.

Nakatayo siya sa harapan ko at walang emosyong nakatingin sa akin, "hinahanap mo daw ako?"

"P-Paolo..."

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon