80

42 9 0
                                    

Nakatayo at walang imik. Nakatingin lang ako sa kaniya mula sa labas, minabuti ko na walang makakakita sa akin ngayon. Ayokong magpakita.

"Alexa..." Napa-angat ako ng tingin at doon ay nakita ko si Cynthia, bakas sa boses at mga mata nito ang labis na pag-aalala.

Hindi ako sumagot, lumapit lang ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Anong nangyari?" Mahina niyang tanong.

Humiwalay ako sa kaniya at muling ibinalik ang tingin sa loob ng kwarto. Nandoon si Harold, kasama niya si Paolo na ngayon ay walang malay. Hindi ko alam kung anong lagay ni Pao ngayon pero ayoko ng malaman pa. Ipagdadasal ko na lang nasa ay ayos lang siya at hindi ganun kalala ang natamo niya mula sa aksidente.

Dinala ko si Cynthia mula sa labas. Doon ay nakasalubong namin sina Jennifer at Martina, maging sila ay sinundan din ako. Agad akong niyakap ni Jennifer na siyang tinugon ko naman.

"Ano ba talagang nangyari? Bakit ka nagpunta sa hospital?" Tanong ni Jennifer nang makaupo na kami.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng convenience store, doon muna namin piniling mamalagi. Napatingin ako kila Martina at maging sila ay naghihintay din sa isasagot ko.

Napabuntong hininga ako at nagsalita, "s-si Paolo kasi... naaksidente." Sambit ko.

Wala akong narinig na tugon mula sa kanila, tanging katahimikan lamang ang namalagi sa aming apat. Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Cynthia.

"Kaya pala... ganun ka na lang magmadali kanina sa pagtakbo," rinig kong sambit niya. "Kumusta na daw siya?"

Nagkibit-balikat lamang ako, "hindi ko alam..."

Napatingin ako kay Martina nang hawakan niya ang kamay ko, "okay lang 'yan Alexa. Kung ano man ang lagay ni Paolo ngayon, ipagdasal na lang natin na ayos lang siya." Ngumiti siya sa akin.

"Salamat..."

Muling nagkaroon ng katamikan, nakayuko ako kung kaya't hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila ngayon. Hindi ako mapalagay, hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan niya.

"Kanina..." pambabasag ko sa katahimikang namamalagi sa amin, ngunit hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. Nanatili lamang akong nakayuko. "Chinat ako ni Harold, nagkaroon ng pag-uusap about sa amin hanggang sa sabihin niya sa akin na naaksidente ang kapatid niya. Nagulat ako pero hindi ko 'yon sinabi, sabi ko lang wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung naaksidente pa si Paolo..." Natawa ako ng pagak.

Inangat ko ang tingin ko sa mga kaibigan kong naghihintay sa susunod kong sasabihin, "Sinabi ko 'yon para paniwalain ang sarili ko na wala talaga akong pakialam kahit ang totoo ay sobra na akong nag-aalala. Hindi ko dapat siya pupuntahan pero hindi ko na natiis pa at heto ako ngayon, pinuntahan pa rin siya." Bahagya akong napabuntong hininga at muling natawa ng pagak. "Ang rupok ko."

Hinawakan ni Cynthia ang kamay ko na siyang ikinatingin ko sa kaniya, nakangiti siya ngayon. "Hindi karupukan ang tawag dun, lex. Sinunod mo lang ang sinasabi ng puso mo at 'yon ay ang puntahan si Paolo kahit hindi 'yon ang sinasabi ng isip mo..."

"Cynthia is right, Alexa." Ngumiti si Jennifer. "Masaya ako para sayo."

Napakunot ang noo ko, "huh? Masaya ka? Bakit?"

"Kasi unti-unti ng nasisira ang pader na itinayo mo mula nang masaktan ka... at dahil iyon kay Paolo."

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon