24

52 8 0
                                    

TROPANG MATITIGAS ANG ULO

Jencherifer went online.

Jencherifer: Tama na ang pagsi-seen sa mga messages namin. Explain.

Martina Lopez went online.
CynthiaVilliar went online.

Martina: Sorry guys, ngayon lang ako nakapag-online. So, ano na? Online na ba si Alexa?

CynthiaVilliar: Hindi niya pa rin ako nire-reply-an. Kahapon pa 'ko nagme-messages sa kaniya pero panay seen lang siya.

Jencherifer: Alexandra Guivarra.

AlexaMagandaUgh2x: Uh... hi?

AlexaMagandaUgh2x: Slr, busy ako. Sorry talaga.

CynthiaVilliar: Sige kunwari busy ka, kunwari naniniwala kami.

CynthiaVilliar: Pero ano 'yung pinost mo? Totoo ba 'yon? Mag-explain ka.

Martina: Kung totoo man 'yon, bakit hindi ka nagsasabi sa amin, lex? Kaibigan ka namin, pwedeng-pwede ka naming tulungan.

Jencherifer: Explain everything, lex. 'Yung totoo.

AlexaMagandaUgh2x: Honestly, lahat ng pinost ko ay gawa-gawa ko lang. Hindi totoo lang ng iyon, nagawa ko lang 'yun dahil sobrang inis na inis na 'ko sa kaniya. Nasasaktan na 'ko sa panlalait niya sa akin, hindi niya man lang ba naisip 'yon? Pagdating sa itsura, ayoko sa lahat ng kinukutya ako dahil 'yan ang dahilan kung bakit iniwan niya 'ko. Kasi ang pangit ko daw, hindi daw ako bagay sa tulad niya kaya mula noon ay nag-ayos ako, binago ang sarili ko at ayoko na ng nilalait ako, especially my physical appearance. Masakit, pakiramdam ko bumabalik ang dati, ang nakaraan kaya nagawa kong siraan si Paolo kasi sa pamamagitan nun ay makakabawi ako sa panglalait niya sa akin. Pero...

AlexaMagandaUgh2x: Hindi ko naman inaasahan na kakalat 'yon at makakarating sa family and relatives niya.

AlexaMagandaUgh2x: Nakokonsensya ako, I'm really sorry. Ang sama ko sa part na 'yon, sorry.

Martina: Alexa... maling-mali talaga ang ginawa mo.

Jencherifer: Omyghad, I'm speechless.

CynthiaVilliar: So 'yun pala ang tinutukoy mo sa last message mo sa akin?

CynthiaVilliar: First of all, maling-mali, lex. Kahit saang anggulo tingnan maling-mali ang ginawa mo dahil siniraan mo siya at ngayon kumalat ang post mo dahil maraming nag-share nito, marami tuloy ang nangba-bash at may galit sa kaniya.

CynthiaVilliar: Hay nako, sana inisip mo ang mga mangyayari bago mo ginawa 'yon.

Jencherifer: ^^

Martina: ^^^

AlexaMagandaUgh2x: I know, sorry na nga eh :(

Martina: Sa tingin mo mababalik pa ng sorry mo ang nangyari? Sirang-sira na ang pangalan ni Paolo sa maraming tao. Alam mo naman ang social media ngayon.

Martina: Myghad, lex 🤦

Jencherifer: Alexa ayusin mo 'to, please lang ayusin mo ang ginawa mong 'to.

AlexaMagandaUgh2x: I will, I'm sorry ulit. I promise, hindi na mauulit 'to. Nagsisisi na 'ko.

Jencherifer: Dapat lang, hay naku.

AlexaMagandaUgh2x: Sorry ulit, aayusin ko 'to pramis.

Martina: Sana hindi pa huli ang lahat.

CynthiaVilliar: Sana nga, juicecolored.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon