82

40 9 0
                                    

Kakatapos lang ng misa at kasalukuyan kaming nakatambay sa may 7-eleven. Nagyaya kasi ang mga bruha at sumama na daw ako kasi libre nila. Syempre, bawal tumanggi sa grasya kaya sumama na 'ko sa kanila.

"Omg! Pang-eight na nating misa 'to! Bukas nine na! Disperas ng pasko at magpapasko naaa!" Excited na sambit ni Cynthia.

"Makokompleto niyo na ang buong simbang gabi samantalang ako may absent na isa huhu." Ani Jennifer.

"Aww, ayan kasi walang modo 'yang period mo. Kung saka magsisimba doon pa dumating. Hay, manang-mana talaga sa'yo." Wika ni Martina dahilan para matawa kami at mahampas naman siya ni Jennifer.

Napasimangot si Jen, "grabee! 'Di talaga kita isasama sa libre!"

Napakunot ang noo ko, "ikaw pala ang manglilibre, Jen? Akala ko lahat kayo then isa-isa kayong ililibre ako." Inosente kong sambit.

Binatukan naman ako ni Cynthia, "oy kapal mo! Pero ayon nga, si Jennifer talaga ang manglilibre so... yeah." Natatawa niyang sambit.

Nag-order na sila ng mga oorder-in namin pero nanatili lang ako sa pwesto ko, nagpabili na lang ako sa kanila kasi tinatamad akong tumayo.

Habang hinihintay ang mga kaibigan ay muli akong natulala at napatingin sa labas. Ngunit agad din akong napaayos nang makita ko siya sa labas ng 7-eleven, nakatayo at may hawak na phone. Kapansin-pansin din ang kaniyang kaliwang braso na nakabalot at bandage sa gilid ng kaniyang noo.

Nakalabas na ng hospital si Paolo.

Hindi ko siya nakita sa simbahan kanina pero sa tingin ko kakalabas niya lang ng simbahan. Nataranta ako nang akma siyang lilingon sa pwesto ko ngunit huli na ang lahat upang magtago dahil tuluyan na siyang napalingon at nakita ako. Nagkatitigan kaming dalawa, wala akong mabasang anumang emosyon sa kanyang mukha.

Nang hindi ko na kayanin ay ako na ang unang umiwas ng tingin, pakiramdam ko kasi ay matutunaw ako anumang oras kapag nakipagtitigan pa rin ako sa kaniya. Hindi ko kayang labanan ang mga titig niya. Lalo pa't ramdam ko ang lamig doon.

Ano ba kasing problema? Bakit bigla na lang naging ganito?

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing papasok siya ng 7-eleven! Hala taena! Hindi ko alam ang gagawin, ramdam ko ang pagpapawis ng palad ko kahit may aircon, ramdam ko rin ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Nang tuluyan siyang makapasok ay nagdire-diretso lang siya ng lakad, hindi niya man lang ako nilingon na siyang ikinahinga ko ng maluwag ngunit ang kirot sa aking dibdib ay naroroon pa rin.

Siguro nga... siguro nga na-realize niya na, na hinding-hindi na kami pwedeng maging malapit kahit ano pang gawin niyang pamimilit.

Kaya ngayon? Heto siya, iniiwasan na 'ko.

Di'ba ito naman ang gusto ko? Ang layuan niya 'ko simula una pa lang. Pero bakit... bakit ang sakit?

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now