67

35 8 0
                                    

TROPANG MATITIGAS ANG ULO

Jencherifer went online.
CynthiaVilliar went online.
AlexaMagandaUgh2x went online.
Martina Lopez went online.

Jencherifer: Nakita namin 'yon.

Martina: Nagkasalubong kayo ni Pao pero hindi mo siya pinansin na para bang hindi mo siya nakita.

CynthiaVilliar: Nakita din namin ang pagsimangot ni Pao nung isnob mo lang siya. Naaawa ako sa kaniya :(

Martina: Ano ba talagang nangyari?

Jencherifer: Kaya nga. Mamaya na ang pang-six night mass natin, makakasama ulit natin si Pao. Mahirap 'yon kasi hindi mo siya pinapansin.

Jencherifer: I mean—mahirap 'yon kasi makakasama natin—mo siya mamaya at papansinin ka niya pero ikaw hindi so magmumukha lang siyang tanga.

Jencherifer: Kawawa si Pao mamaya for sure :<

AlexaMagandaUgh2x: Mga 5 ng hapon hanggang 6 si Paolo pumupunta sa bahay namin para sunduin ako.

AlexaMagandaUgh2x: Kaya kailangan mamaya, maaga pa lang makaalis na tayo para hindi natin siya makasabay.

Martina: Alexa???

Martina: Ano ba kasing nangyayari? Ba't kailangan ganituhin mo si Paolo? Kawawa naman 'yong taong ang gusto lang ay makipag-kaibigan sayo.

CynthiaVilliar: Kaya nga, lex.

CynthiaVilliar: Kung nahihiya ka pa rin kay Pao dahil sa nangyari kagabi sa 7-eleven. Don't worry, hihingi kami ng pasensya sa pagiging makapal ang mukha.

AlexaMagandaUgh2x: Buti sana kung ganun nga, kaso hindi eh.

AlexaMagandaUgh2x: Kilala ko na ngayon si Paolo Angeles. May nalaman ako tungkol sa kaniya.

Jencherifer: What do you mean?

AlexaMagandaUgh2x: Si Paolo at ang ex kong si Harold ay magkapatid.

Martina: Omg... seryoso?

Jencherifer: Kaya pala magkaparehas sila ng apelyido. Akala ko kaapelyido niya lang si ex mo pero talaga palang related sila.

CynthiaVilliar: Kaya ba ngayon ay iniiwasan mo si Paolo?

AlexaMagandaUgh2x: Chinat ako ni Harold, after 1 year muli siyang nagparamdam. Kapal ng mukha ng lalaking 'yon!

AlexaMagandaUgh2x: Hindi niyo rin naman ako masisisi kung iiwasan ko si Paolo.

AlexaMagandaUgh2x: Si Paolo at Harold ay magkapatid. Hindi lang 'yon dahil parehas ko silang naging boyfriend at ngayon ay ex ko na.

Jencherifer: Pero ang pinagkaiba nila, si Harold ang nakipaghiwalay sayo at ikaw naman ang nakipaghiwalay kay Paolo.

CynthiaVilliar: Hindi lang 'yon dahil si Harold ay minahal mo ng totoo habang si Paolo ay napagtripan mo lang.

Martina: I don't get it, bakit kailangan mong iwasan si Pao nang dahil lang sa kapatid sila ng ex mong 'minahal mo ng totoo'?

Martina: Hindi naman siguro ganun si Pao tulad ng kapatid niya diba?

Martina: Or kung sakaling iwan ka man ni Paolo, hindi ka naman siguro masasaktan at iiyak tulad ng dati nung iniwan ka ni Harold diba?

Martina: Kasi para sayo, wala lang si Paolo. Right?

CynthiaVilliar: Martina.

Martina: What? I'm just saying the truth.

AlexaMagandaUgh2x: Martina, umamin ka nga.

AlexaMagandaUgh2x: May gusto ka ba kay Paolo? Kaya ganiyan ka na lang mag-alala para sa kaniya? Kaya ganiyan ka na lang umasta?

Martina: Alexandra Guivarra, paano mo nasasabi 'yan gayong ikaw mismo ang nakakakilala sa lalaking gusto ko?

AlexaMagandaUgh2x: Eh malay ko ba?

AlexaMagandaUgh2x: You're Martina Lopez right? Malay ko ba kung bukod sa lalaking 'yon may iba ka pang gusto?

Martina: Wth, Alexa??

Jencherifer: Omg guys, stop na nga!

CynthiaVilliar: Tin, lex, please tama na.

CynthiaVilliar: Alexandra, itigil mo na 'yan.

Martina: Bakit lex? Sinasabi mo bang malandi ako ha? Na bukod sa kaniya ay may iba ba 'kong gusto?

AlexaMagandaUgh2x: Bakit natatamaan ka?

AlexaMagandaUgh2x: Ikaw ang nagsabi nan, tin. Hindi ako.

Martina: Myghad Alexa, hindi ko inaasahan na ang sariling kaibigan ko pa ang magsasabi sa akin ng ganiyan.

Martina Lopez went offline.

CynthiaVilliar: Martina!

Jencherifer: WTF JUST HAPPENED?!

Jencherifer: ALEXANDRA GUIVARRA MAG-UUSAP TAYO

AlexaMagandaUgh2x went offline.

Jencherifer: TANGINA

CynthiaVilliar: Oh chill lang, Jen.

CynthiaVilliar: Easy lang, walang mangyayari kung lahat tayo ay magkakagulo.

CynthiaVilliar: Please Jen, ikalma mo sarili mo.

Jencherifer: Fine. Thanks, Cynthia.

Jencherifer: Kailangan natin makausap si lex. Hindi ko nagustuhan ang pinagsasabi niya kanina.

CynthiaVilliar: Maging ako, Jen. Mamaya din, pupunta tayo sa kanila at kakausapin siya.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now