78

36 8 0
                                    

Harold Angeles

Harold Angeles went online.

Harold: Alexa

Alexa: Bakit?

Harold: May sasabihin ako sayo

Alexa: Kung about 'yan sa nangyari kahapon, please 'wag muna ngayon.

Alexa: Mamaya ka na rin mag-chat kasi kausap ko mga kaibigan ko.

Alexa: Oh mas magandang 'wag ka na mag-chat pa.

Harold: Alexandra? Ganun na lang ba ang galit mo sa akin? Pinaliwanag ko na ang lahat diba? Alin ba dun ang hindi mo naintindihan at hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa akin?

Alexa: Sabi ko diba 'wag muna natin 'yon pag-usapan? 'Di ka ba nakakaintindi?

Alexa: Isa pa, hindi mo 'ko masisisi, Harold. Nagsinungaling ka sa akin.

Alexa: Maiintindihan ko naman 'yon kung sana sinabi mo agad sa akin.

Alexa: Kung gusto mong pumunta ng America at doon magpatuloy ng pag-aaral then go!

Alexa: Kung gusto mo ihinto muna ang relasyon natin para makapag-focus tayong pareho sa pag-aaral then okay!

Alexa: Maiintindihan ko 'yon kasi mahal kita, dati.

Alexa: 'Yon nga lang nagsinungaling ka at mas lalong naging malala kasi kinailangan mo pang saktan ang damdamin ko.

Alexa: Pero past na iyon, let's forget about it.

Alexa: Past is past, Harold.

Alexa: K bye.

Harold: Wait!

Alexa: Ano ba? Bye na nga diba?

Harold: Si Paolo naaksidente

Alexa: A-Ano... |

Alexa: Pakialam ko?

Alexa: Ikaw kapatid niya diba? Ba't sa akin mo sinasabi? Hindi ko siya kaano-ano.

Alexa: Nandiyan ka naman para alagaan siya, kaya mo na 'yan.

Harold: Tangina?

Harold: Ganyan ka na ba kawalang pakialam sa kapatid ko?

Harold: Alam mo Alexa?

Harold: Hindi na kita kilala, nagbago ka na.

Harold: Hindi na ikaw ang mabait at caring na Alexa ko noon.

Alexa: Hindi na talaga, kasi hindi mo na 'ko Alexa.

Alexa: Wala ng tayo at matagal na tayong tapos.

Alexa: Hindi kami friends ng kapatid mo Harold. Siya ang patuloy na nagpipilit ng sarili niya sa akin.

Harold: At kahit kailan hindi mo siya tinuring na kaibigan?

Alexa: Hindi.

Harold: Fine, kung 'yan ang gusto mo.

Harold: Basta sinabi ko na sayo, lex. Naaksidente si Paolo at nasa hospital siya. Sa pinakamalapit na hospital sa lugar natin.

Harold: Bahala ka na kung pupuntahan mo siya

Harold: O hindi.

Harold Angeles went offline.

Alexa: Damn. |

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now