85

44 8 0
                                    

Jennifer Santiago

Jennifer: Okay ka lang?

Alexa: Bakit naman hindi ako magiging okay?

Jennifer: Bakit nga ba? Sige, tatanungin kita.

Jennifer: Bakit nga ba hindi ka magiging okay?

Alexa: Psh, deretsuhin mo na nga lang ako mamsh.

Jennifer: 'Yung kanina sa gc, 'yung kwento mo.

Alexa: Kwento ko? Luh? Writer na ba 'ko? Ba't may story na 'ko?

Jennifer: ALEXA

Alexa: Just kidding! Hehe

Jennifer: Pero ayon nga, 'yung kwinento mo sa amin, 'yung about sa inyo ni Pao.

Jennifer: Alam kong malungkot ka :(

Alexa: Mamsh, siguro nga...

Alexa: Pagsisisihan ko ang araw na sumuko na siya sa pangungulit sa akin at ang araw na 'yon ay ngayon.

Alexa: Kinain ko ang mga sinabi ko, nakakainis.

Alexa: Bakit ganun?

Alexa: Siguro hindi niya na nakayanan ang pagsusungit ko kaya sumuko na siya. Hindi niya na 'ko kinukulit

Alexa: At ayoko nun, Jen. Hindi ko gusto ang ganitong Paolo, mas gusto ko 'yung dating siya.

Jennifer: Pero Alexa...

Jennifer: Tao din si Pao at nasasaktan, napapagod.

Jennifer: Kahit sabihin mo pang gusto mo siyang bumalik sa dati, hindi pa rin pwede. Hindi tayo pwede maging selfish, lex. Kailangan din nating alalahanin ang damdamin ng ibang tao at hindi ang damdamin lang natin.

Alexa: Nasa huli talaga lagi ang pagsisisi.

Jennifer: Yeah right.

Jennifer: How about ikaw na ang kusang lumapit sa kanya? Kausapin mo siya, linawin mo ang dapat na linawin. Magbaba ka na ng pride, lex. Ikaw na ang mag-first move para rin makapag-usap na kayong dalawa.

Alexa: Ano namang pag-uusapan namin?

Jennifer: Duh edi 'yung dapat na pag-usapan!

Jennifer: Alam mo na 'yon!

Alexa: Kayanin ko kaya?

Jennifer: Kaya mo 'yan!

Jennifer: Makapal kaya mukha mo, joke! HAHAHA

Alexa: Hayy ewan

Jennifer: Fighting!

Alexa: Salamat.

Jennifer: Mamayang pagkatapos ng misa, pag nakita mo siya doon mo na siya kausapin. Okay?

Alexa: Okay.

Jennifer: ♡⃛ヾ(๑❛ ▿ ◠๑ )

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now