61

40 8 0
                                    

"Kambak! Kambak! Kambak!"

'Yan lang naman ang naririnig ko mula sa mga kaibigan ko. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa simbahan dahil ngayon ang panglimang simbang gabi namin.

At oo, kasama namin si Paolo pero kung magsisigaw ang mga kaibigan ko ay parang wala siya. Sa totoo lang, ako ang nahihiya sa mga kalokohan ng mga bruha kong kaibigan. Jusmiyo.

Narinig kong natawa si Paolo, "kambak? Wala eh, ayaw ni Alexa makipagbalikan sa akin. Pero kung gusto niya, willing naman akong makipagbalikan sa kaniya." Sambit niya sabay tingin sa akin.

"Potangina, ayaw ko na! Nilalanggam ako pakshet!" Mura ni Cynthia at saka ito nagtitili na parang siraulo.

Nagtilian na rin ang dalawa—sila Martina at Jennifer na animo'y wala kaming ibang taong kasabay. Potspa, nakakahiya na talaga.

Nilingon ko silang tatlo at saka sila sinamaan ng tingin, pero hindi nila ako napansin dahil busy sila sa paghahampasan. Mas kinikilig pa sila kaysa sa akin, mga baliw talaga.

Napailing-iling na lang ako at napatingin kay Paolo na nakangiting nakatingin din pala sa akin. Inirapan ko lang siya, "tinitingin-tingin mo? Masama 'yan sir, nakakabulag ang ganda ko." Sambit ko sabay ngisi.

Napahalakhak siya sa aking sinabi dahilan para mahina ko siyang mahampas sa balikat. "Oy bawal din 'yan, chansing ka haaaa." Mapanuksong sambit niya kaya inulit ko ang paghampas but this time sinigurado kong malakas na 'yon.

"Asa ka!" Nasabi ko na lamang at saka naunang naglakad. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglakad.

"Joke lang, oy! Hintayin mo 'ko aking mahal!" Sigaw niya at saka muling humalakhak.

Pinag-ekis ko ang braso ko sa aking dibdib at saka iritadong mas binilisan ang lakad. Bahala siya diyan, che! Naiinis ako sa halakhak niya, naiinis ako sa kaniya! Tch.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon