TROPANG MATITIGAS ANG ULO
AlexaMagandaUgh2x went online.
AlexaMagandaUgh2x: Gais sabihin niyo nga
AlexaMagandaUgh2x: Nag-fast forward ba 'yong misa kanina?
AlexaMagandaUgh2x: Oh talagang matagal akong nakatulala kaya hindi ko napansing patapos na ang misa?
AlexaMagandaUgh2x: Seryoso?
AlexaMagandaUgh2x: Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang ang bilis natapos nung misa.
AlexaMagandaUgh2x: Nagsimula lang naman ako matulala nung alay na.
AlexaMagandaUgh2x: Tas biglang tapos na agad ang misa?
AlexaMagandaUgh2x: Ibig sabihin matagal akong nakatulala?
AlexaMagandaUgh2x: Hala?
Jencherifer went online.
Jencherifer: Bahala ka diyan maloka
Jencherifer: De joke!
Jencherifer: Pero seryoso nga kasi, tapos na ang misa kanina at hindi mabilis 'yon.
Jencherifer: Akala mo lang mabilis kasi lutang ka!
AlexaMagandaUgh2x: Eh?
Martina Lopez went online.
CynthiaVilliar went online.Martina: Wiwish you a merry christmas! Wiwish you a merry christmas! And a happy new year! Namamasko po!
CynthiaVilliar: HAHAHAHA
CynthiaVilliar: Alam niyo bang nangangaroling kami ni Martina ngayon?
Jencherifer: Luh? 8 na ah?
AlexaMagandaUgh2x: Oy sama!
Martina: Walang oras oras, hanggang hating-gabi kami mangangaroling HAHAHAHA
Martina: Nasa labas na kami ng bahay niyo lex, labas ka dali!
CynthiaVilliar: Sira ka talaga Martina HAHAHA
CynthiaVilliar: Oo nga, buksan mo na ang pinto para marinig mo na ang maganda naming boses
Jencherifer: Jusko po HAHAHAHA
Jencherifer: 'Wag na kayong mangaroling at kumanta baka bumagyo pa!
Jencherifer: Ang tatanda niyo na rin para mangaroling, inaagawan niyo ang mga bata eh.
CynthiaVilliar: Si Martina lang 'yung lola sa atin
Martina: ABA'T—
Martina: Hindi talaga kita hahatian sa nakuha nating pera, kendi lang ibibigay ko sayo. Hmp
CynthiaVilliar: Joke lang gaga!
CynthiaVilliar: Labyuuuu! HAHAHAHA
Jencherifer: Mga isip bata
Jencherifer: Teka, nasaan na si Alexa?
Jencherifer: Lumabas na siya ng bahay nila?
Jencherifer: Martina
Jencherifer: Cynthia
Jencherifer: Ano? Wala akong kausap ganun?
Jencherifer: HOY! GAIS!!!!!!!!!!
Martina: Teka lang Jen
Martina: Si Alexa kasi nagmamadaling lumabas ng bahay nila at nagtatakbo!
Jencherifer: Ano?! Teka! Anong nangyari!?
Martina: Hindi ko alam, sinundan siya ni Cynthia. Pumunta ka dito Jen, dali!
Jencherifer: Oo teka!
Jencherifer went offline.
Martina Lopez went offline.
YOU ARE READING
Malaya Ka Na [TMAU Series #1]
Teen FictionCOMPLETED. Si Alexandra Guivarra o mas kilala bilang Alexa ay isa sa mga babaeng naging sawi sa pag-ibig. Mula noon ay ipinangako niya na sa kanyang sarili na hindi na siya muli pang magmamahal at magse-seryoso ng lalaki. Ngunit anong mangyayari k...