37

45 7 0
                                    

"Hoy, babaita! Ikaw nga ay magkwento sa amin. Bakit hindi ka online ng tatlong araw?" rinig kong tanong sa akin ni Jennifer.

"Yah! At saka bakit nangs-seen ka lang? Luh, peymus ka ghorl?" sambit naman ni Martina.

Tinaasan ko siya ng kilay, "bakit? Hindi ba? Famous ako 'no, fyi." Sagot ko.

Narinig ko namang napa- 'pssh' si Cynthia dahilan para mas lalo ko siyang taasan ng kilay, "problema mo diyan, sis?"

"Bakit? Masama bang mag-pssh?" balik na tanong niya sa akin. Lihim akong napairap. Sungit naman dis ghorl, hmp.

"Hay naku! Tara na nga girls, magsisimula na ang misa oh. Gora na!" ani Martina at saka hinila si Jennifer papasok ng simbahan.

Pero bago iyon ay muli akong nilingon ni Martina, "hoy Alexa! Magkwe-kwento ka pa sa amin ha!" sigaw niya at saka kami tuluyang nilayasan.

Naiwan naman kami ni Cynthia, nagkatinginan kaming dalawa. "Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito?" natatawang tanong ko sa kaniya.

Natawa din siya at saka ako mahinang sinampas sa ulo, aba't—

Pagkatapos nun ay sumunod na rin kami sa dalawa pero napatigil ako ng aksidenteng tumama ang paningin ko sa taong nakatayo hindi kalayuan sa amin. Hindi ko maiwasang magulat, nakatingin siya sa amin... sa akin?

"Hala! Si Paolo ba 'yong nakikita ko!!?" sigaw ni Cynthia. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya.

"Shh, Cynthia shut up nga. 'Wag kang magpahalatang nakita natin siya!" mariing saway ko sa kaniya.

Napatango-tango naman siya kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya. "Eh ano bang ginagawa ng ex mo dito? At paanong nandito din siya? Ibig sabihin ba nun taga-dito lang siya? Sa lugar lang din natin siya nakatira?" sunod-sunod na tanong ni Cynthia sa akin.

Napabuntong hininga ako at napailing-iling na lang, "I don't know. I don't know, Cynthia. Kahit ako ay nagulat nang makita ko siya dito, what the hvck."

Hindi ko maintindihan, pakiramdam ko nagpapanik ako ngayon sa katotohanang nakita ko siya ng personal sa simbahang ito at... at hindi ko alam kung bakit.

Muli pa sanang magsasalita si Cynthia ng agad ko na siyang hilain paalis doon, ang bilis ng lakad ko kaya alam kong medyo nakakaladkad ko na si Cynthia. Pero bahala na, ang mahalaga ay hindi ko siya muling makita.

Shemay ka Paolo, hanggang sa simbahan ba naman hindi mo pa rin ako titigilan? Pakshet na malagket.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now