51

39 8 0
                                    

Ngayon ang pangatlong misa ng simbang gabi.

Kasalukuyan ako—kami palang nakaupo at tahimik na nakikinig sa sinasabi ng pari. Napatingin ako sa tabi ko ng may marinig akong binubuksan na kendi. Si Paolo pala.

Pagkabukas niya ng kendi ay agad niya iyong sinalpak sa bibig niya. Napatingin pa siya sa akin at kinindatan pa 'ko, hindi ko tuloy maiwasag mapa-irap. Tch.

And yes, katabi ko lang naman ang lalaking 'to. 'Yung tatlo kong bruhang kaibigan? Ayon nasa likuran namin. Hindi ko alam kung talaga bang masikip na sa upuan na 'to o talagang ayaw lang nilang tumabi sa amin?

Pero kung ako ang tatanungin, sinadya nilang hindi tumabi sa amin. Gusto nilang maiwan akong katabi ang Paolo na 'to, bwisit talaga 'tong mga prens ko huhu.

Maya-maya ay nagsitayo na ang lahat, napatingin ako sa mga taong nagsimula nang maghawakan ng kamay kasabay nun ang pagtugtog ng Ama namin.

Napatingin ako kay Paolo na katabi ko na nakatingin din pala sa akin. Nagulat ako sa biglaang pagkuha niya sa aking kamay, narinig ko namang ang mahina at impit na tili ng mga kaibigan ko sa aming likuran.

Agad ko namang binawi ang kamay kong hawak niya pero muli niya iyong kinuha, aangal pa sana ako ng ilapit niya bigla ang mukha niya sa akin sabay lagay ng kaniyang darili sa kaniyang labi, manahimik daw ako.

Hindi naman ako nakasagot agad, lumayo siya sa akin at matamis akong nginitian. Pagkatapos nun ay humarap siya sa unahan at sumabay sa pagkanta. Ako naman ay naiwang tulala at nakatingin lang sa kaniya.

Taena...

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now