68

36 7 0
                                    

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa aking kama. Iniisip ang mga naganap kanina sa GC. Nakakailang buntong hininga na rin ang pinapakawalan ko mula kanina, hindi ko kasi maiwasang makonsensya.

Napahilamos ako ng aking mukha at muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Gusto ko magsorry kay Martina sa mga nasabi ko sa GC, gusto kong sabihin na hindi ko 'yon sinasadya, na nadala lang talaga ako sa bugso ng damdamin pero hindi ko magawa... pinapangunahan ako ng aking pride.

Damn. Ano bang pumasok sa isipan ko at nasabi ko ang ganung bagay sa matalik kong kaibigan?

Mahina kong sinampal-sampal ang aking sarili. Ang sama ko sa part na 'yon, pero hindi ko talaga sinasadyang sabihin iyon. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong nainis. Pakiramdam ko kasi... may gusto siya kay Paolo na alam ko namang malabong mangyari dahil may gusto na siyang iba. Aish, ang tanga mo talaga Alexandra!

Napatigil ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang pagkatok ng kung sino sa aking pintuan. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim. "Pasok, bukas 'yan." Sigaw ko sa kumakatok.

Bumukas ito at bumungad sa akin ang dalawa kong kaibigan, sina Jennifer at Cynthia. Wala akong nakikitang anumang reaksyon sa kanilang mga mukha, nanatili lamang plain ang mga mukha nila habang diretsong nakatingin sa akin.

"Mag-usap tayo, Alexandra."

Napalunok ako sa sinabi ni Jennifer at saka tumango.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now