52

41 9 0
                                    

"Bye, Alexa. Bukas ulit sa inyo na 'ko sasabay ha? Bye!" Nakangiti niyang paalam sa akin at kumaway.

Tipid ko lang siyang binigyan ng ngiti at tinanguan. Saglit pa kaming nagkatitigan at muli niya akong binigyan ng matamis na ngiti saka muling nagpaalam at umalis.

Ngayon ay naiwan ako—kasama ang mga kaibigan ko. Pagkaalis na pagkaalis naman ni Paolo ay malakas na tumili ang tatlo dahilan para mapatakip ako sa aking tenga.

Kunot noo ko silang binalingan, "Hoy anuba? Ang ingay niyo, manahimik nga kayo diyan!" Saway ko sa kanila.

Pero ang mga bruha kong mga kaibigan ay binigyan ako ng nang-aasar na tingin, tinusok-tusok pa ni Cynthia ang tagiliran ko dahilan para mapa-irap ako sa kanilang kabaliwan.

"Ayieeeeee! Tangina, Alexa! Hindi mo alam kung gaano ko gustong tumili kanina pa sa loob ng simbahan! Masyado kasi kayong sweet eh, nilalanggam na kami!" Tukso ni Jennifer sa akin.

"Ay nako true! Lalo na dun sa paghawak ng kamay? Taenaaaaaaaa! 'Tas ang epic pa ng itsura mo, nakatulala ka lang kay Paolo. Ano sis? Natulala ka na sa kagwapuhan ng ex mo? Yieeet." Dahil sa sinabi ni Martina ay mahina ko siyang hinampas.

"Magtigil nga, Martina. Nagkakamali kayo sa nakita niyo. At ba't ko naman tititigan ang kupal na Paolo na 'yon? Eh sa chat pa nga lang sumasakit na ang mata ko." Singhal ko at umirap.

"Suuuussss! Alexandra Guivarra, ang tsundere mo ha! Mabait naman 'yung tao at ang gusto lang naman ay makipag-kaibigan tas ang sungit-sungit mo." Ani Cynthia na tinanguan naman ng dalawa.

"Pero bilib din ako kay Pao eh, ilang beses na siyang tinanggihan at inaway ni Alexa pero hindi ka pa rin tinigilan. Nangangamoy kambak talaga." Sambit ni Jennifer at saka tumili.

Napapalakpak naman si Cynthia, "buti na lang talaga hindi madaling sumuko si Pao at hindi naman marupok itong si Alex HAHAHAHA!" Nag-apir ang tatlo at saka nagtawanan.

Muli akong napairap, "ay basta. Wala pa rin akong pakialam sa Pao na 'yon, basta binalaan ko na siya kaya pagtiisan niya ang pagsusungit at pang-aaway ko sa kaniya." Sabi ko.

"Grabe talaga 'to!"

"Ang bait nung tao eh!"

"Sige ka, ikaw rin. Pag nawala sayo si Paolo baka magsisi ka."

Sa sinabing iyon ni Jennifer ay natigilan ako, ngunit agad ding napailing-iling at napangisi.

"That will never happen."

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang