76

35 8 0
                                    

Ikapitong simbang gabi.

Damang-dama ko ang lamig ng simoy ng hangin kahit nasa loob kami ng simbahan nakaupo at hindi sa labas. Damang-dama ko na ang lamig ng pasko, at kung gaano kalamig ang pakikitungo niya sa akin.

Kanina, nagkasabay kami papasok ng simbahan. Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko dahil nauna na sila sa loob, hindi niya rin kasama ang kapatid niya kaya naisipan ko siyang batiin since mula kahapon ay hindi pa kami nakakapag-usap, mapa-chat o personal man.

Pasimple akong lumapit sa kaniya at binati siya ng 'hi' ngunit sana pala hindi ko na lang 'yon ginawa kung alam ko lang na 'hmm' at malamig na titig ang isusukli niya sa akin. Ang cold niya, feeling Jack Frost amp.

Tuloy ay magpahanggang ngayon ay lutang lang ako, iniisip ang mga naganap kanina at kung paano niya 'ko titigan. Pakiramdam ko... pakiramdam ko hindi na siya ang Paolo na nakilala ko noon.

Hindi ko rin maiwasang mapaisip kung bakit bigla-bigla naging ganun ang trato niya sa akin. Hindi ko rin alam kung anong nagawa kong kasalanan para ganituhin niya 'ko at mas lalong hindi ko rin alam kung bakit ganito na lang ako ka-apektado.

"Alexa."

"Alexa hoy!"

"ALEXANDRA GUIVARRA HOY!"

"Ay hoy!" gulat kong bulaslas. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na siyang gumulat sa akin, masama ko silang tiningnan. "Ba't ba kayo nanggugulat ha?"

Napairap si Martina at nagcross-arm, "kanina ka pa namin tinatawag, lex. Pero mukhang nasa ibang kanto 'yang isip mo kasi hindi mo kami naririnig."

"Kaya nga, lutang na lutang ka grabe! Gaano ba kalalim 'yang iniisip mo ha? Buti hindi ka nalunod." Dagdag naman ni Cynthia.

Napanguso na lang ako at napatingin kay Jencherifer na tinaasan lang ako ng kilay, "kanina pa po tapos ang misa at mukhang tayo na lang ang maiiwan kung hindi pa kita sinigawan." Matapos niyang sabihin iyon at kinaladkad niya na 'ko.

"Aray—! Teka nga lang muna! Seryoso ba kayo? Tapos na agad ang misa? Ba't parang ang bilis naman? Ano 'yon si flash?" Sambit ko pa pero hindi nila ako pinansin na para bang hindi nila ako narinig.

Hmp.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now