84

42 9 0
                                    

TROPANG MATITIGAS ANG ULO

Jencherifer went online.
CynthiaVilliar went online.
AlexaMagandaUgh2x went online.
Martina Lopez went online.

Jencherifer: MERRY CHRISTMAS!

AlexaMagandaUgh2x: Christmas eve pa lang ngayon mamsh.

Martina: Excited masyado ang bruha.

Jencherifer: Edi HAPPY CHRISTMAS EVE!

CynthiaVilliar: Oy mamaya ha? Saang bahay ba tayo magc-celebrate ng pasko?

Martina: Uhm about diyan, sorry guys ha.

Martina: Akala ko sa bahay lang kami magc-celebrate mamayang alas-dose pero may pupuntahan pala kami.

Martina: So... sa 25 na ng umaga ako pwede.

Jencherifer: Same!

CynthiaVilliar: Kayo rin pala? Akala ko ako lang.

CynthiaVilliar: So ano? Tom na lang tayo magkita-kita?

AlexaMagandaUgh2x: Magkikita naman tayo mamaya ah? Last na simbang gabi na natin 'yon!

Jencherifer: Ay oo nga pala hAHAHA

Jencherifer: Eh ikaw, lex? Saan ka magc-celebrate ng Christmas mamaya?

AlexaMagandaUgh2x: Kahit saan, pwedeng sa bahay, pwedeng sa bahay ng aso—joke!

Martina: Gaga talaga!

AlexaMagandaUgh2x: Pero seryoso, sa bahay lang kami. Okay na rin 'yon, kasama ko naman sina mama eh.

AlexaMagandaUgh2x: At saka magkikita naman tayo bukas para magcelebrate ang tropang matitigas ang ulo di'ba?

CynthiaVilliar: Isang malaking CHECK!

CynthiaVilliar: Pero maiba tayo, lex.

AlexaMagandaUgh2x: Ano 'yon?

CynthiaVilliar: Kumusta na kayo ni Pao? Ni Harold?

CynthiaVilliar: Wala na kaming balita sa inyo at sa dalawang magkapatid na 'yon haaa

Jencherifer: Ehem kwento ehem.

Martina: KWENTO! KWENTO! KWENTO!

AlexaMagandaUgh2x: Fine, sasabihin ko na nga.

AlexaMagandaUgh2x: About sa amin ni Harold.

AlexaMagandaUgh2x: Sigurado na 'kong wala na talagang natitirang galit sa puso ko para sa kanya, syempre magpapasko na, kailangan din nating magpatawad.

Martina: Tama tama!

AlexaMagandaUgh2x: At sigurado na rin akong wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Napatawad ko na siya, oo. Pero 'yung babalik kami sa dati? Hindi na pwede dahil una sa lahat hindi ko na siya mahal, hindi na mutual ang feelings namin. Friends siguro, pwede pa.

Jencherifer: Ayan ka na naman sa friends na 'yan! 'Tas iba-block mo 'yong tao tas kukulitin ka niya tas aawayin mo kasi ayaw mong makipag-kaibigan kahit sa una ay pumayag ka! Hay naku.

AlexaMagandaUgh2x: Oo nga eh, pero iba na ngayon. Hindi ko na uulitin 'yon.

AlexaMagandaUgh2x: Natatakot lang naman kasi ako na ma-attached sa kanila kapag nagtagal pa ang pag-uusap namin o pagsasama kaya mas mabuti nang awayin ko na lang sila.

CynthiaVilliar: Eh kaso hindi naman tumalab kay Paolo 'yang pang-aaway mo, hindi ka niya tinigilan.

AlexaMagandaUgh2x: Hindi nga ba? Hindi niya nga ba 'ko tinigilan?

CynthiaVilliar: Wdym?

AlexaMagandaUgh2x: Hindi ko maexplain kung ano kami ni Paolo ngayon. Hindi ko masabing friends kami, hindi ko rin masabing magka-away kami.

AlexaMagandaUgh2x: Alam niyo dati? Akala ko tulad ng ibang lalaki si Paolo pero mali ako, iba siyang lalaki. Gaya nga ng sabi ni Jen, siya ang unti-unting gumigiba sa pader kong tinayo at aminado ako dun.

AlexaMagandaUgh2x: Aminado akong unti-unting rumurupok ang pader na hinarang ko dahil kay Paolo, dahil sa makulit na 'yon.

Jencherifer: Yieee! So inlab ka na nan?

CynthiaVilliar: Sabi na si Paolo lang katapat mo eh!

Martina: Paolex# malupet! ✊

AlexaMagandaUgh2x: Mga gaga! HAHAHAHA

AlexaMagandaUgh2x: Pero nitong mga nakaraang araw, ramdan ko. Ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin. Hindi na nga siya sumasabay sa atin sa pagsisimba di'ba? Ni-hindi niya na rin ako chinachat o kinakausap man lang sa personal. Parang hindi na kami magkakilala.

Martina: ‼️❓‼️❓‼️❓‼️❓‼️❓‼️❓‼️

Jencherifer: Ansaket sa mata nung emoji pero

Jencherifer: 👉☹️🙁🤬😤😠❓‼️👉😠😤🤬🙁☹️❓‼️👉☹️🙁🤬😤😠❓‼️👉😠😤🤬🙁☹️❓‼️👉☹️🙁🤬😤😠❓‼️

CynthiaVilliar: Gusto ko naiiba ako kaya

CynthiaVilliar: ❣️❤️🧡💗💖💕💞💓💙💘💟💞💝💜💛💚💋💌❣️❤️🧡💗❣️💖💕💜💝

CynthiaVilliar: Joke

CynthiaVilliar: Oh eto para sayo

CynthiaVilliar: 💔

AlexaMagandaUgh2x: Mga gaga talaga kayo, ang drama nung topic pero dahil sa kagagahan niyo natatawa ako na ano.

Martina: Sinadya namin 'yon, baka umiyak ka eh

Jencherifer: Iyakin ka pa man din HAHAHA

AlexaMagandaUgh2x: Oy hindi kayaaa!

CynthiaVilliar: Iyakin! HAHAHAHA

AlexaMagandaUgh2x: Bahala nga kayojan!

Martina: OY HINDI PA TAPOS ANG KWENTO AH?

AlexaMagandaUgh2x: Bahala kayo!

AlexaMagandaUgh2x: Hindi ako storyteller hmp!

AlexaMagandaUgh2x went offline.

Jencherifer: Nakanguso 'yang si Alexa for sure

CynthiaVilliar: Sigurado 'yan! HAHAHAHA

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon