00 | End

191 9 2
                                    

"Oy ilabas mo na 'yang mga pagkain dito sa garden, Alexa!"

"Yes, mom!"

Nagpunta ako ng kusina at doon nasalubong si Mang Fe na dadalhin din ang mga pagkain sa garden. Nginitian niya ako na siyang ginantihan ko rin. Kinuha ko naman ang spaghetti at pancit saka ito dinala sa may garden.

Nang matapos ang lahat sa pag-aasikaso at pagdedekorasyon ay napatingin ako sa cellphone ko at tiningnan ang oras doon.

11:49 am na, basa ko sa isip ko.

"Malapit na mag-alasdose!" Rinig kong sigaw ng anak ni Manang Fe. Dito kasi sila nagchristmas para makasama ang kanilang ina.

Napangiti ako habang pinapanood sila ngunit hindi ko rin maiwasang maging malungkot. Malungkot maging only child, ang lonely mo. Napabuntong hininga ako at napanguso. Siguro kung nandito lang ang mga bruha ngayon, for sure ang iingay na namin.

Muli pa 'kong napabuntong hininga, iniisip ang mga naganap kanina. Kung ano ang ibig sabihin ni Paolo sa ginawa niya. Bakit siya umalis? Bakit niya 'ko iniwan kanina ng mag-isa?

Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman ko ang pagvibrate nito, pagkatingin ko ay bumungad sa akin ang chat ni Harold.

Harold: May sulat na dadating sayo dyan, pinapabigay ni Paolo. Advance merry christmas :)

Nang dahil sa nabasa ko ay hindi ko maiwasang ma-excite na mabasa ang sulat na iyon. May ibibigay sa aking sulat si Pao? Doon na ba nakasulat ang lahat ng tanong sa aking isipan?

"Hija, Alexa, may sulat daw para sayo." Agad akong napalingon kay Manang Fe na ngayon ay may dalang papel.

Kinuha ko 'yon mula sa kaniya, "salamat po, Manang Fe." Ngumiti lang siya at saka umalis.

Nagpunta ako sa may gilid ng garden kung saan ako lang ang naroroon habang ang iba ay nasa may bukana ng garden at nagsasaya. Nagmamadali kong binuksan ang sulat at agad iyong binasa.

Hi, Alexandra.

Naalala mo 'yung tinanong kita kung ano ang wish mo? Sinabi mo sa akin na sana layuan na kita, na sana hindi na kita kulitin pa. Bakit ko sinasabi 'to? Kasi ang wish ko ay sana matupad ang wish mo at dahil iyon ang hiling mo at hiling ko rin na matupad ang wish mo ay dapat matupad iyon.

Habang binabasa mo 'to siguro ay nasa airport na 'ko. Pupunta na 'kong America, lex. Doon muna ako kasama si mommy at para na rin makalayo sayo gaya ng gusto mo.

Alam ko, sinabi mo na sa akin na ayaw mo 'kong mawala pero buo na ang desisyon ko Alexa. Aalis na 'ko, wala ng mangungulit sayo, wala ng mamimilit pang makipag-kaibigan sayo. Matutupad na ang wish mo na layuan na kita at titigilan na dahil ngayon aalis na 'ko.

Malaya ka na, Alexa. Malaya ka na mula sa pangungulit ko sayo, don't worry kahit kelan hindi na kita kukulitin at guguluhin pa dahil gaya nga ng sabi ko... malaya ka na :)

Merry Christmas, Alexandra Guivarra and your wish is my command.

Goodbye.

Matapos kong mabasa iyon ay naramdaman ko na lamang na umiiyak na pala ako. Inangat ko ang aking tingin sa taas at pinagmasdan ang mga bituin.

Pero Lord God, hindi po ito ang hiniling ko...

Wala sa sarili akong natawa ng pagak, "nasa huli nga pala ang pagsisisi." Sambit ko at napailing-iling, mapait akong napangiti. "Merry Christmas, self, ito ang gusto mo kaya panindigan mo. Malaya ka na."

E N D

A/N: Yaaaa! Tapos na rin! Bitin? HAHAHA sorry pero wala ng book 2, hanggang dito na lang talaga ang kwento nila Alexa at Paolo — no, I mean, hanggang dito na lang ang job ko, kung ano man ang susunod na mangyayari sa kanila ay magpapatuloy pa rin, it's just untold :)

May story din sila Jennifer, Cynthia at Martina. Yung kila Jen at Cynthia ay Kakayanin Kaya at ang kay Martina naman ay Maghihintay Ako, sana gaya nito ay suportahan niyo rin sila.

Next is: Kakayanin Kaya (TMU Series #2)
Yay, support, support! HAHAHA :D

Thank you sa pagbabasa at magbabasa ng epistolary kung ito, sana nag-enjoy kayo kahit parang ang ewan nung gawa ko hAHAHA! Thank you so much uwu, lovelotsss! ♡⃛ヾ(๑❛ ▿ ◠๑ )

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon