35

50 7 0
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko at saka nag-online sa messenger. Doon ay sari't-saring mga messages ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin, sabog nga ang notif ko dahil sa pagf-flood nila ng messages sa akin.

Isa-isa ko 'yung binasa at napapangiti na lamang sa taglay na kalokohan ng mga kaibigan ko. Tiningnan ko ang orasan at nakitang magf-four na pala, isang oras na lang at nandito na mga bruha para sunduin ako.

Akmang tatayo na sana ako mula sa pagkaka-upo para mag-ayos ng sarili nang muling tumunog ang cellphone ko, agad ko 'yung tiningnan at napakunot ang noo sa aking nabasa.

(1) Message from Paolo Angeles
: Idc, magkikita na naman tayo later ;)

Reply niya 'yon sa last messages ko sa kaniya, ilang araw na rin ang nakakalipas at ngayon niya lang nakita ang messages ko?

Hindi ko tuloy maiwasang matulala at isipin ang reply niya. Magkikita kami mamaya? Anong ibig niyang sabihin? Napailing-iling na lamang ako at chinarge na ang phone ko. For sure, nakikipaglokohan na naman ang lalaking 'yon sa akin.

Matapos kung i-charge ang cellphone ko ay agad na akong pumunta ng banyo para mag-asikaso para mamaya, iwas kaladkad na rin.

Kilala ko ang mga kaibigan ko, kapag sinabi nila, gagawin talaga nila at hindi sila nagbibiro sa may part na kakaladkarin talaga nila ako kapag dumating sila pero hindi pa 'ko naka-ayos.

Seryoso sila sa part na 'yon.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon