83

42 9 0
                                    

"Kumusta?"

Napalingon ako doon at tipid lang siyang binigyan ng ngiti, umupo ako. "Ayos lang, hindi na masyadong kumikirot. Hindi tulad nung una, ang sakit talaga eh." Natatawa kong sambit.

"Eh 'yang puso mo? Kumusta naman?" Natigilan ako sa sinabi ni Kuya Harold.

Napailing-iling na lang ako, "kuya—"

"Akala mo ba hindi ko nahahalata?" Agad niya 'kong pinutol. "Alam kong iniiwasan mo si Alexa, Mark. Bakit mo ginagawa 'yon? Bakit mo siya iniiwasan kahit gusto-gusto mo na siyang kausapin?"

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya, "ginagawa ko 'to para sayo, kuya. Ayokong masaktan ka kung patuloy pa rin ako lalapit sa babaeng mahal mo, ayokong maging hadlang, sabagal sa inyo. Ayokong babae ang maging dahilan para magkalabuan ang pagsasama natin bilang magkapatid. Ayoko." Lintanya ko.

"Pero hindi niya na 'ko mahal, Mark. Hindi na siya si Alexa na minahal ko noon, galit pa rin siya sa akin at hindi ko naman siya masisisi. Hindi rin ako magagalit kung ano man ang maging relasyon ninyong dalawa. Siguro nga... siguro nga hindi ko deserve si Alexa." Rinig kong wika niya at bumuntong hininga.

Tumayo ako, "ayaw niya sa akin. Hindi niya 'ko gusto at ang layuan ko siya ang matagal niya ng nais. Ayokong ipagkait sa kaniya iyon."

"Paano mo nasabing hindi ka niya gusto? Paano mo nasabing ayaw niya sa'yo?" Maging siya ay napatayo na rin.

Muli akong bumuntong hininga. "Ikaw na mismo nagsabi kuya, wala siyang pakialam nung naaksidente ako. Tanda lang na kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, hinding-hindi niya 'ko gusto at ayaw niya sa akin." Ani ko at akmang maglalakad na sana nang muling nagsalita si kuya.

"Pero ma—" I immediately cut him off.

"Buo na ang desisyon ko kuya, hindi na magbabago iyon. Para sa kaniya din naman ang gagawin ko." Matapos kong sabihin iyon ay tuluyan na 'kong umalis doon.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now