Chapter 1;

1.5K 97 24
                                    

********************
Note: This is UNITED version. Sorry for the typographical and grammatical errors that you may encounter.
********************

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko.
Kringgg...Kringgg...Kringgg...
Kaya naman mabilis akung bumangon at pinatay ang alarm clock na nasa tabi lang din ng hinihigaan ko.
Sabay punta sa bintana at binuksan ito. At sabay sigaw ng..

"Maayong buntag Cebu!"
Translation: Magandang umaga Cebu!

Pag-kasabi ko non ay agad-agad na akong bumalik para linisin ang hinigaan ko. At para nadin makaligo. Maaga pa kasi akung pupunta sa palengke para tulungan si Aleng Bebang sa pag-titinda ng kakanin.

Oo ganyan na talaga ako araw-araw, gigising sa umaga para tumulong kay Aleng Bebang, sa kanyang paninda. Bata palang kasi ako. Ako na ang bumubuhay sa sarili ko, wala na kasi akong mga magulang, o kung tawagin ninyo ulilang lubos na ako. Namatay kasi ang mga magulang ko sa isang aksidente. ( O siya tama na muna ang drama baka umiyak lang ang magandang si ako echos lang kayo naman di mabiro hahaha.. )

So, ayon na nga pagkatapos kung maligo at maglinis dumiretso na kaagad ako sa palengke.
Tama lang din naman ang dating ko kasi naabutan ko na si Aleng Bebang, na nag pwe-pwesto ng kanyang mga paninda.

"Maayong buntag Aleng Bebang!"
Translation: Magandang umaga, Aleng Bebang!

"Oh! Samantha naa naman diay ka, Maayong Buntag pud!"
Translation; Oh! Samantha nang diyan kana pala, Magandang umaga din sa iyo!

Hanggang nakita ko si Gina, na tumutulong kay Aleng Bebang, sa pag pwe-pwesto ng kanyang mga paninda.

"Oh! Gina nandito kana pala kaylan kapa nakauwi?"

"Kahapon lang Sam umalis na kasi ako sa pinag-tatrabahohan ko."

Kung di niyo maitatanong si Gina ay anak ni Aleng Bebang, siya ay nag ta-trabaho sa Manila bilang isang katulong.

"Ah! ganon ba! Bakit ka naman umalis doon? Diba sabi mo nga saakin noon na maganda ang sahod mo don! Kaya mo nga tinaggap ang paninilbihan mo doon, diba?"

"Yan na nga ang problema Sam, eh. Malaki nga ang sahod pero ang sama ng ugali ng boss ko doon. Sayang yong ubod ng gwapo niya pero yong ugali asal demonyo naman."

"Eh, mabuti naman at umalis ka na doon kisa naman, manatili ka doon baka kung ano pa ang magawa sayo ng amo mo."

"Yon na nga, e, Pero ok naman talaga yong ibang amo ko doon yong anak lang talaga nila na lalaki ang masama ang ugali."

"Ay ganoon ba?"

"Oo, pasalamat nga ako at pinayagan akong umalis na doon. Kaso nga lang may kapalit."

"Ano namang kapalit 'yaan?"

"Pinayagan akong maka-alis basta this coming week e makahanap na ako ng kapalit ko. Kung hindi kasi ako makahanap ng papalit sa akin e pababalikin nila ako doon. E, ayaw ko ng bumalik don no."

"Ganon ba? Malaking problema nga'yan."

"Oo nga, eh. Sam?"

"Oh?"

"Kung ekaw nalang kaya pumalit sa akin."

"Ano ako?" Namimilog pang matang sabi ko.

"Oo ekaw! Tutal alam ko namang kaya mo yan, e, wala namang trabaho ang hindi mo inaatrasan".

"Eh? Magkano ba sahod don?"

"20k per month."

"Ganon?" Gulat pang sabi ko.

"Oo sa sobrang yaman ba noong boss ko e hindi naman nila ikaka-lugi ang pag-papasahod ng ganoon kalaking pera no.

"Akalain mong may 10 branches, company sila dito sa pilipinas, iba din yong sa ibang bansa."

Napapalunok nalang ako sa sarili kung laway, dahil sa aking narinig.

"Abay, napaka yaman pala talaga ng boss mo, Gina."

"Sinabi mo pa. Ano game ka?"

"Anong Game?"

"Game ka, ikaw na papalit sa akin doon."

"Ay naku, kung ganyan lang din pala magiging amo ko wag nalang, ano! Mas gugustuhin ko pang kumita ng isang daan sa mama mo kisa naman makasalamuha ko yong mga amo mong demonyo."

"Grabe ka naman sa mga, yong anak lang naman nilang lalaki ang masama ang ugali. Mababait naman yong mga magulang niya."

"Ah basta! Dito lang ako sa probinsiya natin ano, siyaka isa pa, dito na ako lumaki sa Cebu kaya hindi ko kayang iwan itong lugar natin. Kaya pass muna ako diyan, maghanap ka nalang ng iba."

"Sige, ikaw'ng bahala."

Pagkatapos naming mag-usap ni Gina ay tumulong na nga ako sa kanyang ina sa pag-titinda.

Salamat naman sa diyos at naubos lahat ng mga paninda namin kaya yong isang daang binibigay sa akin ni Aleng Bebang ay nadagdagan pa ng isang daan.

Ganyan kasi talaga 'yan si Aleng Bebang pag nauubos lahat ng paninda niya dadag-dagan niya ako ng isang daan. Pero pag hindi naman ma ubos ang paninda niya. Isang daan lang talaga ang kikitain ko. Kaya laking pasasalamat ko na din kasi may dalawang daan ako ngayong araw sapat na para makabili ako ng aking mga panga-ngailangan.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now