Chapter 24;

516 20 5
                                    

Nagising nalang ako ng biglang tumunog ang cellphone na ibinigay sa akin ni Mark. Pag tingin ko sa screen ay siya pala ang tumatawag, agad ko naman itong sinagot na may ngiti sa labi.

"Hey, how's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?"  sabi niya sa kabilang linya.

"Oo naman, ikaw ba?" habang pinipigilan ko ang kilig na gustong kumawala sa akin.

"Yes, nakatulog din ako ng mahimbing, and it's because of you" dahil sa sinabi niya ay impit akong napa tili.

"What's that sound?" may pagtataka sa tono ng boses nito. Hindi ko alam na narinig niya pala ang pagtili ko. Pero salamat naman at naka-isip din ako ng palosot.

"Huh? Anong sounds? Ah yon ba..." sabay aper ko pa sa sarili kong mga kamay. "Naku, wala yon alarm clock ko lang yon"

"Oh, okay. By the way just fix yourself coz where going to the mall"

"Mall?"

"Yes"

"Bakit?"

"Just don't ask, just fix yourself. Okay?"

"Okay, sige magbibihis lang ako"

"Sige, bye I love you see you later"

"Sige bye din" agad ko namang ibinaba ang phone ko dahil hindi ko pa alam ang isasagot ko sa I love you niya, saka nahihiya pa akong mag I love you sa kanya.

Kaya ang ginawa ko nalang ay dali-dali akong naligo, pagkatapos ay nagbihis na din ako. Naka tsinelas at naka jeans at malaking damit lang ang suot ko. Kagaya lang din ng dati kasi wala naman akong magagandang damit. Ilang minuto na ang lumipas at hihintay ko nalang siya, nag text kasi siya sa akin kanina na pupuntahan niya lang daw ako dito sa kwarto.

Hanggang sa narinig ko na nga ang boses niya na tinatawag ako.

"Samantha? Are you done? Can I come in?"

"Oo, tapos na ako, sige pumasok kana" kaya naman agad akong, umayos ng tayo, nang tumambad na siya sa harapan ko. Omg.. nakakalaglag panty naman ang kapugian ni Mark ngayon. Naka messy hair ang basa niyang buhok, naka cap din siyang adidas na color white, sapatos na color white, naka jeans din siya na color blue at naka black t-shirt, maamoy mo din ang mamahalin niyang pabango. Para na talaga siyang isang model sa isang magazine. Hindi ko alam na matagal na pala akong nakatitig sa kanya at ang mas malala pa ay nakanganga pa talaga ako sa harapan niya hindi ko lang malalaman kong hindi siya nag-salita.

"Hey, baka mapasukan yan ng langaw" at don nga lang ako natauhan, tinatawanan niya naman ako kaya napasimangot nalang ako sa kanya.

"Ganon, naba talaga ako ka gwapo at naging, ganon ang reaction mo?"

"Tse, asa pangit ka kaya... PANGIT!" diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko ng salitang pangit, pero siya ay tinatawanan lang ako.

"Tara na nga, baka bumagyo pa at hindi na tayo matuloy sa MALL"

"Okay-okay let's go" sabi nito habang tumatawa pa rin. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto. Saka kami sabay na lumabas papuntang garahe. Habang tinatahak namin ang daan papuntang mall ay tahimik lang kaming bumabyahe ni isa sa amin ay walang nagtangkang mag-salita. Kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Mark" sabay lingon ko sa kanya.

"Hmm.." sabay sulyap sa akin, saka baling ulit ng paningin nito sa daan.

"Paano kapag malaman ni Ma'am Celine ang tungkol sa ating dalawa at paalisin niya ako?"

"Wag ka nang mag-isip ng kong ano-ano okay? Kung mangyari man yon, wag kang mag-alala ako na ang bahala kay mom. Gaya nga ng promise ko sayo I will fight you no matter what happen" sabay ngiti sa akin at hawak sa kaliwa kong kamay. "Just enjoy this day Samantha coz it's our first date"

"Date? Ang ibig mong sabihin mag de-date tayo?"

"Yes, kaya wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano okay? Ang isipin mo ngayon ay yong date natin" dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng excitement at labis-labis ang tuwa ang aking naramdaman pag-naiisip ko pa lang na mag de-date kami ngayon ni Mark.

Mahigit kalahating oras din ang binyahe namin bago makarating sa mall. Pinark pa muna niya ang sasakyan, pagkatapos ay bumaba siya umikot pa muna siya bago ako pagbuksan ng pinto. Kaya naman pinipigilan ko nalang ang kiligin baka magaya pa kanina, na muntik na niya akong mahuli dahil sa pagtili ko. Kaya ang ginawa ko nalang ay kinagat ko nalamang ang aking labi para mapigilan ang kilig na aking nararamdaman ngayon.

"So, let's go?" sabay lahad niya sa akin ng kanan niyang kamay. Aabotin ko na sana ito pero agad ko namang binawi kaya nagtaka naman siya sa ginawa ko.

"Why? Is there any problem?" nakita niya naman akong nakatingin sa paligid kaya, napa tingin na rin siya.

"Wala naman, Mark pwede bang wag nalang muna nating ipahalata sa iba, alam mona sikat na sikat ka bilang isang maimpluwensiyang businessman nangdoon ka sa Ibat-ibang mga billboards. Alam kong maraming nakakakilala sayo. Natatakot lang talaga akong malaman nila, at baka makarating pa ito kay Ma'am Celine" may halong lungkot sa mga salita ko, masakit mang isipin na kaylangan naming itago ang relasyon naming dalawa pero ito lang talaga ang naiisip kong paraan para hindi malaman ni Ma'am Celine, dahil tiyak ako na kapag malaman niya ang tungkol sa aming dalawa ni Mark ay, magagalit siya sa akin at papaalisin niya ako sa mansyon.

"But—" hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin ng bigyan ko siya ng isang makabulohang tingin, kaya wala nalang din siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto kong mangyari.

"Okay, fine but just stay beside me okay?" tumango nalang ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti. Nauna naman siyang mag-lakad habang ako naman ay naka-sunod lang sa kanya.

Pagpasok nga namin sa mall ay pinag-titinginan na nga siya, pati nga yong ibang mga nag-lalakad ay napapahinto at na papa-tingin sa kanya. Ibinaling naman nila ang mga paningin nila sa akin. Yong iba ay pinag-tatawanan, at pinag-bubulungan ako dahil para daw akong isang pulubi na sunod ng sunod kay Mark. Nakita ko nalamang ang kamay ni Sir Mark na napakuyom ang kamao. Tumigil naman siya sa paglalakad kaya nasubsub ako sa likuran niya. Tinaponan niya pa mona ng masasamang tingin ang mga tao na nagbubulungan kanina kaya napayuko nalang sila at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Hinigit naman ni Mark ang kamay ko papalabas ng mall. Kaya ang resulta ay hindi na nga natuloy ang date namin, gusto niya sana akong dalhin sa Park kaso tumanggi nalang ako. Sinabi ko nalang sa kanya na masama ang aking pakiramdam at gusto ko ng umuwi. Kaya wala na siyang nagawa at umuwi na nga lang kami.

***************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now