Chapter 8;

712 33 0
                                    

Hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong nakatulog sariwa pa din sa akin ang nangyaring sagutan nina Ma'am Celine at Sir Mark kanina. Agad naman akong nag-ayos ng aking hinigaan at lumabas na ako sa aking kwarto akmang isasara kuna ang pinto ng bumukas ang katabi kong kwarto, na kwarto din ni Sir Mark agad na nagtama ang aming mga mata hanggang sa hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin humakbang na ako paatras pero humakbang naman siya papalapit sa akin. Hanggang sa namalayan ko nalang na nakasandal na pala ako sa pinto ng aking silid inilagay niya naman yong dalawa niyang kamay sa aking magkabilang gilid. Habang diretsong nakatingin nang malamig sa akin.

Napalunok nalang ako sa sarili kung laway dahil hindi ko padin maitatanggi ang angkin niyang kagwapohan. Natauhan nalang ako ng bigla niyang inalis and mga kamay niya sa aking magkabilang gilid at tumayo na siya ng matuwid saka tinignan ulit ako ng malamig. Bigla naman siyang nag-salita na nag-dulot sa akin ng matinding pangamba at kilabot.

"So your my new personal maid? Will just be ready coz I will make your life miserable until you will be the one to surrender to become my maid. Just what I did to my old maid." Hindi naman ako nakapag-salita dahil alam ko na kung ano ang tinutukoy niya dahil halos pursigedong makahanap si Gina dati na papalit sa kaniya bilang isang personal maid ni Sir Mark para hindi na siya makabalik sa amo niya dahil daw sa masamang pag-uugali nito. Napayuko nalang ako at tinatagan ko ang aking loob para makita niya na hindi ako natatakot sa mga pinag-sasabi niya kahit pa sa loob-loob ko e gusto ko nang umatras. Nahimasmasan lang ako ng umalis na siya sa harapan ko at bumaba na siya sa ibaba.

Nagpakawala nalang ako ng isang buntong hininga bago ko siya sinundan pababa dahil ito na ang araw para pag-silbihan ko siya. Pagbaba ko naabutan ko siyang nakaupo mag isa sa dining area habang nag-hihintay ng pagkaing ihahanda para kanya. Nakita naman ako ni Manang Telma at sininyasan niya akong sumunod sa kanya sa kusina para siguro dalhin ang mga pagkaing ihahanda para kay Sir Mark. Kaya naman sumunod na ako sa kanya patungong kusina pag-punta ko don hindi nga ako nagka-mali dahil nandon na nga ang mga pagkain na aking ihahain.

"Samantha hija ikaw na mag-hatid ng mga pagkaing ito kay Mark alam mo naman yang batang iyan ayaw na ayaw niyan na may tumutulong sa sarili niyang katulong."

"Wag po kayong mag-alala Manang Telma kaya kona po ito ako na pong bahalang maghatid ng mga pagkaing ito kay Sir Mark. Isa po trabaho ko naman pong pag-silbihan si Sir Mark sa abot ng aking makakaya." Tinangoan ko nalang si Manang Telma at binigyan ko nalamang siya ng isang tipid na ngiti para sabihing kaya ko po ito. At para na din hindi na siya mag-alala.

Nilagay kona isa-isa ang mga pagkain sa tray. Gaya ng bacon, egg, milk, rice, at hotdog. Lumabas na ako sa kusina at dinala kona ang mga pagkain sa dining area kung saan naroroon si Sir Mark. Agad ko naman inilapag sa tapat niya isa-isa ang mga pagkain at pagkatapos ay tumayo na ako sa gilid niya. At nagsimula na siyang kumain. Agad naman siyang napatingin sa akin na hanggang ngayon ay nakatayo padin ngayon sa gilid niya.

"What are you doing? Can't you see I'm losing my appetite if I saw your face while I'm eating.Now leave!" Seryosong wika nito hindi ko naman alam kung anong aking gagawin kaya naman agad na akong humingi ng paumanhin sa kaniya.

"S-sorry Si-sir hi-hindi napo ma-uulit." Kanda utal-utal na paghingi ko ng paumanhin. Agad naman akong umalis don at mabilis akong pumunta sa garden nitong bahay dahil ayaw ko naman na mag-karoon na naman ng panibagong tensiyon sa aming dalawa kaya hanggang maaari ako nalang ang kusang iiwas para wala ng gulo.

Kaya naman naupo nalang ako sa bench nitong garden dinama ko nalamang ang hangin dito sa labas hanggang sa mapadako and paningin ko sa labas nitong bahay. May mag-asawang magkasama habang nasa gitna naman nila ang anak nilang babae, habang masaya silang nag tatawanan at nag lalakad sa daan.

Hindi ko namalayan na mayna-momoong luha na pala sa mga mata ko habang naka-tanaw sa kanila. Napatigil nalang ako ng biglang may umabot sa akin ng panyo agad ko naman itong kinuha sa pag-aakalang si Manang Telma ang nag-bigay nito. Kaya naman iniangat kona ang aking paningin para sana mag-pasalamat kay Manang Telma. Pero laking gulat ko ng hindi si Manang Telma ang aking nabungaran.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now