Chapter 10;

697 28 0
                                    

Maaga akong nag handa para sa dadalhin kong mga pagkain para sa amin ni Sir Mark. Dahil pupunta kami ngayon sa kumpanya nila hindi sana papayag si Sir Mark na sumama ako sa kanya dahil makaka abala lang daw ako. Pero wala na siyang magawa nang si Sir Marcos na mismo ang nag-sabi na isama ako dahil trabaho ko naman daw to, na kahit saan siya mag-punta ay dapat kasama ako.

Natanaw kona si Sir Mark na pababa ng hagdan naka corporate attire ito. Sakto namang kakalabas ko lang ng kusina kaya lumapit na ako sa kanya. Agad ko naman siyang binati.

"Good morning Sir Mark" pero wala pa ring reaksiyon ang mukha nito sa halip ay tinignan niya lang ako saka nilampasan.

Nakita kong lumabas na siya ng bahay kaya agad ko siyang sinundan. Nag tungo siya sa parking lot saka nilapitan ang kotse niya, pumasok na siya sa loob ng sasakyan habang ako ay naiwan pa sa labas. Nag dadalawang isip pa ako kung saan ako sasakay sa passenger sit ba o sa back sit. Hanggang sa napag desisyonan ko nalang na sa back sit ako sumakay, binuksan kona ang pinto ng sasakyan isasara kona sana ng bigla siyang mag-salita.

"Are you making me your driver?" cold na pag-kakasabi nito agad naman akong napayuko sabay sabing.

"H-hindi p-po S-sir" nauutal pa ako sa pag-bigkas ng nga salita na yon. Tumingin nalang ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin sa rear view mirror nang sasakyan. " Now sit beside me" kaya naman dali-dali akong lumabas nang sasakyan at lumipat sa passenger sit.

Ilang minuto na ang lumipas wala pa din kaming imikan sa loob nang sasakyan. Dahil seryoso lang naman siyang nag-maneho, habang ako ay tumitingin lang sa labas ng bintana nitong sasakyan. Tinitignan ko ang mga nag lalakihan at nag tataasang building.

Hanggang sa mapadako ang paningin ko sa isang malaking billboard, hindi ako pwedeng mag-kamali si Sir Mark ang nasa billboard na yon. Na isa sa pina-kasikat na CEO (chief executive officer) at may pinaka maraming kumpanya dito sa Pilipinas.

Hindi ko namalayan na ang dito na pala kami sa sarili niyang parking lot sa kumpanya nila. Bumaba na siya, kaya bumaba na din ako nang sasakyan. Halos mamangha ako sa laki at lawak nito. Ito ata ang pinaka-malaking kumpanya na nakita ko sa mga nada-raanan namin kanina. Natigil lang ako sa pag tingin-tingin sa paligid ng makita kung pumasok na siya sa loob nang kumpanya.

Napa bulong nalang ako sa aking sarili. "Hindi man lang ako hinintay, bastos talaga kahit kailan" sabay simangot ko. Sumunod nalang din ako sa loob ng biglang hinarang ako nang guard dahil hindi naman daw ako empleyado doon. Nang biglang may mag-salita mula sa aking likuran.

"She's with me, let her in" kaya naman napa-lingon ako sa aking nasa aking likuran. Pati si Manong guard ay napalingon din dahil sa pamilyar na boses na yon.

"Sorry po Sir Mark" sabay lingon sakin "Sorry din hija hindi ko alam na kasama mo pala si Sir Mark"

"Wala po yon Manong" habang si Sir Mark naman ay tumango lang kay Manong guard at bumalik na sa front disk. Kanina pa pala siya ang doon hindi ko lang na pansin dahil nasa gilid yong front disk. Lumapit na ako sa kanya pero nanatili pa din akong na sa likuran niya habang nag-uusap padin sila nung babaeng taga-pamahala sa front disk. Kaya inilibot ko nalang ang paningin ko sa kabuuhan nitong kumpanya. Hanggang sa mapadako ang paningin ko sa mga babaeng nag bubulungan sa gilid. Kung makabulong ay wagas akala mo wala ako sa harapan nila.

"Bagay sila" girl 1
(Hindi kami bagay tao kami T.A.O)

"Ang ganda naman ni ate gurl" girl 2
(Thank you gurl I love you na talaga)

"Sana ako nalang siya" girl 3
(Ay wag naman mahal ko pa buhay ko)

"Ang swerte niya naman, nakakasama niya si papa Mark" girl 4
(Naku, kung alam niyo lang hindi ako swenerte, minalas pa nga ako)

"Nakaka-inggit naman" girl 5
(Sige ma-inggit ka lang hanggang sa mag-sawa ka)

Pero sa kabila ng magaganda nilang sinabi sa akin, hindi pa din mawawala don yong mga msasamang bulongan nila.

"Yuck, ang pangit niya naman" girl 1
(F.Y.I mas pangit ka pa sa akin ano, mukha ka ngang tiyanak diyan)

"Eww, ang landi naman" girl 2
(Ako malandi? Tignan mo nga yang suot mo, parang nakikita na yang kaluluwa mo)

"Sino ba yan?" girl 3
(Sino ako? Ako lang naman ang sasabunot sayo Grrrr...)

"At talagang dumidikit pa siya sa asawa ko ah" girl 4
(Wow, ASAWA daw saan banda?)

"Ang kapal naman ng mukha nang babae na yan" girl 5
(Tumingin ka kaya sa salamin teh, at ng malaman mo kung sinong makapal ang mukha sa ating dalawa Grrr...)

Hindi naman siguro narinig ni Sir Mark ang bulung-bulungan ng mga empleyado niya dahil cool lang siya nag-lakad sa gitna nila. Habang yong mga bruha naman ay kilig na kilig sa pagdaan ni Sir Mark. Kaya naman sumunod na ako sa kaniya habang yong ibang bruha ay pinapatay na ako sa mga tingin nila.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now