Chapter 11;

662 29 2
                                    

Nangdito na kami sa loob ng elevator ni Sir Mark, kami lang dalawa ang narito dahil private elevator niya to. Papunta pala kami sa 50 floor ganon nalang ang pagka-mangha ko dahil sa taas nito, hindi ko namalayan na ganito pala kataas ang kumpanya nila. Bumukas na ito kaya naman dali-dali itong lumabas panay pa ang tingin nito sa kaniyang relo simula pa nung nasa loob pa kami ng elevator, hanggang ngayong pag-labas niya.

Kaya naman sumunod na ako sa kaniya habang tumitingin sa kabuuhan nitong kumpanya nila. Napatigil lang ako nang biglang mabangga ako sa likuran ng isang tao. Iniangat ko pa ang aking paningin dahil sa matangkad itong nabangga ko. Nang mapagtanto ko na si Sir Mark pala ito. Hihingi na sana ako ng tawad nang biglang nauna na siyang mag-salita.

"Tsk, clumsy" dahil sa sinabi niya ay agad nag init ang ulo ko. Sasagotin ko na sana siya dahil punong-puno na ako sa mga masasakit na salita na binabato niya sa akin. Nang bigla na itong mag-patuloy sa pag-lalakad agad naman itong tumigil nang mapagtanto niya na may-sasabihin pa pala siya sa akin.

"And one more thing, tumingin ka sa dinaraanan mo. Wag kang lilingon-lingon na para bang sinusuri mo itong kumpanya namin. Remember this, all the things the you see here are all expensive it means, mahal pa to sa buhay mo" sabay patuloy nito sa pag-lalakad.

"Mahal-mahal tse, kahit anong materyal na bagay mas mahal pa din ang buhay ng isang tao. Tandaan mo yan Sir Mark!" nasabi ko nalang sa aking isipan. Saka naiinis na sumunod sa kaniya.

Nandito na kami sa tapat ng kaniyang opisina, papasok na sana kami sa loob nang biglang lumabas ang kaniyang secretary. Nagulat pa ito nang makita niya kaming dalawa na mag-kasama pero agad din itong nakabawi.

"Good morning Sir, the board member are waiting for you at the conference room" pabebe pang pag-kakasabi nito. Tango lang naman ang iginanti ni Sir Mark sa kaniya.

"Good morning Sir nye..nye..nye.." kaya agad silang napalingon sa akin. Si Sir Mark naman ay naka kunot ang noong nakatingin sa akin habang yong secretary niya ay tinaasan lang ako ng kilay kaya hindi ako nag-patalo tinaasan ko din siya ng kilay. Nang biglang mag-salita si Sir Mark.

"May sinasabi ka?"

"Naku, wala po Sir ang sabi ko nga po pumunta na kayo sa conference room" tumango nalang din siya saka pumunta na nga sa conference room. Habang yong secretary naman niya ay inirapan pa ako bago sumunod kay Sir Mark.

Ano maiiwan nalang akong mag-isa dito? Saan naman ako pupunta nito? Tiyak matatagalan pa sila bago sila matapos sa meeting. Kaya napag-desisyonan ko nalang na pumasok sa loob ng opisina niya. Wala naman siyang sinabi na bawal akong pumasok dito sa loob. Pagpasok ko naamoy kona agad ang pabango ni Sir Mark dito sa loob. Ang linis-linis din dito sa loob kahit isang kalat ay wala kang makikita. Malaki din ang opisina niya, may 5ft na ref, TV, kitchen, bed, at sopa, na para bang nasa condo lang siya.

Isang oras na ako nag-hihintay dito ng biglang bumukas ang pinto nitong opisina niya at iniluwa nga nito si Sir Mark. Nagulat pa ito ng makita niya ako dito sa loob. Yong gulat na expression niya ay napalitan ng galit, hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa akin.

"Why are you entering at my office? Did I gave you a permission?" galit na pag-kakasabi nito.

"S-sorry p-po S-sir wala na po kasi akong ibang mapuntahan" nangi-nginig pa ang mga kamay ko habang sinasabi ko iyon.

"I don't care Samantha kung wala ka nang mapuntahan! Get out!" seryosong pag-kakasabi na naman nito.

"P-pero Si–" hindi kona na tapos ang sasabihin ko nang bigla na siyang sumigaw na halos na sakop na ng boong boses niya itong opisina.

"I said GET OUT!" Kaya naman dali-dali na akong tumakbo papalabas ng opisina niya  naabutan ko pa sa labas ang secretary niya na tinatawanan ako, hindi ko nalamang pinansin at agad nalang akong sumakay sa elevator.

Nandito na ako sa pinto ng kumpanya nila lalabas na sana ako ng makasalubong ko si Sir Zandrex.

"Hey, Good morning Sam" sabay ngiti nito.

"Good morning din po Sir Zandrex" sabay ngiti ko din sa kanya.

"Mabuti naman at isinama ka ni Mark dito, alam mo bang ikaw palang ang na isama niya dito sa lahat ng naging maid niya?"

"Hindi po sana papayag si Sir Mark mabuti nalang at pinilit siya ni Sir Marcos, kaya ayon na isama po ako"

"Ah, kaya pala alam mo naman yang si Tito tatahimik lang yan pero wagas yan magalit. Kaya pag-dating sa kaniya tiklop kaagad si Mark" sabay tawa nito. Hindi na lamang ako sumagot bagkos ay tumango na lang ako.

"Actually bibisita sana ako kay Mark kaya ako nangdito, tara samahan mo ako sa kanya."

"Hindi na po Sir kayo nalang po, dito nalang ako sa labas" pagtanggi ko sa kanya.

"Siguro pinagalitan kana naman non ano? Sige na nga mamaya ko nalang siya pupuntahan baka mainit pa ulo non" ngumiti ulit ito sa akin.

"Tara coffee muna tayo, My treat" sabay turo niya sa coffee shop na nasa tapat lang ng kumpanya. "Sige po" saka kami sabay na pumunta sa coffee shop na sinasabi niya.

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now