Chapter 4;

786 46 2
                                    


Matapos ang sampung minuto ay nakarating din kami sa terminal ng bus. Binayaran na muna namin ang tricycle driver bago kami bumaba. Sakto lang din naman ang dating namin dahil pag-punta namin wala pa namang masyadong pasahero ang bus. Kaya naman nakapag-usap at nakapag paalam pa kami sa isat-isa ni Gina.

Huhuhu..."Aalis kana talaga Sam? ma mi-miss kita."

"Hoy ano bang nangyayari sayo? Wag ka ngang umiyak diyan para kang bata e."

"E kasi naman hindi ko alam kung kaylan tayo mag-kikita."

"Gaga ka talaga Gina e ikaw nga tong nag-pupumilit sa akin diba? Na tanggapin ko ang inaalok mo sa aking trabaho tapos ngayon iiyak-iyak ka diyan."

Hehehe... "Oo nga ano." Sabay punas ng luha niya at saka sumeryoso.

"Sige na Gina papasok na ako baka maiwan na ako ng bus." Niyakap ko naman siya saka nag-simulang umalis natigil lang ako ng bigla niya akong tawagin.

"Samantha sandali." Kaya naman natigilan ako at humarap sa kanya.

"Sorry muntik ko tuloy maka limutan."

"Ano to?"

"E ikaw pala tong gaga e, edi buksan mo kaya ng malaman mo kung anong laman."

Napa buntong hininga nalang ako sabay bukas ng envelope. Agad na nanglaki ang mata ko sa laman nito. "Plane ticket."

"Gina?"

"Oh."

"Hindi ko matatanggap to ang mahal-mahal nito."

"Ano kaba naman Samantha wag kang mag-alala hindi naman sa akin galing iyan."

"Huh?"

"Oo sa amo ko yan, diba tumawag ako kahapon sinabihan ko si ma'am na may papalit na sa akin kaya ayon pinadala niya yan." Sabay turo don sa ticket.
"Para maka lipad kana kaagad don."

"Pero Gina kahit na hindi ko parin matatanggap to alam ko namang basta ticket e ang mahal-mahal nito."

"Hay naku Sam kung hindi mo yan tatanggapin e ano nalang ang sasakyan mo? E ang layo-layo ng maynila. Kung mag bu-buss ka din e baka ilang araw kapa makarating don kaya sige na tanggapin mo na iyan, siyaka wag kang mag-alala libre naman yan hindi naman yan ibabawas sa sahod mo doon. Gaya nga din ng sabi ko sayo kahit na ilibre ka pa nila ng isang daang ticket hindi sila mag-hihirap no. Kaya sige na Sam sumakay kana baka maiwan kapa ng bus." Sabay yakap nito sa akin at kumaway pa ito paalis.

Kaya wala na akong magagawa, gaya nga ng sabi ni Gina sumakay na nga ako sa bus. Sakto lang din naman dahil pag-kasakay ko e umandar na ito. Kaya hanggang sa nakatulugan ko na lang ang biyahe.

Nagising nalang ako ng biglang may tumapik sa balikat ko. Pag tingin ko si Manong kundoktor lang pala.

"Asa ka ma naog ma'am?"
Translation; Saan ka bababa ma'am?

"Sa Mactan International Airport ra ko."
Translation; Sa Mactan International Airport lang po ako.

"Ok tura imong ticket oh 50 lang."
Translation; Ok ito na ang ticket mo 50 lang.

Kaya naman agad ko ng kinuha ang bus ticket at binayaran ko na nga siya ng 50 pesos. Hindi na naman din ako nakatulog dahil siguro nakatulog na ako kanina. Ilang minuto lang ang nakalipas at narinig ko na ngang mag-salita yong kundoktor.

"Naabot nata sa Mactan International Airport sa katong manaog, panaog na mo."
Translation; Nandito na tayo sa Mactan International Airport yong mga bababa, bumaba na kayo.

Kaya naman bumaba na nga ako kasabay ng ibang pasahero na dito din patungo.

"Welcome to Mactan-Cebu International Airport."
Basa ko sa itaas. Napa buntong hininga nalang ako bago pumasok sa loob ng airport.

Nag-hintay pa ako ng ilang minuto bago tawagin ang lugar kung saan ako pupunta ang "Manila."

Kaya naman pumasok na ako sa loob ng eroplano hanggang sa nakatulugan ko nalang ulit. Nagising na lang ako ng biglang may mag-salita na naman ulit na mag la-landing na nga itong sinasakyan namin. Hanggang sa tuluyan na nga itong lumapag. Kaya naman bumaba na nga ako. Hapon na din pala ng lumapag ito. Lumabas na din kaagad ako sa airport para humanap ng taxi. Salamat naman at hindi na ako nahirapan dahil ang taxi pa mismo ang lumapit sa akin, agad ko namang binuksan ang pinto nito.

"Saan po tayo ma'am?"

"Sa Lopez village po. Alam mo ba kung saan iyon?"

"Oo naman po. Sino ba namang hindi makakakilala don e mga big time yon."

"Ganoon po ba." Hindi niya naman ako sinagot bagkus ay nag maneho na lamang siya.
Namamangha naman akong pinag-masdan ang mga nag tataasang mga kumpanya dito sa maynila. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.

"Nandito na po tayo sa Lopez village ma'am, pasensya na po at hindi ko na ito maipapasok sa loob private village na po kasi hanggang sa labas lang po kami pwede.

" Ganoon po ba, sige po salamat po. Magkano nga po pala ang ibabayad ko?"

"200 lang po ma'am."

"Ito po salamat po." Sabay abot ko ng dalawang daan. Agad naman akong bumaba at nilapitan ang guardia na nakabantay sa main entrance ng gate. Tinanong niya naman ako pagka-lapit ko sa kanya.

"Sino po sila?"

"Ako nga po pala si Samantha Flores ako po yong bagong katulong ng mga Lopez."

"Ah kayo po pala yon pasok ka po." Agad niya naman akong pinapasok. "Kumaliwa po kayo diyan na po ang bahay ng mga Lopez."

"Sige po salamat po."

"Sige."

Kaya naman sinunod ko nalang ang sinabe nung guardia hanggang sa makita ko na nga ang bahay ng mga Lopez. Labis na lang ang aking pagka-mangha dahil ang bahay nila ang pinakamalaki sa lahat ng bahay dito. Kaya naman napa buntong-hininga na lang ako ng matapat ako sa mismong gate nila. At napasabi nalang ako sa aking isipan.

"Ito na. Ito na ang simula ng panibago kung kapalaran."

******************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Donde viven las historias. Descúbrelo ahora