Chapter 20;

595 24 3
                                    

K-I-N-A-B-U-K-A-S-A-N

Isinama ako ni Manang Telma sa palengke mamimili daw kami ng sariwang karne, at gulay. Ipinag-paalam naman niya ako kay Sir Mark at pumayag naman daw ito.

Nangdito na nga kami sa palengke, inilibot ko pa muna ang aking paningin sa kabuuhan nito, mas malaki nga ang palengke nila rito kaysa sa palengke doon sa cebu. Samot saring ingay ang aking naririnig, maamoy mo rin ang mga malalansang dugo ng mga isda, meron ding mga nag-titinda  na sumisigaw para lang maka hikayat ng costumer. Meron din namang ibang mamimili na tumatawad. Hindi naman na bago sa akin ito pero mas maingay ngalang at siksikan dito. Kumpara sa palengke doon sa Cebu, tunay nga na mas malaki ang popolasyon dito. Naisip ko tuloy sina Aleng Marta at Gina, kumusta na kaya sila? Natigil lang ako sa pag-iisip ng pag-tingin ko ay wala na pala si Manang Telma sa aking tabi, don ko lang nalaman na kanina pa pala ako tumigil.

Kaya siniklaban kaagad ako nang takot ng hindi ko makita si Manang Telma palinga-linga na ako pero hindi ko pa rin siya makita. Hindi ko pa naman alam ang pabalik sa mansyon dahil ngayon pa lang naman ako nakapunta dito sa palengke. Kaya naman kahit may na babangga na ako ay hindi ko nalang ininda panay hingi nalang ako nang sorry sa kanila. Hanggang sa di inaasahang pangyayari ay may naka banggan na nga talaga ako nahulog pa nga ang dala-dala niyang mga gulay, kaya naman dali-dali ko itong pinulot.

Pag-angat ko nang tingin ay, isang magandang babae ang aking na bungaran, maputi ito, matangkad, matangos ang pilik mata, na para bang isang modelo. Makikitaan mona talaga na isa siyang anak ng mayamang pamilya.

Pagka-pulot ko lahat sa gulay, ay tumayo na kaagad ako. Natatakot pa akong harapin siya dahil akala ko ay susungitan niya lang ako. Pero ganon nalang ang aking pagka-gulat ng bigla siyang ngumiti sa akin. Kaya naman na himas-masan na ako. Ginantihan ko nalang din siya ng isang matamis na ngiti, saka humingi nalang din ako nang tawad sa kanya.

"Sorry po ma'am, hindi ko po sinasadya na ma bangga kayo. May hinahanap lang po ako kaya ayon na bangga ko po kayo" pag hingi ko nang paumanhin sa kanya.

"No it's okay, you don't need to say sorry coz it's my fault too. Hindi din ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabay ngiti ulit nito. "By the way, what's your name?"

"Samantha po ma'am"

"Hmm.. Samantha! What a beautiful name"

"Salamat po ma'am" nginitian ko din siya.

"I'm Eline, is nice to meet you Samantha" sabay lahad nito ng kanang kamay sa akin, na agad ko namang tinanggap. Mag-sasalita pa sana ito pero, hindi na niya na tuloy ng may sumingit na isang matandang babae, na sa palagay ko ay ang katulong niya. Dahil naka damit din itong pang katulong.

"Naku, iha saan-saan ka ba nag-susuot ha? Kanina pa kita hinahanap tignan mo yang damit mo ang dumi-dumi na. Malalagot na naman ako nito sa iyong ina! Hindi ka pa naman pwedeng ma pagod"

"Sorry na Manang, please wag mona akong isumbong kay mommy" pag lalambing nito.

"Ano pa nga ba! Oh, siya tayo na kanina pa tayo hinihintay ni Nestor doon sa sasakyan" akmang aalis na ito, pero napatigil din kalaunan ng bigla na naman siyang tinawag ni ma'am Eline.

"Manang, wait!"

"Ano?" sabay tingin kay ma'am Eline.

"Nakalimutan ko palang ipakilala sa inyo, by the way this is Samantha, and Samantha this is my Manang Cynthia" sabay hawak sa braso ng matanda. Kaya naman napatingin ito sa akin, sinuri pa mona ako nito bago ngumiti sa akin.

"Magandang umaga po Manang Cynthia"

"Magandang umaga din sa iyo Samantha, pasensiya kana at kaylangan na naming umalis"

"Okay lang po Manang Cynthia" tumingin pa mona ako kay Eline saka ngumiti sa kanya, ngumiti din naman ito sa akin. Kumaway pa muna ito, bago sumunod kay Manang Cynthia. Hinatid ko pa mona sila nang tingin hanggang sa makalabas sila nang palengke. At doon ko lang naalala na hinahanap ko nga pala si Manang Telma, kaya naman yong takot ko kanina ay bigla na namang bumalik. Pero na pawi rin ito nang marinig ko ang boses ni Manang Telma sa aking likuran na tinatawag ako.

"Samantha sino yong kausap mo kanina?"

"Kaibigan lang po Manang, na bangga ko kasi siya kanina kaya tinulungan ko na"

"Oh, ayan pa ang isa sus maryosep kang bata ka! Labis ang pag-aalala ko sa iyo kanina pa kita hinahanap ngunit hindi kita mahagilap. Saan-saan ka ba nag sosoot?"

"Pasensiya na po Manang" napayuko nalang ako.

"Oh, siya wag mo nalang isipin iyon. Basta sa susunod, wag na wag ka nang aalis sa tabi ko. Alam mo namang hindi mo pa kabisado ang manila" pag sesermon nito sa akin.

"Opo, Manang pasensiya na po talaga"

"Oh, siya tara na at nang maluto na natin itong pinamili ko"

"Sige, po" at sabay na nga kaming umalis ni Manang naka ilang sakay pa kami ng tricycle bago kami makarating sa mansyon ng mga Lopez, tinandaan ko pa kung saan kami dumaan at kung ilang tricycle ang sasakyan namin. Para kahit papano ay hindi ako maligaw kong sakaling ako naman ang pumunta sa palengke para bumili ng pangangailangan sa mansyon.

Nangdito na nga kami sa kusina ni Manang Telma, ang lulutuin daw namin ngayon ay ginataang baka na paborito daw ni Sir Mark. Itinuro naman sa akin ni Manang Telma kung paano lutuin ang ginataang baka para sa susunod ay ako na daw ang mag-luto nito. Hindi naman pala mahirap lutuin ang ginataang baka kaya mabilis ko din itong natutunan mula kay Manang Telma. Ilang oras naman na ang lumipas at sa wakas ay na tapos na namin ang pag-luluto kaya ipinag utos niya naman sa ibang katulong na dalhin na itong pag-kain sa dining area. Habang ako naman ay tinulungan ko pang mag ligpit si Manang Telma.

****************************
#MOMCB

Maid of My Cold Boss Where stories live. Discover now